Fifty First

861 62 13
                                    


10AM, binabaybay na ni Elmo ang daan papunta sa lugar nila Julie sa Malolos.

Kinakabahan siya sa kung ano ang magiging reaksiyon ni Julie pag nakita siya.

Alam niyang hindi madali ang pagharap niya rito matapos malaman ang kalagayan ni Missy.

Nahihiya siya kay Julie.

There's no better way to say it. Walang explanation ang nangyari.

He can't say, nakalimot sila kaya nangyari yun, eh wala pa naman sila ni Julie that time. Technically it did not count as cheating.

Pero wala siyang maisip na paraan paano pagagaangin ang pakiramdam ng girlfriend.

"Good Morning Ate Cel, andyan ba si Julie?", bati niya nang sumilip sa pagitan ng rehas ng gate.

Kasalukuyan itong nagwawalis sa bakuran ng mga San Jose.

"Ikaw pala, Elmo. Nasa likod siya, nag pepaint!", saka nito pinagbuksan ng gate.

Alam naman ni Elmo saan pupuntahan si Julie.

Wala naman ang mama nito nang itanong niya sa maid. Maaga daw itong nagpunta sa poultry.



"Is that how you feel right now?", mahina ang boses ni Elmo.

Nakita niyang may pagka Gothic. Black...Dark....Gloomy ang kasalukuyang pinipinta ni Julie.

Hindi naman siya nilingon nito. Animo'y walang narinig.

Tumayo si Julie  saka pumunta sa isang corner ng work area niya, namimili ito ng brush na gagamitin mula sa may 50 ata nitong koleksiyon.

"What brought you here? Di ba tapos na tayo kagabi pa?", sagot nito habang nakatalikod.

" I thought I made myself clear that it's over", saka muling bumalik para maupo sa harap ng painting.

Hindi pa din niya tinitignan si Elmo.

"B-babe....Ah....Julie, regarding what happened last night?",...

"Nabigla din naman ako sa sinabi ni Missy eh",...

"It never entered my mind na....."

"Na mabubuntis mo siya?!", pagtapos ni Julie sa salita ni Elmo.

Tumahimik naman si Elmo saka napayuko.

Dinig naman ang buntong hininga ni Julie bago pa ito humarap sa kausap.

"Hindi naman ako galit sayo eh...."

"Mas galit ako sa sarili ko.... kasi....kasi ang tanga tanga ko!",....

"I was so stupid! ....

"I was so stupid to fall in love with you!",...

"Hindi ko na sinaalang alang yung pagsasama ninyo dati!",...

"I forgot that part that you were once very serious about her!"

"Ang tanga ko para isiping hindi malalim ang naging relasyon niyo, para mabuwag na lang ng ganun ganun!",.....

"Ang tanga tanga ko na sa loob ng tatlong taon, hindi ko naisip na pwedeng nagsama na kayo ng parang sa magasawa!", ....

"I overlooked that part na kaya...kaya gusto mo na din siyang pakasalan dahil may responsibilidad ka na sa kanya, bago pa..bago mo  pa siya mabuntis,....

"Then I got in the way!",

" Feeling ko ako ang dahilan para tuluyan kang mawalan ng gana sa kanya!", ...

"Na imbes tinulungan ko kayo to work things out! Ako pa naging dahilan para lumayo ka sa kanya!", inis na sambit ni Julie.

"Shhhh! Don't say that!", pagpigil ni Elmo sa mga gusto pang sabihin ni Julie.

"Wala kang kasalanan. It was bound to happen",....

"Yes, totoong malalim na ang naging relasyon namin",...

"And God knows how serious I was with her",..

"Pero hindi talaga siguro kami",...

"And you don't have to feel guilty about it!",....

"Had it been another girl, siguradong wala na din kami ni Missy ngayon",...

"Kaya wag mong sisihin ang sarili mo, wala kang kasalanan sa mga nangyayari",....

"Ikaw ang binigay para sa kin...",

"And I'd like to believe that God made better plans for me because he directed me towards you",...

"Na siya ang gumawa ng paraan para magtagpo tayo, despite me having Missy that time",...

"Baby, life can sometimes be unfair! Maraming bagay na di naman natin alam ang sagot",...

"That child is certainly mine, and I will accept it wholeheartedly",....

"Pero hindi ibig sabihin nun na hindi na tayo pwede",...

"I will always be a welcoming father!",...

"But I can't let you go just because I have a responsibility to that child",...

"Magkaiba naman yun eh!",halata ang pagsamo sa mga mata ni Elmo.

"And of all people, ikaw ang gusto kong umunawa nun", saka nito hinawakan ang mga kamay ni Julie.

"Please Julie!..Please stay with me!",pakiusap ni Elmo saka niyakap si Julie.

Julie cannot deny the fact that Elmo was right.

Tama ito sa lahat ng sinabi niya na hindi porke't meron ng "batang" pinaguusapan, eh dahilan na yun para sumuko siya sa naumpisahan nila ni Elmo.

At kung meron mang taong unang iintindi kay Elmo, dapat siya yun.

Hindi niya dapat iwan si Elmo sa sitwasyong kinakaharap nito ngayon.

It would be immature to say that she let go of the man she loves just because he had something in the way.

Yumakap naman si Julie pabalik kay Elmo.

She realized, now more than ever, Elmo needs her support.

She will fight for this relationship no matter what.

Kahit pa ang magiging kabangga niya ay ang nanay ng magiging anak ni Elmo.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡












































Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon