Thursday 7:30amMahinang katok sa pinto ang gumising kay Julie.
Pumasok naman mula dito ang pinakagwapong nilalang na bubungad sa umaga niya.
"Good morning, Baby! Did you sleep well?", tanong ni Elmo.
Tango lang ang sinagot ni Julie. Takip takip ng kumot ang bibig niya.
Akto nang hahalikan ni Elmo ito ng pinigilan niya.
Sumenyas ito ng sandali saka tumakbo sa bathroom para magsipilyo.
Natawa naman si Elmo.
Pero hindi niya maiikaila ang ganda ni Julie sa umaga.
Kahit may "morning glory" pa ito at gulo gulo ang buhok, kita na agad ang angkin nitong ganda.
Ang sabi ng Lola Dessy niya, makikita mo daw na tunay na maganda ang isang tao yung paggising niya sa umaga.
Now everything made sense to him.
Yun pala ang ibig sabihin ng lola niya.
Paglabas ni Julie, nakahilamos na ito, her hair raised into a bun and her smiĺe, as bright as the sunshine.
"Good morning to you too!", bati ni Julie saka na naunang hinalikan si Elmo.
"Sarap!", sabi pa ng boyfriend.
"Let's go, Lola's waiting!", saka nito hinawakan ang kamay ni Julie palabas.
"Wait, Irog, hindi ba ko magbibihis muna?", pigil ni Julie sa kanya.
"You're fine, don't worry!", saka na sila tuluyang lumabas ng kwarto.
------------------
"Good Morning Lola!", masiglang bati ni Elmo sa Lola Dessy niya. Hinalikan niya pa ito sa noo.
"Good Morning, Yaya!", tango niya din dito habang inilalatag ang nilutong spam and eggs sa hapag.
"Lola, Ya!", tawag niya sa mga ito.
"Si Julie po, girlfriend ko!", pakilala nito sa kasama habang hawak pa ang kamay niya.
"G-Good Morning po!", lumapit naman ito sa Lola ni Elmo at nagmano.
"Bless you, iha!",....
"Come here, let me hug you!", masigla namang tumayo ang matanda para mayakap si Julie.
Malaki naman ang ngiti ni Julie na sinalubong ito.
Binati din niya ang Yaya Lumen ni Elmo.
Tumango naman ito, pero tila maliit lang ang ngiti sa kanya.
Naupo naman sila para makasalo sa almusal ang matanda.
Sasalukan na sana ni Julie si Elmo ng sinangag at spam nang humarang ang braso ng Yaya nito para ipatong ang hinandang almusal para kay Elmo
"Egg whites, isang slice ng wheat bread at oatmeal?", mahinang sabi ni Julie.
Tumango naman si Elmo.
"May special diet ka pala, hindi ko alam...sorry!", ani Julie
"Nope, don't be. Hindi naman to madalas, I have my cheat days too", sagot naman ni Elmo.
"Ah, Julie, iha! I heard artist ka pala?", singit ng Lola.
"Ah o-opo!", nahihiyang sagot nito.
"She's a singer too, Lola!", proud na sabi ni Elmo.
"Umm, by the way!", biglang may naalala ito.
"Baby, Lola's birthday is next week!", paalala nito.
"You can sing at her party!", suggest ni Elmo.
"Yeah, sure! Sure!", ngiti naman ni Julie.
"Lola's turning 75, Baby!", masiglang sabi nito.
"Wow! So it's a Diamond Jubilee po pala!", masayang sabi ni Julie.
Tumango tango naman ang lola nito.
"So how's the preparations, Ya?!", baling ni Elmo sa Yaya na abalang naglalagay ng juice sa mga baso.
"Okay naman...kaya lang wala na si....", naputol ang sasabihin nito nang maisip ang tinutukoy.
"Ay, yung sinalang ko pala sa kusina, sandali lang!", pagiwas pa niya.
Napayuko naman si Julie. Nakuha niya agad ang nais ipahiwatig ng yaya ni Elmo.
Si Missy ang tinutukoy nito na maaaring abala na nagpe prepare para sa party ni Lola Dessy.
Ramdam tuloy ni Julie ang pagkailang, na hindi siya tanggap ng Yaya Lumen ni Elmo.
Napansin naman yun ng Lola ni Elmo.
"Julie, Don't mind her. Close kasi yan kay.....Dun sa isa!", sabi na lang ni Lola Dessy.
"Naiintindihan ko po!", nakangiting sabi ni Julie.
--------------
Matapos ang almusal, nagpaalam naman sila Elmo para magpahangin sa labas.
Nagpahinga lang muna ang mga ito sa veranda ng bahay para mapababa ang kinain bago pa tumakbo.
Masarap ang simoy ng hangin sa labas. Presko dito sa village nila Elmo at animoy wala ka sa siyudad sa dami ng puno sa paligid.
"This is where you grew up?", tanong ni Julie.
"Yup, dito nako pinanganak, I'm practically living here for 22 years now!", pageksakto ni Elmo sa sagot niya.
"Dito nako natutong maglakad, tumakbo, magbike, magskateboard!",....
"Dito na din ako iniwan ng Mom ko....at later on ng Dad ko", malungkot na kwento ni Elmo.
"Hey!", umakbay naman si Julie sa kanya at hinilig ang ulo sa balikat nito.
Tahimik lang sila pero dama ni Elmo ang simpatiya nito.
Sometimes, Silence is the best way to express your true emotions.
Minsan tibok lang ng puso, kaya ng sabihin lahat ng nilalaman nito.
Dun nakikita ni Elmo ang lalim sa personality ni Julie.
Maya maya, nagaya na din si Julie para makapagpalit ng pang jogging.
"Irog, bihis na tayo, tanghali na oh!", saka niya hinila si Elmo papasok ng bahay.
Maayang maaga silang tumakbo habang di pa kainitan.
Malawak din ang maari nilang itakbo paikot sa village.
At tulad ng relasyon nilang dalawa, their journey has just began.
At malayong malayo pa ang itatakbo nilang dalawa.
Malayong malayo pa.
♡♡♡♡♡♡♡♡
![](https://img.wattpad.com/cover/65888894-288-k471141.jpg)
BINABASA MO ANG
Tiki Love
RandomA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction