Fifty Sixth

775 45 0
                                    


"Hindi ko naman gustong magsinungaling kay Julie, Lola!",.....

"White lies naman po yun.", paliwanag ni Elmo.

"Ayoko na lang sana siya bigyan ng iisipin, magwoworry pa po yun kung malaman niya that Missy is trying hard to win me back",

"Naiintindihan kita, Apo!", mahinahon na sabi ng Lola.

"Pero magiingat ka, you and Missy had history,"...

"Hindi malayong bumalik ang loob mo sa kanya",.....

"Minsan ang puso, mapanlinlang yan!", diin ng Lola niya.

Natahimik naman ang Elmo. Nagaalmusal sila ngayon sa hapag.

Halos hindi niya malunok ang sausage na kinain sa pagkabahalang nakakaramdam si Julie na nagsisinungaling siya dito.

Hindi naman siya naguguluhan.

Ayaw lang din nitong sumama ang loob ni Missy dahil sa kalagayan nito.

At lalong ayaw niya sumama ang loob ni Julie.

Kung iisa isahin niya pa kung paanong concern ang ginagawa niya sa dating girlfriend, pihadong magseselos ito at ayaw na niyang pagawayan nila yun.

Naisip tuloy nitong tawagan si Julie para mawala ang pagka guilty.

Elmo calling >>>>>>>>>

Julie picks up...

J:  Wazzup, Stranger!....

E : Hi Baby! Kumusta? What are you doing? Kumain ka na ba?

J: Nagcoffee lang ako. Sinamahan ko si Mama sa poultry.

    Ikaw kumain ka na?

E: Yup I'm eating right now. Naalala kita eh.

J: Asus! Mukhang guilty! haha!

E: Ha? What are you saying, Baby?

J: Joke lang, I was just teasing you....

E: Hehe! Di ka ba naniniwala that I always think of you?

J: Hmmmm. Konti lang haha!

E: Baby naman eh! I love you! Ikaw lang naman laging nasa isip ko eh

J: Okay, whatever you say? Hehe!

E: Baby...Please I hope I made myself clear that I just need to visit Missy from time to time  because she's pregnant ...other than that wala na.

J: I know..Pero di mo naman maalis sa kin na magisip ng mga possibilities when you're with her.

    Sayo may tiwala ako....Eh kay Missy?

Napalunok naman si Elmo. Nangangapa ng sasabihin

E: Ah...eh.. she knows naman na para sa bata na lang ang pinupunta ko sa kanya.

    She finally accepted na hanggang dun na lang ang relasyon namin.

J: Totoo ba yang sinasabi mo Elmo? Why do I have this feeling na you'te not telling the truth?

Natahimik ulit si Elmo.

J: O sige, Irog! I need to take a shower first. Ang dami kong ginawa sa poultry eh!

E: Okay, Baby! Call me when you're done.....I love you!!!

Hindi sumagot si Julie. Tinapos lang niya ng ganun ang usapan nila ni Elmo.

Di naman mapakali si Elmo, ramdam niya ang hinanakit sa boses ni Julie.

Hindi niya naman masisisi na ganun ang reaksiyon ng girlfriend.

Dalawang araw na siyang nagpapabalik balik sa Tagaytay.

Dalawang araw na din silang hindi nagkikita.

Namimiss na nga niya ito.

Hindi naman siya makabiyahe ng Bulacan dahil sa hectic ng schedule niya sa Tiki.

Renewal pa ng mga permits at papers ng business niya kaya panay panay din ang punta nito sa Quezon City Hall at pakikipagkita sa Accountant niya.

Kailangan niyang bumawi kay Julie.

Tumayo ito sa hapag para maligo.

Icacancel niya ang ilang appointments niya for today.

Gusto niyang makasama si Julie.

Gusto niyang makasama ang mahal niya.

♡♡♡♡♡♡♡♡





















Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon