"Cardiomegaly is the proper term sa condition ni Julie. Hindi naman ito talaga sakit.", paliwanag ng ina ni Julie.Nasa sala sila ng mga San Jose ngayon. Kausap ni Elmo ang mama ni Julie.
Si Julie naman nagexcuse para maligo muna. Napakainit kasi ng panahon ngayon.
"She's perfectly normal naman just like you. Pero it can trigger heart related diseases, like heart attack for instance",....
"Parang kumbaga compared sa mga normal ang puso, siya ang una sa listahan ng mga may tendencies na bigla na lang atakihin at a very young age.",....
"But Julie is a fighter. Hindi yan nagpapadala sa mga ganyan. Wag lang siyang sobrang mapapagod, magiisip o maybe mabibigo.", dagdag ng ina habang may diin ang huling nabanggit.
Umoo naman si Elmo. Naiintindihan niya ang nais iparating ng nanay ni Julie.
"Promise po, Tita, I'll take care of her", pangako niya.
Naputol naman ang paguusap nila nang lumabas na si Julie Anne.
Simple pero napakaganda nito sa suot na sleeveless, blue collared floral dress at flats.
"Let's go?!", yaya niya kay Elmo.
Magdidinner lang sila sa labas.
"You look pretty, Baby!", ngiti ni Elmo bago siya inalalayan palabas ng bahay.
"Thank you!", sagot ni Julie.
Pansin naman ang pagasikaso ni Elmo sa kanya. Kulang na lang buhatin niya si Julie pasakay ng sasakyan.
"Irog, relax. Kabado ka ba? First date?", biro ni Julie sa kanya.
Ngiti lang din naman ang sinukli ni Elmo sa kanya.
Pagkasay nito sa Driver's seat, hinawakan agad ni Julie ang braso niya..
"Hey, whatever it is, I'm fine, okay...I'll be fine", sabi ni Julie.
Alam niyang nagaalala ang boyfriend sa kanya.
"I know", sumangayon na lang din si Elmo rito.
Nagdinner sila sa isang Cafe malapit lang sa Teddy's Grill.
"Baby, do you want to go on a vacation?", tanong ni Elmo habang
kumakain ng steak na inorder."Bakasyon? Pano na yung Tiki? Halos nauubos na nga ang oras mo sa kin eh!", sagot ni Julie.
"Gusto lang din kita makasama ng matagal, Baby!",....
"And we need it to para mas makilala pa natin ang isa't isa",...
"Irog, nagmamadali ba tayo?", biro muli ni Julie.
"I mean, nagkikita naman na tayo ng madalas di ba?",...
""Every gig ko andun ka! Pag Saturday nagka Katipunan tayo, at every Sunday we hear mass naman", pagiisa isa pa niya.
"I feel that's not enough!", sagot naman ni Elmo.
"I wann be with you..mas matagal", para itong batang humihirit ng candy sa kanya.
"I just miss you..everyday!", dagdag pa niya.
Natawa naman si Julie sa asta ni Elmo.
"Ayoko lang din naman na mag sawa ka sakin agad", depensa ni Julie.
"Baby, hinding hindi naman ako magsasawa sayo",....
"Sinasabi mo lang siguro yan, Irog", ...
"At one point, masasaulo mo din ang mukha ko, makakabisado ang mga mannerisms ko at maiirita sa mga bad habits ko haha!", tawa ni Julie.
"I don't mind...Kahit pa mabilang ko na ang lashes sa pilikmata mo, Baby, hindi ako magsasawa sayo", biro din ni Elmo.
Ganito ba talaga ang pakiramdam ng in love? Tanong ni Julie sa sarili.
Para kang nililipad?
O nakatake ng isang damakmak na "Happy Pill"?
[Lord! Sana nga po forever na to. Kung ano man ang maging problema namin ni Elmo, sana makayanin namin pareho. ]
"You okay?!", pagputol ni Elmo sa kanya.
Mukha kasing malalim ang iniisip nito sa pansin niya.
"Ha?! Of course, ninanamnam ko lang tong steak, nagsasawa na kasi ako sa chicken hehe!", patawa pa ni Julie.
Natutuwa din naman si Elmo sa mga hirit ni Julie na ganito.
"Ganyan ka ba talaga?", ....
"Always bubbly...laging masaya,...walang problema?", ngiti ni Elmo sa kanya.
"Hindi naman, I just know siguro how to handle things",...
"Problema? Marami kami niyan ni Mama",...
"Mula ng mamatay ang Papa ko, di na din kami tinantanan ng problema",...
"Madalas sa poultry, pag may peste sa mga chicken , ganun",...
"Or sa mga tauhan ni Mama"
"Or one time, I heard, muntik na din maforeclose ng bank ang bahay namin",....
"I mean, its part of life. The more problems we encounter, the more human we become.",...
Tumango din si Elmo sa pagsang ayon.
One trait that he likes about her is her positive outlook in life.
Hindi stiffed, walang angal.
Always composed. At In Control.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡
BINABASA MO ANG
Tiki Love
RandomA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction