"Makoy, paki set mo yung meeting natin sa Bulacan sa Friday", utos ni Elmo dito."Mukhang done deal na yan Ser Elmo ah!", masayang sabi naman ni Makoy.
"Kelangan kasing mauna tayo dun baka masulot pa ng iba!", paliwanag ni Elmo.
"Isasama ba natin si Julie, Ser?",
"Syempre hinde. It's business. Di pa niya dapat malaman yun",
Tumango naman si Makoy.
Dalawang linggo na mula ng mag Coron sila.
At dahil sa dami ng mga nangyari, mula pa noong kay Missy hanggang makabalik siya mula sa bakasyon kasama si Julie, marami na din siyang trabahong naiwan.
Ilang reservations ang di niya na-oohan sa Tiki dahil wala siya.
Yung mga ganung bagay kasi siya hands on, lalo pa't kinokontrata ito at kelangan pinaghahandaan ang lahat.
Hindi niya ito basta basta pinagkakatiwala maging kay Jelai at Makoy man.
Matapos ang ilang phone calls. Bumaling na ito ng atensiyon kay Julie.
Tinawagan niya ito para kamustahin.
******
Elmo: Hello, Baby? Anong ginagawa mo? Kumain ka na ba?
Julie: Nakahiga pako Irog, medyo late na kasi ako nakauwi galing sa gig kagabi.
Elmo: Baby, baka naman napapagod ka na masyado? Two weeks na din kitang hindi napupuntahan sa gig. Baka naabuso mo naman masyado ang katawan mo sa puyat.
Julie: Once a week lang naman yun Irog. Napakwento lang kami ni Teddy kagabi. May girlfriend na kasi siya.
Elmo: Wow that's good news. Tell him I'll be there Friday!
Julie: Friday? I thought sa Naked Ear na tayo magkikita ng Saturday?.
Elmo: Why? Can't I visit my girlfriend, twice in a row?
Julie: Irog, gusto ko naman din na andito ka. Pero alam mo naman napaka "holy" ng Friday at Saturday sa Tiki.
Kinukuha ko na nga ang Sabado mo, pati ba naman Friday?
Elmo: Baby, you have nothing to worry about. Syempre mas priority kita.
At hanggat kaya ko, uunahin kita bago ang ibang bagay.Julie: Yieee! Ang sweet! Kinikilig akong tunay haha!
Elmo: I love you, my Baby!
Julie: I love you too, Irog ko!
************
"Naks! Ang sweet nyo talaga, Sir Elmo noh!", sabi pa ni Jelai.
"Hindi naman kayo ganyan gaano kay Missy",
"Ay, Sorry Ser ha, di ko naman sinasadyang banggitin ulit yung lukaret na yun", paumanhin pa nito.
"It's alright Jelai.",
"Mas sweet din kasi talaga si Julie compared kay Missy",...
"Somehow nakakahawa din yung trait niya na yun",....
"She seems so bubbly, wala siyang pakialam",...
"Hindi siya nahihiya magpakita ng lambing kahit pa nasa labas kami or maraming tao",...
"She's showy that way", kwento pa ni Elmo.
"Very carefree! Kaya lalo siyang napapamahal sa akin", ngisi pa ni Elmo.
"Ayiieeee! Ang swerte din naman ni Ms.Julie sa inyo Ser!",...
"Wala na din siyang makikitang katulad nyo na mabait at responsable!"
"Sa panahon ngayon, sex na lang ang habol ng mga lalaki sa mga babae",
Napailing naman ng bahagya si Elmo.
Hindi pa din siya gaanong napapalagay sa nangyari sa kanila ni Julie sa Coron.
Kahit pa pumayag si Julie. Alanganin siyang baka hindi pa talaga panahon.
Although, he can't deny it , he cherished every minute of it.
At napakalaking bagay sa kanya na buong pusong binigay ni Julie ang sarili sa kanya.
Hindi tulad ng unang pagkakataong may nangyari sa pagitan nila ni Missy.
Lasing silang pareho nun, galing sa Grad Ball.
At aaminin niyang, nauna pang may nangyari sa kanila ni Missy bago pa sila naging officially mag on.
And somehow, dinala niya sa kunsensiya niya na siya ang "nakauna" dito kaya dapat lang na alagaan niya si Missy.
Which he did.
Dahil para sa kanya, malaking bagay na isakripisyo ng isang babae ang virginity niya para sa isang lalake, out of Marriage.
♡♡♡♡♡♡
BINABASA MO ANG
Tiki Love
RandomA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction