Sixty Second

968 52 5
                                    


Nakalabas si Julie kinabukasan din.

Si Elmo ang kasama nita nang madischarge sa ospital.

Okay naman na ang kalagayan nito. Pero dahil bihirang bihira naman itong nao-ospital ng dahil sa "weak heart" niya, halata dito na nabawasan ang sigla niya.

Physically and emotionally, it has affected her whole being.

Hindi man niya aminin, her life has literally changed from simple to complicated.

But having a weak heart did not stop her from loving the person whom she thinks is still making her heart more alive.

"Baby, may kelangan ka ba?!", tanong ni Elmo habang inaalalayan siyang umupo sa couch.

"No, I'm fine. Thank you!", ngiti niya dito.

"Do you want to rest na? I can come back tomorrow?", tanong ni Elmo.

"Can you stay a bit longer?", request ni Julie.

Alas dos ng hapon ngayon, at Sabado.

Maraming tao sa Tiki. Pero hindi  niya ito inaalala.

Alam na din naman nila Makoy at Jelai ang gagawin.

Sila ang mga pinagkakatiwalaan ni Elmo sa bar.

Alam niyang nasa mabuting kamay ang negosyo niya.

Mas gusto niya ding  makasama si Julie.

At kung iisipin pa, siya ang tunay na dahilan bakit ito naospital.

"Baby, baka you want to sleep, I will look after you?", sabi ni Elmo.

"Dito lang ako sa tabi mo",....

Busy si Julie sa cellphone niya, ngayon lang kasi siya magrereply sa mga kaibigang nagalala sa kanya nang maospital siya.

Lalo na ang mga kaibigang sila George at Ada.

"I can't sleep at this time, alanganin na din",....

"I wish I can go to Naked Ear later for Poetry night", sabi pa ni Julie.

"Ahh, mahaba kasi ang biyahe, Baby! Mapapagod ka eh", sabi naman ni Elmo.

Nalungkot naman si Julie sa tinuran ng boyfriend.

"I can read you, your poems?!", sabi pa ni Elmo.

"Really?!", lumapad ang ngiti ni Julie.

Kinuha nito ang mga libro saka binigay kay Elmo para basahan siya.

Ilang poems pa lang ang nababasa ni Elmo, pero nakatulog na ito.

Ramdam naman kasi talaga ni Elmo na gusto na nitong matulog, pinipigilan lang niya.

Binuhat naman si Julie ni Elmo para dalhin sa kwarto.

Agad naman itong lumabas para hayaang makapagpahinga si Julie.

Paglapat ng pinto, nakita nito ang mama ni Julie.

"Tita?!",....

"Can we talk?", sabi ng mama ni Julie.

Tumango naman si Elmo saka na sumunod sa sala.

Nauna namang umupo ang ina ni Julie saka siya sumunod.

"Elmo, alam ko naman na mahal mo ang anak ko",...

"At sigurado akong ganun din naman siya sayo!",....

"Pero hindi ko inaasahan na sa ganito palang kaaga ng relasyon niyo, eh masasaktan na si Julie?", malumanay ang boses nito pero ramdam ang pagaalala.

"All her life, she's sheltered dahil nga sa condition niya, pero hindi yun naging hadlang para hindi siya mamuhay ng normal",...

"We let her do things to make her life more meaningful. Kaya expose siya sa arts at music",...

"And part of her normal life ay ang maranasang umibig",...

"And I must say, swerte ka na ikaw ang minahal niya",..

Tatango tango naman si Elmo sa kausap. Nahihiya siya sa mama ni Julie pero handa naman niyang patunayan na totoo din ang hangarin niya sa girlfriend.

"So please, bilang isang ina, masakit sa akin na makitang magkaganyan ang anak ko",...

"I'm not saying that you should prioritize her, but at least give her what she truly deserves!", saka na ito tumayo at tinapik ang balikat ni Elmo.

"Salamat po Tita!", pahabol nito sa ina ni Julie.

"Salamat po at nagtitiwala pa din kayo sa akin",...

"Pangako po, na wala ng makakapanakit kay Julie mula ngayon",....

♡♡♡♡♡♡♡♡


♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡














Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon