Eighty Sixth

994 67 3
                                    


"Ser! Ano ba gagawin niyo dito sa mga gummie bears na ito?!", saka pa pinatong ni Makoy ang mga plastic ng pinamiling gummie bears sa SM Hypermart.

"Eh gusto kasi ni Julie ng orange na gummie bears!",..

"Yung puro orange lang! Haha!"

"Ang cute niya lang talaga!"

"Kaya eto pinipili ko para ilagay dito sa mason jar", saka pa inayos ang plastic gloves sa kamay.

"Grabe ka naman Ser! Spoiled naman masyado ni Julie sa inyo!", sabi pa ni Makoy.

"Ganun talaga, Koy! Hindi porke't girlfriend mo na, titigil ka na ng panliligaw",...

"Kaya ako kahit kami na, nililigawan ko pa din siya!".....

"Dapat ganun ka sa girlfriend mo!", sagot naman ni Elmo.

"Oh, di pa pala namin nakikilala ni Julie ung girlfriend mo!",..

"Dalhin mo naman dito o kaya sa Teddy's!", suggest pa ni Elmo.

"Sige Ser!", tango pa ni Makoy.

"Ah...Sir Elmo..Maiba lang din ako. Syempre hindi naman na iba si Julie sa akin. Matagal na din kaming magkaibigan nun!",..

"Nasa sa inyo na din naman kung sasagutin nyo ko, Ser o hindi", pasakalye pa ni Makoy.

"Ano bang plano nyo ,Sir, sa pagsasama nyo ni Julie?",..

"Lalo na magkakaanak na kayo",..

"At sa pagkakakilala ko naman sa inyo, eh mataas ang respeto nyo sa mga babae",..

"Ano ba yun, Makoy?!",..

"Diretsahin mo na nga ko?!,.

"Tinatanong mo ba kung may balak akong pakasalan si Julie?", paglilinaw pa ni Elmo kay Makoy.

"Koy, syempre naman may plano akong pakasalan si Julie.",

"Pero sa tamang pagkakataon"...

"Ayokong isipin niya na nagooffer ako ng kasal dahil sa buntis na siya", katwiran ni Elmo.

"I still want to keep it special, and I want her to feel na dahil sa mahal ko siya kaya ko siya gustong pakasalan",..

"Gusto ko lang muna ngayon, magfocus kami sa paano sila magiging safe and healthy ng magiging baby namin!", seryosong sagot ni Elmo.

"Aahh!!! Eh okay naman pala, Ser Elmo eh hehe!",...

"Iba ka talaga Ser Elmo! Kaya idol kita eh!", ngiti pa ni Makoy sa amo.

"Hindi naman kasi dapat magmadali. As long as I prove to Julie that I'm always by her side at ng baby namin, no matter what happens, hindi niya kailangan mag alinlangan sa akin".

"At kahit saang simbahan at ilang beses pa yan, pakakasalan ko siya, Makoy!", sincere na sabi ni Elmo.

"Swerte si Julie na ikaw ang nakatagpo niya Ser!",.

"Iilan na lang ang lalakeng kagaya.....natin! Hehe!", biro pa ni Makoy.

"Maswerte din naman ako kay Julie, Koy!"

" Bukod sa mabait na, maalalahanin, understanding at sweet",..

"Sigurado akong magiging mabuting mommy din siya sa magiging mga anak namin", ngiti pa ni Elmo.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡












Tiki LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon