Chapter1

6.4K 72 0
                                    

How they met!!!

Fiona's pov

"Hi miss beautiful fiona."

"Hi Fiona."

"Hello miss tourism"

"Good morning gorgeous."

"Ang sexy niya talaga."

Halos araw-araw na puro yan ang naririnig ko. Akala ko pag dito na ako sa manila mag aaral. Matatakasan ko na ang mga papuring naririnig ko. Kung hindi lang dahil sa grade ko, hindi talaga ako dapat sumali sa Miss tourism na yan. Haay.

Higit dalawang buwan na din ako dito sa Ekxa Felony Academy. Isa sa prestigious school. Halos lahat mayayaman ang nag aaral dito. Pero may iilan din naman na hindi. Katulad ko, scholar ako sa school na ito. May iilan na akong ka-close, pero hindi ko naman masabi na friends ko sila. Dahil masyado akong tutok sa pag aaral. Tsaka tinatablan din ako nang hiya kung minsan dahil nga mayayaman ang karamihan na lumalapit sa akin. Akala ko nung una, ma bubully ako dito eh. Pero kabaliktaran naman. Kaya lang, hindi pa din mawawala ang mga anak mayaman na masama ang tingin sa akin. Pero buti at hindi naman nila ako inaapi. Hanggang irap at masasamang tingin lang binibigay nila sa akin.

Nag lakad ako papunta sa likod ng business Ad department at tumambay dito. Wala kasi masyado tumatambay dito tsaka baka pag sa tourism dept ako kung sino-sino na naman ang lumapit. As much as possible, ayoko muna sana magkaroon ng kaibigan. Focus muna ako sa pag aaral. Scholar pa naman ako ng bayan namin. Ayoko silang ma-disappoint.

Nilabas ko ang phone ko at naglaro ng COC. Second reason kaya ako nag pupunta dito ay may nasasagap akong free internet. Walang password kaya nakaka-connect ako. Libangan ko na din ang maglaro. Yung kapatid ko kasi, sobrang hilig sa larong to kaya nakahiligan ko na din. Pang tanggal stress din kung minsan.

Habang nag lalaro, biglang may umagaw ng cellphone ko. Galit akong napalingon dahil hindi pa ko tapos sa pag attack. Halos mapanganga ako sa lalaking kaharap ko. Shit! Totoo ba to?

Si Doniel Pineda Samaniego. Sinong hindi makakakilala sakanya. Pinakamayaman sa school, gwapo at sikat na sikat talaga. Nginitian niya ako at umupo sa tabi nang inuupuan ko. Siya na nag patuloy na naglaro nang COC ko. Hindi naman ako nakapalag dahil na din sa mukhang marunong naman siya at shock talaga ako.

Nang matapos siya mag laro ay tumingin siya sa akin at kumindat. Napataas lang ang kilay ko sa ginawa niya. Psh! Malandi din pala ang isang to. Pero infairness, naka-tatlong star siya.

"Galing ko noh?" Pag mamayabang niya. Inirapan ko lang siya at kukunin na sana ulit ang phone ko pero iniwas niya agad.

"Oops. Wait lang! You need to join in another clan." Umismid lang ako sa sinabi niya. Feeling close din to eh. Pero sa totoo lang, kinikilig ako ngayon. Kausapin ka ba naman nang isang Doniel Samaniego? Ang gwapo!

"Huwag na! Madami lang mag lalandi." Sabi ko at hinayaan siyang mag attack ulit. Well, magaling siya. Parang hindi niya na pinag iisipan ang pag atake niya eh. Hindi katulad ko.

"Don't worry. Ako lang mag lalandi sayo sa bagong clan mo." Gulat akong napalingon sakanya pero nakatutok pa din siya sa phone ko. Sinilip ko yun at naka-3 star na naman. Landi talaga!

"Hmm. Fiona Aliyah Bermudez. Nice name. Accept my friend request para ma-invite kita sa clan namin." Inabot niya sa akin ang phone ko. Then he type something in his phone. And narinig ko ang notif ko. Binuksan ko yun at friend request nga niya sa facebook.

Doniel Pineda Samaniego Sent you a Friend Request

"A.YO.KO!" Sabi ko at tumayo na. Papansin din nang lalaking to. Tss.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon