Nakaidlip si Elmo sa couch na nasa loob ng office niya.Alas Nuwebe na ng gabi.
Inaayos muna ang sarili bago lumabas.
"Sir, gusto nyo kape?", tanong ni Jelai.
"Yes, please Jelai!", hiling ni Elmo.
"Hindi pa ata kayo nakakauwi mula kahapon Sir?, saka inabot ang isang tasang kape.
"Yeah! Ang dami kasing nangyari!", iling ni Elmo saka uminom ng kape
Iilan ilan lang ang tao sa Tiki. Sunday kasi ng gabi.
Syempre balik sa trabaho ang karamihan sa lunes.
"Anong oras dumaan si Missy kahapon?",biglang tanong ni Elmo kay Jelai.
"Mga ano yun Sir, alas 7 siguro ng gabi!", pag alala ng kahera.
"Buti nga Sir si Makoy ang nakausap, hindi din kasi namin alam ang sasabihin, dahil kayo ang nagsabi mismong si Ms.Julie ang kasama niyo", dagdag nito.
"Tapos, humingi ng Tequila Sir, ayaw pa nga bigyan ni Dexter nung una!", kwento niya tukoy sa Bartender nila.
"Ayun! binigyan na din dahil gumagawa na ng eksena!", pagtapos ni Jelai sa kwento.
"Eh Sir, wag sana kayong magagalit sa itatanong ko no?!", pasintabi nito sa amo.
"Bakit ba bigla bigla na lang nagkaganyan si Missy?", takang tanong nito.
"Naging pala inom tapos kung makapag ayos wagas, parang laging sasali sa beauty con!", iling nito ng natatawa.
"Alam mo Jelai, yung tanong mo? Matagal ko na ding tanong eh?", tanging sagot ni Elmo.
"I think, she's depressed. Dahil sa nangyari na hindi pa niya makasama ang parents niya.", dahilan ni Elmo.
"Pero naintindihan ko naman yun, and I never left her side",....
"To the point na naging tatay at nanay na nga ko sa kanya", may tampo ang boses ni Elmo.
Totoo naman yun, nung mga panahong hindi man lang makontak ni Missy ang mga magulang niya, Elmo became her savior in everything.
Ilang semester ang binayaran niya para sa tuition fee nito. Si Elmo din ang tumulong na matapos at mai pasá niya ang thesis niya.
At kung hindi pa siya tuluyang kinupkop ng tiyahin, maaring kay Elmo na din ito nakatira ng mga panahong iyon.
When she hit rock bottom, Elmo became her strength and guiding light.
Nakagraduate ito ng matiwasay at nakapundar ng boutique.....dahil din sa tulong ni Elmo.
"She's struggling na mahanap ang sarili niya!", sabi pa nito.
"For no apparent reason, bigla na lang siya nagbago", sinapo ni Elmo ng mga kamay ang mukha , halata ang pagkadismaya.
Hinugot nito ang cellphone.
Walang paramdam si Julie.
Kahit isang "hello" wala.
Si Missy ang madaming messages at missed calls, pero di na niya ito nakuhang basahin isa isa.
He feels exhausted, physically, mentally, emotionally.
"Jelai, uwi muna ko ha!", paalam ng amo.
"Ikaw na bahala dito!", bilin niya.
At dahil nga Linggo din, maaga ang uwi ni Makoy. Hindi na niya ito inabutan pa.
BINABASA MO ANG
Tiki Love
RastgeleA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction