"Salamat sa Diyos at ligtas ka,anak!", sabi ng mama ni Julie.
Nailipat na si Julie sa suite nito para lubusang makapahinga.
"Congrats, Julie!", bati ni Ate Cel niya.
"Naunahan mo na ko ha!? Kambal pa, haha!",biro nito.
Wala naman si Elmo dahil inaasikaso nito ang bills ng magiina sa Ospital.
"Kelan naman ang kasal nyo ni Elmo?",
"At least dun, naunahan kita! haha!", pilyang biro ni Cel.
Tinignan naman siya ng makahulugan ng mama ni Julie.
Ayaw nitong makisalo sa usapan, dahil kung maumpisahan niyang magsalita, pihadong matataranta si Julie sa isasagot.
"Ay!!! Sorry! Pasensiya ka na ha. Naexcite lang din naman ako sa kambal nyo ni Elmo, Julie!", bawi ni Cel.
"Syempre para naman din maging Magalona na kayong tatlo, di ba!"
"Dadating din tayo diyan, Ate Cel!", mahina man ang boses, pero halatang nakapahinga na din si Julie kahit paano.
"Gusto ko din muna mailagay sa ayos ng kambal",
"Madali na lang naman magpakasal eh!",
Sa totoo lang, naririndi na din si Julie Anne, sa mga tanong na nauugnay sa kasal nila ni Elmo.
Hindi din niya alam kung ilang beses na niyang sinagot iyon.
Kulang na nga lang siya ang magpropose dito.
Ilang sandali naman, bumalik na si Elmo sa kwarto ni Julie.
"Hi, Baby! How are you feeling?", unang tanong agad ni Elmo saka pa humalik sa noo nito.
Humalik din naman si Elmo sa mama ni Julie.
Saka muling bumaling sa girlfriend na ngayo'y bumagon na din at naupo.
"May gusto ka ba?!",
"Okay lang ako Irog, maya maya, magbe breastfeed ako sa kambal" , ngiti niya.
"Kumusta pala ang bills natin?", medyo nahihiyang tanong ni Julie.
"Don't worry about it, it's settled na!", sagot pa ni Elmo.
"Sabi ko naman sayo, magshe share ako sa gastos, Irog",
"Baby, wag mo na isipin yun okay! Di ba may plano ka pang mag exhibit?!", tanong pa ni Elmo
"Hindi naman importante yun, Irog!",
"Mas madami pang importanteng bagay na dapat nating unahin",
"May panahon para diyan, as of the meantime, sa kambal muna ang lahat ng atensyon ko!", katwiran pa ni Julie.
"Sa kambal lang?!", pout naman ni Elmo.
Nangisi naman si Julie.
"Haha! Syempre kasama ka na din dun, Irog!",
"Pa hug nga!", saka pa nagtaas si Julie ng mga braso para mayakap si Elmo.
Lumapit naman agad si Elmo saka pa niya hinalikan si Julie sa labi.
"Oh! Kapapanganak lang ni Julie ha! Elmo?!", parinig pa ni Ate Cel.
Nagtawanan naman silang lahat sa loob ng kwarto.
"Haha! Grabe ka naman Ate Cel, nilalambing ko lang ang tatay ng mga anak ko, masama ba yun?!",
"Haha! Biro lang Juls!",....
"Kelan daw ako pwedeng lumabas,Irog?!"
"Sabi ni Doc, she can discharge you day after tomorrow!".
"Wala naman daw problema dahil madali naman ang recovery mo dahil di ka daw CS", sabi pa ni Elmo.
"Okay!", ngiti din ni Julie sa kanya.
"Sa bahay muna kayo, uuwi ng twins ha, Baby?!", paalala pa ni Elmo dito.
Umapila naman ang nanay ni Julie Anne
"Ah, Elmo, hindi ba dapat sa Bulacan na dumiretso ang magiina mo para mas makapahinga sila. ",
"Nakakahiya naman sa Lola Dessy at Yaya mo?",
"Mas maaalagaan ko siya sa bahay, anak!", katwiran ng ina ni Julie.
"Ganun po ba?", mapagkumbabang sabi ni Elmo.
"Magha hire po sana ako ng private nurse para sa kanila", paliwanag pa nito.
"Wag na Irog, tama si Mama, sa Bulacan na muna kami!"
" Makakapunta ka naman sa bahay ng mas madalas di ba?", singit ni Julie sa usapan.
"Of course, Baby! Of course!", pagsangayon nito.
Wala naman magagawa si Elmo sa kagustuhan ni Julie at mama nito.
Sabagay may katwiran naman ang dalawa sa pagsabing mas maaalagaan si Julie at ang kambal sa sarili nitong tahanan.
The more na lalong naiisip ni Elmo na mapadali ang pagtapos ng pinapagawa nitong bahay sa Bulacan.
Halfway naman na ang construction nito. At halos finishing touches na lang ang kulang dito.
Pero dahil nga hindi naman pa ito nakikita ni Julie gawa ng pagbubuntis nito, wala siyang idea sa pagpapagawa ng bahay ni Elmo.
"Sige po, Tita tomorrow ipagdadrive ko po kayo pauwi sa Bulacan", pag give way ni Elmo sa desisiyon ng mama ni Julie.
"Thanks, Irog!", saka pa yumakap kay Elmo.
Hinalikan naman siya ni Elmo sa noo.
"Magiging maayos din ang lahat, Baby,!", sagot nito.
"Promise?"
"Promise! Promise!", ngiti ni Elmo.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
![](https://img.wattpad.com/cover/65888894-288-k471141.jpg)
BINABASA MO ANG
Tiki Love
RandomA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction