" Ma!! I'm home!", sigaw ni Julie mula sa sala.
Si Ate Cel ang nabungaran niya sa hapag na kumakain.
Nagmemerienda ito gawa ng alas 3 pa lang ng hapon.
"Aba! at nakabalik na pala ang Prinsesa!", bati nito.
"Umalis si Mama mo, sinama ng Ninang mo sa binyagan", paliwanag ni Ate Cel.
"Ah okay!" ,saka nilabas ang ilang pasalubong.
"Ate oh, kay Kuya Paul yung isa!", sabay hagis ng Coron t-shirts dito.
"Salamat! So ano maganda ba sa Coron?!", excited na tanong ni Ate Cel.
"Oo maganda, super!!! Punta kayo ni Kuya Paul dun!",..
"Ako kung may chance, babalik ako dun at isasama ko si Mama", ngiti niya.
"Bakit parang gumanda ka, Baby girl!", puna ni Ate Cel saka pa sumubo sa kinakaing suman.
"Ha?!", patay malisya si Julie.
"Sa lahat ng galing biyahe, ikaw ang blooming!", makahulugang sabi ni Ate Cel.
"Grabe ka teh! Dati nakong maganda!", saka naman ito tumayo para dumiretso sa kwarto.
"Papahinga lang ako, may gig ako mamayang gabi eh!", sigaw pa niya.
Tinitignan naman siya ni Ate Cel mula sa likuran.
"Hmm, parang may naiba dito kay Julie Anne eh!", bulong pa niya sa sarili.
-------------------------
Sa kwarto, bago pa matulog si Julie, tumawag muna si Elmo to check up on her.
Elmo : Hello, Baby? Nasa bahay na ko. I showed Lola our pictures, tuwang tuwa siya hehe!
Julie: Nice!...So pupunta ka ba Tiki later? Pahinga ka muna, Irog?
Elmo: Yeah, punta ko gabi pa naman yun. Ikaw you rest na, may gig ka din mamaya.
.......
Ah, Baby...About what happened in Coron? A- are you gonna tell your mom?
Julie: Hell, no!Haha!!...
Irog, syempre hindi. I don't wanna disappoint her.
Besides, it's too personal. Kahit naman nanay ko siya may mga bagay naman akong dapat isikreto din sa kanya.I'm 22, I can perfectly decide for myself. Wag ka na magworry about it okay.
Elmo: Okay. It's just you, that I'm worried about, alam ko how you made a promise to her.
Julie : Yeah....I feel guilty too, pero we never planned it naman eh, it just happened.
And ginusto ko yun, di mo naman ako pinilit.
-----------------------
Natapos naman ng maayos ang usapan ng dalawa.
Totoo naman, Julie is old enough to decide for herself.
Hindi naman din napakalaking kasalanan ang ginawa nila.
They just expressed their love for each other. Walang mali dun.
At matinong lalake naman si Elmo.
Sa maikling panahon na naging sila, she knew what they have is something real.
True.
Pure.
At walang mali na patunayan niya kung gaano niya ito kamahal.
Hindi naman nasusukat sa haba ng panahon ang basehan ng true love.
Minsan, tingin mo palang sa tao, alam mo ng he's the one.
BINABASA MO ANG
Tiki Love
AcakA JuliElmo Love Story Can someone master the art of third wheeling? Find out how, Cockblocker, Julie Anne does the trick. Julie Anne San Jose & Elmo Moses Magalona A Cali_Dobo Fan Fiction