Wednesday 9PM
Teddy's Grill, Malolos"This next song is dedicated to Denise, hope you like it",...
For all the times that you rain on my parade🎵🎶🎵
And all the clubs you get in using my name 🎵🎶🎵You think you broke my heart🎵🎶
Oh Boy for goodness sake🎶🎵You think I'm crying🎵🎶
Oh my ohhh, well I ain't 🎵🎶🎵🎶🎶🎶🎶🎶🎶🎵🎶🎶
Love yourself ang huling kanta sa first set niya.
At tulad ng inaasahan, maganda na naman ang pagkakanta nito dahilan para hangaan siya ng mga naroroon.
"Thank you!, Please standby for my next set", pahayag ni Julie matapos
kumanta ng ilang latest songs na kabilang sa line up niya ng gabing
yun.Ang Teddy's Grill ay pagaari ng pinsan ni Julie na si Theodore. Sila ang
pinaka close sa magpipinsan.Halos libre nga lang din siya pag tumutugtog dito. Bukod sa nageenjoy naman siya sa pagkanta, tulong na din niya yun sa pinsan.
Tambayan nalang din niya kasi ang bar na to.
Naupo siya sa pwestong nakalaan para sa mga performers at banda.
Dahil Acoustic night naman ang Wednesday, dalawa lang sila ng kapalitan niya. Kaya solo na niya sa table kung umakyat na ng stage ang ka alternate niyang si Brent.
Nagcheck siya ng phone, habang naghihintay sa oras ng next set niya.
May text message ang isang pamilyar na number.
' You sound really great! I enjoyed it', basa niya sa text message.
Kinabahan naman si Julie bigla.
Hindi siya pwedeng magkamali. Kahit hindi nakasave ang pangalan sa contacts niya, alam nya kung sino ito.
Tulala siyang nakatingin lang sa screen ng phone niya.
Para siyang napako sa pagkakaupo nang biglang....
Zzzzzzzzzz.....nagvibrate ang cellphone na kinagulat niya.
"Ay, putek!", muntik pa nga niya itong mabitawan sa gulat.
"Hello?", sagot niya.
"Hey!", sagot ng nasa kabilang linya.
"Who's this?", maang-maangan ni Julie.
"Ouch!!, di nako agad kilala!", sagot naman ng lalaki sa kabilang linya.
"Ah, Elmo?,ikaw ba yan?", tanong kunyari ni Julie.
"Yes, its me nakalimutan mo na?", sagot ni Elmo.
"Asan ka?", lilingon lingon si Julie na hinanap ang kausap.
Natulala na naman siya nang makita si Elmo na papalapit sa kanya.
"Hi!", nakangiti ito kay Julie.
"Hi!, Anong ginagawa mo dito?", usisa ni Julie.
"Hinatid ko si Makoy", saka naman umupo sa tabi ni Julie.
"Ha, Bakit?", takang tanong ni Julie.
"Eh, brownout daw sa boarding house nila, di ata nakabayad yung landlady, hehe!", .....
"Di naman na siya umabot sa last trip ng FX kaya bumalik sa bar", kwento nito.
"Gusto dun matulog, sabi ko hatid ko na lang siya sa kanila!", dagdag niya.
BINABASA MO ANG
Tiki Love
Ngẫu nhiênA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction