Sixty Fourth

1K 57 9
                                    


"Elmo, can we meet somewhere?", ang Tita Cecil ni Missy ang nasa kabilang linya.

"Tita Cecil, bakit po?",takang tanong ni Elmo.

"May nangyari po kay Missy...or sa baby namin?",..

"Ah, Elmo better if we talk in person, are you free for lunch?", anyaya ni Tita Cecil.

"Sige po, sige po. I'll cancel my appointments Tita!", saka nito tinapos ang paguusap.

They met in a restaurant in Makati. Alas onse ang napagusapang oras.

Mabuti at Sunday. Bukod sa walang traffic at hindi ganun ka busy, hapon pa sila magkikita ni Julie para makapagsimba.

Nauna ang Tita Cecil ni Missy sa napagkasunduang lugar. Umorder na ito ng pagsasaluhan nila ni Elmo.

Yan eh kung makakakain pa si Elmo sa mapapagusapan nila.

Pagpasok sa restaurant, nakita na agad ni Elmo ang Tita ni Missy saka ito bumeso bago umupo.

"Kumusta po Tita!?", tanong nito agad.

"Ano po ba ang paguusapan natin?",...

"Kumain ka muna Elmo", anyaya nito.

"Ah sige po Tita, busog pa naman ako. I just had breakfast like an hour ago", tanggi niya pero uminom pa din naman sa orange juice na nakalaan sa kanya.

"Elmo..I don't take it against you, na hindi kayo ang nagkatuluyan ni Missy",...

"I believe everything happens for a reason, at hindi natin hawak ang nakatakda para sa atin.."

"I admire you for being responsible and for manning up",

"Maswerte ang babaeng mahal mo",

"In a way, maswerte din si Missy dahil pananagutan mo siya",....

"Alam ko po ang responsibilidad ko kay Missy at sa bata",ani Elmo.

"Hindi po kayo mahihirapan sa akin sa parte na yun Tita",...

"Salamat...Salamat Elmo", ngisi ng Tita ni Missy.

"But I'm freeing you from this responsibility",....

"Wala ka ng pananagutan kay Missy",...

"Po? Bakit Tita, I can be a great father to the baby!",...

"Gagawin ko po lahat para mailagay siya sa ayos", sabi pa ni Elmo.

Hindi pa niya lubos maunawaan ang nais ipahatid ni Tita Cecil.

Hinawakan naman nito ang kamay ni Elmo.

"Elmo, wala ka ng pananagutan....dahil...dahil..."

"Missy is not pregnant! She never was!",....

Parang nabibingi si Elmo sa narinig, hindi niya alam kung niloloko lang ba siya ng Tita ni Missy.

"Wait....Are you saying....Missy is not pregnant?!,", kunot noong sabi ni Elmo.

Tumango naman ang kausap.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi siya agad makapagsalita sa narinig.

Niloko siya ni Missy, at naniwala siya dito.

"How is that possible? Sinamahan ko pa po siya sa check up?", ....

"It turned out, she paid the doctor to lie", iiling iling na sabi ni Tita Cecil.

"I-I did not expect she'd go this far?!", sabi naman ni Elmo.

"Mabuti at nalaman ko agad, otherwise, para tayong tanga na nagaabang na may batang lalabas after 9 months",....

"I'm sorry Elmo.. ako na ang nanghihingi ng pasensiya sa ginawa ng pamangkin ko", ....

"If there's any consolation to all these, yun ay ang nalaman natin habang maaga pa!",....

"You are now a Freeman, Elmo!"......

♡♡♡♡♡♡♡♡♡





Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon