Sixty First

929 53 10
                                    

Napasugod si Elmo sa Bulacan ng gabing yun.

Wala siyang idea kung bakit maoospital si Julie.

Ang naalala niya, nag leg cramps lang ito kahapon pero okay naman ito nang maghiwalay sila sa Teddy's.

Bukod dun wala naman iniinda si Julie na sakit.

Maaring puyat ito pero mababaw na dahilan para ikaospital niya pa.

Halos liparin na ni Elmo ang distansiya ng Morato at Malolos.

Sabi ni Teddy malapit lang sa Grill ang ospital na pinagdalhan kay Julie.

Kaya hindi niya ito makakaligtaan sa address na binigay sa kanya.

Pagdating sa ospital, dali dali itong nagtanong sa Nurse's station.

"Ah, Julie Anne San Jose?", tanong niya kapalit ng hinahangad na numero ng kwarto nito.

"Room 333 po, Sir!", sagot ng nurse

Tumakbo naman agad si Elmo, hanap ang service elevator ng Ospital.

Pagbukas na pagbukas ng pinto ng elevator, bumungad naman si Ate Cel sa kanya na pababa naman sana sa lobby.

"Ate Cel!?! A-anong nangyari kay Julie?", tanong nito agad, halata ang pagalala sa boses niya.

"Elmo? Wala ka ba talagang alam sa mga nangyari?", takang tanong ni Ate Cel pabalik sa kanya.

Gumilid naman muna sila para makapagusap.

"Pinuntahan siya ni Missy dito sa Malolos kahapon",....

"Dun sila nagpanagpo sa bar ni Teddy!",.....

"Whaaattt?!?", sigaw pa ni Elmo na halos hindi makapaniwala sa nangyari.

"Pa-paanong nangyari, I was here yesterday!",sabi pa nito.

"Bakit maghapon ka bang andito sa Bulacan?", ismid ni Ate Cel.

Ala una ng maghiwalay sila ni Julie.

Bandang alas kwatro daw ng sumugod si Missy sa Teddy's.

"God!!! How can I be so stupid!", napasandal na lang si Elmo sa pader.

"Magkasama pa kami sa check up kaninang umaga ni Missy!",...

"I had no clue that something happened yesterday nang umalis ako dito!",....

"Ang kwento ni Teddy, pinagsalitaan niya ng masasakit si Julie!",...

"Eh hindi naman sanay ang baby girl namin sa ganyan!",...

"Palaban yan kung palaban pero sa mga ganyang eksena, namimili din yan ng papatulan",....

"Siguro dahil hindi niya malabanan yung syota mo pabalik, ayun at
pinigilan na lang ang sama ng loob!",...

"Hindi daw makahinga kaya dinala ni Teddy dito kahapon",kwento ni Ate Cel.

"O sige puntahan mo na! Uuwi muna ko kasi kukuha ako ng gamit niya!", paalam ni Ate Cel.

"Mabuti na din at may bantay siya!",....

Dahan dahan namang pumasok si Elmo sa kwarto ni Julie.

Tulog ito. Wala na ang nasal tube nito para makahinga ng maayos.

Pero may nakakabit na dextrose ito sa kamay.

Maaaring nadehydrate si Julie dahil sa nangyari kahapon.

Umaga palang kasi sa Poultry hindi na ito mapigilang magkikilos dun.

Kasama pa ang hindi hustong tulog nito mula pa sa gig nung miyerkules.

Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon