Two weeks later.Natapos na ang bahay na pinapagawa ni Elmo, at ngayon ang araw na ipapakita niya ito kay Julie Anne.
Naiwan muna ang kambal sa pangangalaga ng Mama ni Julie at kasambahay na si Cel.
"Are you excited, Baby?", tanong ni Elmo habang nagmamaneho papunta sa bahay na pinagawa.
"Well, of course, hindi ko nakita ang plano ng bahay nung pinapagawa mo pa lang and I'm sure maganda ang kinalabasan nun!", ngiti din ni Julie sa kanya.
Nagpark ito sa gilid, labas lang ng gate. Saka inalalayan si Julie, bumaba ng sasakyan.
Piniringan muna kasi ni Elmo ang mga mata niya bilang surpresa.
Naka Maxi dress si Julie na floral. At kapuna punang hindi man ito nagdagdag ng timbang kahit pa kapapanganak lang.
Pinagbuksan naman siya ni Elmo ng gate.
Pansin niya na hindi na ito gaya ng dating maingay kapag binubuksan.
"Are we in?!", tanong ni Julie.
"Yeah!", sagot ni Elmo.
"Hindi ko kasi naramdaman yung gate hehe!".
"It's because its new, hehe!", sabi pa ni Elmo.
Pinuwesto naman niya si Julie sa mismong gitna ng garden, kaharap ang bahay.
"Okay...In 3.2.1!", countdown ni Elmo, saka tinanggal ang scarf sa mga mata ni Julie.
Namangha naman si Julie sa nakita. Walang lumabas na boses mula sa kanya.
Napakaganda nga ng pagkakagawa ng bahay ni Elmo.
It is a two-storey house na modern ang pagkakayari.
Hindi gaanong pinalakihan ni Elmo ang bahay dahil mas importante sa kanya ang yard at garden na paglalaruan ng mga bata.
Sa isang gilid ng bakuran makikita ang isang puno na pinakabitan ni Elmo ng hammock kung saan pwedeng magbasa si Julie ng mga paborito nitong novels.
Maaliwalas ang veranda na tila nang-eenganyong lugar kung saan magandang masilayan ang pagsikat at paglubog ng araw.
Naalala ni Elmo na binilin ito talaga ni Julie.
Isang French door naman ang sumalubong kay Julie pag bungad ng bahay.
Sakto lang ang laki ng sala. Earth tones ang majority ng kulay na makikita dito.
Nakadisplay ang ilang paintings ni Julie Anne sa wall ng living room.
Hiningi na niya ang mga ito kay Julie, ilang bwan bago pa ipatayo ang bahay.
Makikita naman ang dining room sa gawing kaliwa.
Isang 8 seater long table in black ,at fiber glass ang yari nito.
Masisilayan mula dito ang isang open kitchen kung saan high-end ang mga gamit mula dito. Mula sa gas range, refrigerator, oven, microwave at ang pinaka importante sa lahat ang coffee maker na bago para kay Julie. Ang Keurig Coffee Machine na pihadong magugustuhan niya.
Tempered glass naman ang ginamit sa bawat wall sa second floor kung saan may tatlong kwarto.
Bagay sa Millenial na tulad nila.
Unang dinala ni Elmo si Julie sa kwarto ng kambal.
As expected tig isang crib na kulay blue and orange ang dalawa.
Punung puno ito ng stuffed toys at iba't ibang laruan.
Ultimo ang ceiling hindi nakaligtas sa paintings ng famous Raphael's Angels.
BINABASA MO ANG
Tiki Love
RandomA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction