Ninety Ninth

808 54 2
                                    


" Good Morning, my future husband!", bati ni Julie kay Elmo.

Ala siyete lang ng umaga. Sabado.

"Good Morning my Baby!", ngisi ni Elmo na pupungas pungas  pa.

"You made breakfast in bed?!? That's so sweet!", saka pa bumangon para maupo sa kama.

Bacon, eggs, french toast, oatmeal at fresh fruits ang hinain ni Julie para sa kanya. Pares ang freshly brewed coffee na paborito niyang blend ni Julie.

This is officially the first week na magkasama sila ni Elmo sa iisang bubong.

"Did you sleep well?", saka nito hinalikan sa noo si Julie Anne.

"Yeah, of course, katabi kita eh!", nakangiting sagot nito.

"Eh aga mo atang nagising, kaya baka di ka gaano nakatulog?", may pagalala ang boses ni Elmo.

"Hindi naman, medyo namiss ko lang yung bed ko, saka di ako mapakali sa kambal, maya't maya ko sinisilip", paliwanag pa ni Julie.

Ngayon lang kasi nahiwalay ang kwarto ng twins sa kanila.

Sa bahay kasi nila Julie, kasama niya ang mga ito sa kwarto.

"Baby, masanay ka na, andyan naman si ate Cel di ba, habang padating pa lang yung maid na nirefer ni Lola Dessy."

"I know, pero syempre, I need to nurse them from time to time. Sayang naman yung gatas ko haha!", biro ni Julie.

"I thought, you're doing that pump thingy? Para may milk sila kahit wala ka?", naive na tanong ng mapapangasawa ni Julie Anne.

"Di ba recommended naman yun ng Pedia nila?",

"Irog, syempre iba pa din yung diretso sila sa akin. Mas magiging bonded kami at of course mas mafi feel nila ang pagiging mommy ko sa kanila pag ganun!", paliwanag pa nito.

"Okay. Make sense!", ngisi ni Magalona.

"So what are our plans again for today? Di ba we're meeting the wedding planner this afternoon?", tanong ni Elmo saka pa sumubo ng bacon mula sa hinanda ni Julie.

"Yuuupppp!", sigaw ni Julie mula sa walk in closet.

Lumabas ito na dala dala ang towel ni Elmo.

"Oh, Irog, after that you take a bath na ha. Yung bihisan mo nasa bathroom na", saka pa hinalikan si Elmo sa labi.

"Sarap naman. May nagaasikaso na sa akin ngayon!", as he grabbed Julie from the waist.

"I'm just so thankful that I now have you as my wife!", humalik din ito sa labi ni Julie.

"Masaya din ako, that you are the first person I see when I wake up in the morning, and the last person beside me when I sleep at night!"...

"Masaya ako, na nagigising ako sa gitna ng gabi dahil may dalawang babies na umiiyak na kailangan kong puntahan"....

"At masaya ako, na kahit na maaga akong natali sa pagaasawa, eh dahil ikaw naman ang lalaking yun!", sunud sunud na sabi ni Julie Anne.

"I love you Elmo!",

"I love you, too Julie!", saka na naglapat ang mga labi nila.

Ilang saglit pa, nakarinig ang dalawa ng iyak mula sa kanilang kwarto.

"Gising na yung kambal! Haha!", sabay nilang sabi.

Saka naman lumabas si Julie para puntahan ang mga anak.

Si Elmo naman, dumiretso na sa banyo para maligo.

Ngingisi ngisi itong humarap sa salamin.

"Aren't you the luckiest man on Earth?!", kausap nito ang sarili sa salamin saka na kinuha ang sipilyo para magtoothbrush.


♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡







Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon