Alas Dos ng hapon nang magising si Julie.
Nangiti siya ng masilayan ang katabi.
Tinitigan niya ang kabuuan ng mukha ni Elmo.
Mula sa kilay pababa ng ilong hanggang sa mapula nitong labi.
And she finds Elmo really good looking.
Very manly din ito sa kulay niyang mamula mula.
Nagising naman si Elmo nang maramdaman ang kamay ni Julie sa pisngi.
"Hi, Irog!", mahina at sweet na sabi niya.
"Hey, Baby!",....
"Did you sleep well?!", tanong nito in his sexy bedroom voice.
Tumango naman si Julie.
"Yeah, well-rested!",saka pa ngumiti.
"Good! So we're gonna go strolling muna around town, kasi bukas pa yung Island tour natin", saka na ito bumangon para maligo.
"Okay", sagot ni Julie.
"Do you wanna order? room service?", tanong ni Elmo saka inangat ang telepono ng hotel room.
"No,Irog. Kain na lang tayo sa labas. Para masabay natin mag sight-seeing after", suggest ni Julie.
"Okay!",...
Julie grabbed her jacket and cap. Sumunod naman si Elmo sa kanya.
Namasyal ang dalawa sa abot lamang ng malalakad nila.
They just wanna spend this time para magrelax habang magkahawak kamay.
Elmo brought his camera too para may souvenir sila sa mga lakad nila.
Kumain sila sa hotel restaurant.
Seafood platter ang napagkasunduan nilang orderin.
Pinagbabalat pa nga ni Julie ng sugpo si Elmo habang sinusubuan naman siya nito.
Akala mo nga ay sila lang ang tao roon.
Wala silang pakialam., basta sila masaya.
Their sweetness invigorates the place. At nakakahawa ang "kilig vibes" ng dalawa.
"Baby, after this we can go night swimming sa hotel pool", anyaya ni Elmo.
"Ummm, okay!",payag naman si Julie.
"Will you be wearing a swimsuit?", tanong ni Elmo.
"I have my rashguard, yun dala ko!",...
"Good! I don't want others staring at you and your body!",...
"Ay grabe siya! Hindi naman nila makukuha yun, Irog!",ngisi ni Julie.
"Still! they would look at you and I don't like that!", seryosong sabi ni Elmo.
"Relax!! Hindi ko din naman gusto yun, okay!", pagkalma pa ni Julie dito
Matapos kumain, umakyat na din ang dalawa para magbihis ng swimming attire nila.
Elmo was in his boarshorts at nakasando lang na tatanggalin din naman niya pagsuong sa pool.
Julie as expected ay naka rashguard na Roxy in blue.
Kaunti lang ang tao na andoon. Mag 9 na din kasi ng gabi.
Pero sa dalawa, mahaba pa ang gabi. Mahabang mahaba pa.
Lumusong sila diretso sa gitna ng pool.
Hawak ni Elmo ang bewang ni Julie, at dama nito ang init kahit sa malamig na gabi.
Yumakap naman si Julie dito.
Pero nakatago ang mukha sa balikat ng boyfriend.
"Are you cold?", lalo pa siyang niyakap ni Elmo.
"Konte!", ngisi ni Julie.
Elmo then gently kissed Julie in the cheeks.
At dahan dahan itong lumipat sa mga labi niya.
Julie's trembling. Hindi niya alam kung dahil sa lamig o nangangatog siya sa halik na ginagawa ni Elmo.
"Are you scared, Baby?", mahinang tanong ni Elmo.
"Why would I?",...
"May dapat ba kong ikatakot, Elmo?", seryosong tanong ni Julie.
"I just don't want you to think na dahil sinama kita dito,at tayong dalawa lang, eh I would take advantage of you na", sabi pa ni Elmo.
"Irog, sumama ako sayo dito dahil may tiwala ako sayo",
"At alam kong hindi mo naman ako magagawang pwersahin sa isang bagay na hindi pa ko handa",...
"Of course! I won't force myself to you kung ayaw mo",...
"I respect you",...
"And I want us to take our time",...
"Gusto ko lang magenjoy tayo dito",...
"It's our way of celebrating our freedom",...
"Salamat!", ngisi ni Julie sa kanya.
Hindi naman sila gaanong nagtagal sa pool.
Umahon din sila at matapos makapagbihis saka pumunta sa bar lounge ng hotel.
And because it's a vacation, hindi naman nila pinigilan ang sarili magenjoy.
They had a few drinks.
Mataas ang alcohol tolerance ni Elmo, while Julie got so tipsy by the time she had her second cocktail.
Pinigilan na siya ni Elmo pang uminom.
"Baby, that's enough", kuha pa ni Elmo sa Margarita glass ni Julie.
Ang cute nito sa namumulang pisngi.
Hinila naman niya si Elmo sa dance floor.
Saka sumayaw. It was a slow dance.
Yumakap naman si Julie agad kay Elmo.
Sabay ng tugtog, umiindayog din ang katawan nila pareho.
"I am so inlove with you Elmo", bulong pa ni Julie sa tenga nito.
"I love you too, Baby!",
"No,you don't understand", mapupungay na ang mga mata nito.
Natutuwa naman si Elmo sa ganung asta ni Julie. Lasing na nga ito.
"I love everything about you",...
"I love your eyes",saka siya tinitigan nito.
"Your nose", saka dinaanan ng daliri ang bridge ng ilong
"Your lips!",..
"That I wanna kiss everytime you come near me..." saka naman na ito bahagyang pumikit.
"Baby, you had enough drink tonight, let's go now and rest!",nangingisi namang bulong din ni Elmo sa kanya. Saka hinimas pa ang likod nito.
"Drank or not, I am always in-love with you!", pahabol pa ni Elmo sa kanya.Saka humalik sa noo nito.
Binuhat naman niya si Julie pabalik sa suite nila.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
BINABASA MO ANG
Tiki Love
RandomA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction