Thirteenth

919 45 7
                                    

" Love at first sight?", ulit ni Julie.

Nagisip sandali si Julie.

"My Papa gave me a puppy when I was 4...",

"Una kong nakita yun, I fell in love with it right away!",kwento ni Julie.

"Yeah! I believe in Love at first sight!", ngiti ni Julie kay Elmo.

Bakas din naman ang ngiti kay Elmo. Batid niya mas malalim dun ang ibig sabihin ni Julie Anne.

"Ah Elmo, til 12 lang kasi tong Cafè eh!", tingin ni Julie sa relo niya, 11.45 na ang nakatala dito.

"Oo nga, yeah we better go!", saka sumenyas para kuhanin ang check sa crew.

Matapos magbayad, lumabas na sila para pumunta sa sari sariling sasakyan.

Magkatalikuran lang ang mga ito sa parking.

Huminto muna sila sa gitna para magpaalam sa isa't isa.

"Thanks Julie ha!", sabi ni Elmo.

"For what?", tanong naman ng isa.

"For listening...For being a friend!", sagot ni Elmo.

Tumango naman si Julie. Okay...Friend, yun lang talaga siya para kay Elmo eh.

"Of, course!", ngumiti din siya.

Maya maya, hinawakan ni Elmo ang pisngi niya saka ito hinalikan.

Ikinagulat naman ito ni Julie. Pero di siya nagpahalata.

"Goodnight, Julie!",......

"G-Goodnight, Elmo!", sagot din niya.

Saka na sila naghiwalay.

Tulala pa din si Julie. Hindi pa nga niya naiistart ang sasakyan man lang.

Dinadama niya pa ang halik ni Elmo.

She has mixed emitions about it.

Hinalikan siya ni Elmo bilang kaibigan.

Kaibigan lang. Friendly gesture. Yun lang yun.

"Wag mo seryosohin, Julie Anne!", sambit nito sa sarili.

Maya maya, may nagtext sa kanya.

Elmo: Drive safely, Julie Anne. 😊

Hindi naman na niya ito sinagot.

Mali ang umaasa siya na isang araw, baka magustuhan din siya ni Elmo.

Maling mali.

Bukod sa may girlfriend ito, wala ni isang balahibo ang dikit niya kay Missy.

Inistart na nito ang sasakyan saka na umuwi ng Bulacan.

-----------------------------------

"Ma, gising pa po kayo?!", saka naman ito humalik sa ina.

"Hinihintay kita eh.."marahang sabi ng ina.

"Di ka naman kadalasan inaabot ng ganitong oras, di ba alas otso ang basa niyo?", usisa pa nito.

"Ah nagkakwentuhan lang po kasi Ma!", sagot ni Julie.

"Alam niyo naman yung dalawa, pakaraming hanash sa buhay haha!", pagtukoy pa niya kila Georgina at Ada.

"May gusto ka bang sabihin sa akin, anak?", tanong ng Mama niya.

"Ha? Ano naman po?", takang tanong ni Julie.

"Sino tong naririnig ko na Elmo?", tanong pa ulit ng ina.

Nagulat naman si Julie sa tanong ng ina.

"Ma? Yun yung umoorder ng chicken sa tin!",...

"Di ba nakausap ninyo pa po?", depensa niya

"Yung boss ni Makoy!", dagdag pa nito.

"May namamagitan ba sa inyo?", tanong ulit.

"Ma, ano pa ba yang sinasabi ninyo? Wala lang po yun!", insist ni Julie.

"Sigurado ka?", medyo kumukulit na talaga ang mama niya.

"Promise po!", saka naman ito yumakap sa ina.

♡♡♡♡♡









Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon