Forty Second

944 53 3
                                    


9PM nang makauwi ang dalawa sa bahay nila Julie.

Nagstay muna si Elmo para makasama pa ang girlfriend ng mas matagal.

Naghahanap si Julie ng mapapanood nila sa DVD.

"Do you watch The Walking Dead?", tanong ni Julie kay Elmo.

"Wala kong time eh!", iling ni Elmo.

Nagba browse naman ito sa magazine na nakuha sa center table sa sala.

"You like horror movies?", balik tanong niya kay Julie.

"Yeah! I like horror movies haha! Mas creepy mas maganda haha!", tawa ni Julie.

"Gusto ko din ng action, suspense- thriller, mga detective stories. Period movies. Epic saga.",pagenumerate pa niya.

"Eto, you wanna watch Annabelle?", sabay pakita ng DVD kay Elmo.

Umiling iling ito saka tumayo. Nakisabay na lang din ito kay Julie humanap ng mapapanood.

"How about love stories?", tanong ni Elmo.

"Depende... I can watch rom-com kasi yun hilig ni Ada, so when we watch a movie, sila ni George ang pumipili ", ....

"Si George naman mga suspense thriller ang gusto",...

"Madalas sumusunod lang ako sa gusto nila haha!", ...

"Pero I'm not a fan of romantic love stories, yung mga mabibigat na kwento", iling niya.

"It gives you wrong impressions sa nangyayari sa totoong buhay", paliwanag niya.

"Bakit naman?", curious si Elmo.

"Eh masyado kasing too good to be true minsan, malayo sa realidad",dagdag ni Julie.

"That's strange. Ikaw lang ata ang babaeng kilala ko na hindi mahilig sa romantic movies", ngisi niya.

"Well, I'm a fan of Adam Sandler movies!",malaki ang ngisi ni Julie.

"I like him. Cute yung mga movies niya eh!", saka na uli tumingin sa mga dvd collections.

"And the soundtrack is always awesome!", dagdag pa ni Julie.

"Eh di ito na lang pala panoorin natin?", sabay pakita ng DVD kay Julie.

"50 First Dates" ang tinutukoy ni Elmo.

"Ay sige gusto ko yan!", pagsangayon ni Julie.

Sinet naman ni Julie ang player para maumpisahan nila.

"Oh, wait lang ha I'll get us some snacks para mas masaya!", saka na ito tumakbo sa kitchen.

Ilang sandali pa bumalik na ito dala ang minicrowave na popcorn at 2 pineapple juice na nasa single cans.

Kalagitnaan ng panood nila, nagvibrate ang cellphone ni Elmo.

Chineck niya ito pero hindi pinansin ang tumatawag.

Kunyaring hindi ito pinansin ni Julie.

Muling nagvibrate ang cellphone nito. Mas matagal.

"Answer it!", sabi ni Julie. Alam nito kung sino ang tumatawag.

Bumuntong hinga naman si Elmo..

"Wait lang Baby ha!", saka ito tumayo at lumabas sandali.

Pagbalik ni Elmo, iba na ang timpla ni Julie.

"Anong sabi? Baka hinahanap ka niya?", pero nakatingin lang ito sa pinapanood.

"She doesn't need me, she needs a doctor", seryoso namang sagot ni Elmo. Saka bumaling na din sa movie.

Tumayo naman si Julie sandali. Tumungo ito sa kusina.

Sinundan naman siya ni Elmo.

Naabutan niya itong nakaupo sa stool , sa kitchen counter.

"Are you okay!", saka niya ito inakbayan ng may pagalala.

"Honestly, I don't know", sagot ni Julie ng nakapout.

"Hindi ko alam kung guilt ba to, o naiinis ako sa sarili ko o...."

"O nagseselos ako!", inis na sambit niya.

"Naguguluhan ako Elmo",...

"Tell me what is it?", tanong naman nito kay Julie.

"I..I don't think na kaya pa kitang ishare sa kanya", saka ito tumingin kay Elmo.

"I mean ngayon binabawi ko na lahat ng sinabi ko", .....

"Hindi ko na gustong puntahan mo siya!.

"I don't like it when she calls you!",....

"Ayoko na din makitang concern ka sa kanya!",...

"Does that make me a bad person?", tanong nito sa boyfriend.

Niyakap naman siya lalo ni Elmo. Umupo ito sa harap niya para icomfort si Julie.

"No, of course not!",...

"It's totally understandable!",...

"And now, I feel like kasalanan ko talaga ang lahat ng nangyayari na to!",...

"I'm sorry..", tanging nasabi ni Elmo.

Napaiyak naman si Julie.

Na lalong pinagalala ni Elmo.

"Shhh! Tama na Baby! Makakasama sa yo yan eh!", ....

"I promise sasabihin ko na kay Missy ang totoo!",...

"I'll do it as soon as possible", panigurado niya.

"One way or another, mangyayari naman talaga to eh",

"I'm sorry, I should've done it a long time ago!",.....

"I've always been generous, Elmo",...

"Hindi ako madamot na tao!",..

"At lalong hindi ko hinangad na makasakit ng iba",...

"But I think it would be unfair on my part na ako pa ang magpapaubaya, ganung sinabi mo na ako na ang pinili mo", malungkot ang boses nito.

"I know...I know..of course you deserve all my time, all my attention",sabi ni Elmo

"Nakikita ko naman ang effort mo, Elmo",...

"And I'm surprised na kahit alam kong nahihirapan ka na sa sitwasyon, you don't seem to mind",...

"Alam ko naman na napapagod ka na din eh!",....

"Physically, emotionally"....

"No, hindi Baby, I will never get tired of you",...

"Kahit bumyahe pako dito sa Bulacan everyday gagawin ko yun para sayo",....

Hindi naman kumibo si Julie.

Yumakap na lang ito kay Elmo.

Elmo knew from the start na magkakaproblema talaga siya sa pagitan ng dalawa.

Now he's beginning to realize na naging insensitive siya sa nararamdaman ng dalawang babaeng parehong importante sa buhay niya.

Mali bang nagmadali siyang mahalin si Julie?

But he could not let the time pass him by nang maramdaman niyang si Julie ang gusto niya.

Ayaw niyang sayangin ang pagkakataong makakasama niya ito.

But at the back of his mind, alam niyang hindi pa tapos ang obligasyon niya sa ex girlfriend na si Missy.

Gusto niya maging maganda ang paghihiwalay nila.

He also wish that Missy would soon find her happiness.

Pero pano niya ito gagawin kung ang nais ni Missy ay siya pa din ang makasama?

Pano niya ito tuluyang hihiwalayan kung ang huli nitong sinabi ay,
magpapakamatay ito kung mawawala siya?

Elmo is in pretty serious trouble....

Will he ever solve this dilemma?

♡♡♡♡♡♡♡♡





Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon