Mag 8PM nang makarating si Julie sa Katipunan.
Tinabihan pa niya ang sasakyan ni Elmo sa parking.
Sinilip muna ang sarili sa salamin saka inayos ng konti ang buhok.
Isang Blue long sleeve bodycon dress ang napili niyang isuot.
Pansin ang sexy fit nito sa kanya.
Sneakers na white naman ang ipinartner niyang sapatos dito to maintain that casual chic.
Ayaw naman niya syempre ipahalata na isang oras ang inubos niya para mapili ang isusuot niya.
Gaya ng sabi ni Ate Cel, hindi naman ito date.
Pumasok siya sa Naked Ear, hinanap kung nasaan si Elmo.
Nakita naman agad siya nito.
Hindi naman kasi maikakaila ang presensiya niya nang pumasok sa Cafè.
Bulag lang siguro ang hindi lilingon kay Julie.
Sinalubong siya ni Elmo.
"Hi! Late ka! Haha!", bungad nito.
"Sorry ha! Kasi naman diyan lang ako sa kabilang kanto galing!", sarkastiko naman niyang sagot.
"Haha! It's alright!", saka inalalayan pa si Julie umupo.
Umupo naman si Elmo beside her.
"Umorder ka na ba?", tanong ni Julie.
"Not yet, hinihintay kita eh!", sagot ni Elmo.
"Bakit, ako ba waitress dito?!", biro na naman ni Julie.
"Hehe! Hinde, syempre hihintayin muna kita", sabi pa ni Elmo.
"Wag ka ngang masungit, hindi bagay sa ganda ng mukha mo!", pahaging ni Elmo na hindi naman din matignan si Julie ng diretso.
Namula naman ng bahagya ang mga pisngi ni Julie.
"Ewan ko sayo!", tanging nasabi niya.
Umorder naman sila ng Mocha Frappè pareho.
Nakakailang "basa" na ang mga readers pagdating ni Julie.
Tahimik lang sila ni Elmo nakikinig.
Pagtapos ng isang babaeng reader, nagpasalamat ito saka ipinakilala ang susunod na reader.
"And now, for our next reader. We are excited to welcome him in Naked Ear, please welcome, Elmo Magalona!", pakilala nito.
Nagulat naman si Julie sa sinabi ng babae.
Ngumisi naman muna si Elmo kay Julie bago ito tumayo at pumunta sa entablado.
Totoo ba to? Si Elmo magiging poetry reader ngayong gabi?
"Good Evening everyone! Thank you sa pag welcome nyo sa akin dito sa Naked Ear. It's my first time to do this. And I hope I can give justice to the poem!", panimula naman ni Elmo.
Isang Shakespeare amg napili niya para basahin ngayong gabi.
Nakatutok naman si Julie kay Elmo.
Hindi niya alam kung kinakabahan ba siya para kay Elmo?
O kinakabahan lang talaga siya sa mga magiging eksena ngayong gabi?
Ah, basta kinakabahan siya. Period!
Nagpalakpakan naman ang mga tao.
Maganda ang pagkakabasa ni Elmo.
Si Julie, tulala.
Bakit ba yun pa binasa ni Elmo?
Para sa kanya ba ang tulang yun?
Bumalik ang senses ni Julie nang maramdamang katabi na niya si Elmo.
"How was it?", tanong ni Elmo sa kanya.
"Not bad. Not bad for a first timer like you!", tanging nasabi niya.
"Not bad at all!", dagdag pa niya.
Wala na ata siyang ibang linya pang masasabi.
"Ikaw talaga, you never cease to amaze me!", sabi pa ni Julie.
"Nung una di ko alam na maganda pala boses mo!",...
"Ngayon may talent ka pala sa poetry reading! Hehe!", dagdag niya.
"Hindi naman, nagbasa lang naman ako ngayon hehe!", sabi ni Elmo.
"Eh maganda nga yung pagkabasa mo!", giit ni Julie.
"Naramdaman mo ba?", tanong ni Elmo.....
♡♡♡♡♡♡♡♡
BINABASA MO ANG
Tiki Love
RandomA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction