Twenty Fourth

959 51 2
                                    

*** What cha doing?" ----text ni Elmo.

Hindi naman agad na pansin ni Julie ang cellphone.

Ilang minuto tumatawag naman ito.

This time, nasagot na niya to.

Julie: Hello!?!

Elmo: Julie! Hi! Ano plans mo tonight? Saturday ngayon, may poetry reading ka ba?

Julie: Ha? Wala kaming usapan nila Georgina eh. Busy daw si Ada, may gagawin daw.

Elmo: Okay! Kala ko pupunta ka!  Tayo na lang?!

Julie: Ha?!? Panong tayo na lang?

Elmo: Ano ka ba? Tayo? Pupunta sa Naked Ear !

Julie: Ah...okay. Eh Saturday ngayon busy sa Tiki.

Elmo: Sandali lang naman tayo, maaga naman nagsa start yun di ba?

Julie : Ay naku ka! Bakit ba ako na lang lagi mong iniistorbo ha?!

Elmo: Eh wala namang iba hahaha! Ikaw lang!

Natahimik naman sandali si Julie. Bakit ba lagi na lang double meaning ang intindi niya sa mga sinasabi ni Elmo.

Julie: Oh! Sige na sige na!! Dun na tayo magmeet!

Elmo: Gusto mo ba sunduin pa kita?

Julie: Oy! Hindi na!  Paka gastos mo! May ari ka ba ng Petron?!

Elmo: Hahaha! Eh syempre ako nag yaya eh di ibibigay ko yung convenience na yun sayo.

Julie: Naku di na kelangan may pambili pako ng gas.

Elmo : Okay! So see you.... 7PM?

Julie: Okay sige! May choice ba ko?

Elmo : Wala! Haha!

Julie: O sige na ! Marami pakong gagawin! Dagdag ka pa sa sked ko!

Elmo: Okay hehe!, Bye Julie!

Hindi din naman maintindihan ni Julie bakit ba hindi din siya makatanggi kay Elmo.

Sa layo niya sa Katipunan, nakakatamad din naman talagang bumiyahe.

"Julie, kain na! Handa na tanghalian!", tawag ni Ate Cel.

"Sige te, susunod na ko!", sagot niya.

Nagpatuloy pa din ito ng pagpinta.

Ilang oras nga lang matatapos na niya ito.

Nagumpisa siya ng als otso ng umaga, halos alas dose pa lang  pero konti na lang at tapos na ito.

Ganun ba siya ka inspired? Lalo't para sa isang espesyal na tao ang painting na ito.

Espesyal na kaibigan para sa kanya.

Kumain muna ito ng lunch, para na din masabayan ang mama niya.

"Ah Ma! Luluwas po ako ha!?", paalam nito.

"May "basa" kayo ngayon?", tanong ng ina.

"Eh, gusto po ni Elmo na pumunta dun tonight!", sagot niya habang kumakain.

Nangisi naman ng palihim ang ina.

"Pagbibigyan ko lang. Ang kulit eh!", sabi ni Julie saka humigop ng mainit na sabaw ng sinigang.

Nagkatinginan naman ngayon ang mama niya at si Cel.

Naguusap ang mga mata nila.

"Whaat!?", sigaw niya sa dalawa.

"Wala!", sigaw din ni Ate Cel.

Kumanta na lang ito ng....

I fell in love with my bestfriend!🎶🎵🎶🎶🎶

Hindi naman ito pinansin ni Julie.

Matapos kumain, bumalik ito sa naiwang painting.

Desidido siyang tapusin ito.

Gusto na niya itong ibigay tonight.

Alas 5 nang matapos siya.

Halata naman ang pagmamadali nito.

"O-o-oh! Kalma! Di naman halatang excited ka haha!", biro ni Ate Cel.

"Eh bibiyahe pa ko eh!", sabi ni Julie habang aligagang pumasok sa kwarto para kunin ang towel.

"Hihintayin ka nun!", sabi pa niya.

"Maganda yung nag pa pa late ng konti para may excitement!", dagdag pa niya.

"Eh hindi ko pa nga alam kung anong isusuot ko eh!", taranta ni Julie sabay bukas ng closet.

"Wow! Date ba ito, teh!?", asar ni Ate Cel.

"Ate naman eh!", inis na sabi ni Julie habang sinasalansan ang mga damit.

Namimili siya ng damit nang biglang umupo si Cel sa kama.

Pinagmamasdan niya ito habang nangingiti.

"Dalaga na ang Baby girl namin!", biro niya kay Julie.

Kunyari walang narinig si Julie.

"Sus! Ganyan na ganyan ako nung nililigawan ako ni Kuya Paul mo!", kwento niya.

" lagi akong nakangiti!", .....

" Ate, hindi naman nga nanliligaw si Elmo!", paglinaw ni Julie.

"Naku, Julie, ipapaputol ko ang mga daliri ko, pag hindi nagtapat si Elmo sa yo ngayong gabi!", dare pa ni Ate Cel.

"Grabe ka naman te, wag mo ipusta ang mga daliri mo! Haha!", biro na lang ni Julie.

Tumalikod na lang ito para maligo.

♡♡♡♡♡♡♡♡
























Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon