Chapter 50

2.3K 55 4
                                    

Umaga ang binyag ng anak ni clark at laurice. Kaya maaga din akong gumayak. Ayoko kasing pag hintayin si hade sa baba ng condo.

"Shit! Yan talaga susuotin mo ate?" Gulat na tanong ni dansen.

"Language, dansen. At oo. Kita mong suot ko na eh." Sabi ko at tinanggal na ang panali na nilagay ko sa buhok ko.

Nilagay ko ang isa sa favorite kong hair extension na ginagamit ko pag may gig. Unlike sa original kong buhok na hanggang balikat lang. Tinali kong maiigi ang hair extension sa buhok kong nakatali na pataas sa ulo ko. Kaya ang itsura tuloy ay parang ang haba haba ng buhok ko kahit hanggang balikat lang naman talaga. Bumagay din sa kulay ng hair extension ang buhok ko na pinaresan ko ng black and blonde color. Nang satisfied na ako sa ginawa ko sa buhok ko. Saka ko naman nilagyan ng make up ang mukha ko.

Simula college ay lagi na ko nag lalagay ng make up sa mukha. Lalo na pag may gig gabi-gabi. Kaya nasanay na ko sa pag lagay. Nag lagay ako ng BB cream mac na minsan ko lang ginagamit dahil nakakalula sa mahal. Niregalo lang to sa akin ni tita carmela noong pasko. Nakakabuwang ang presyo!

Sinunod ko ang mag lagay ng face powder, at nag lagay ng eye shadow na light brown at cookiee pale sa taas niya. Nag lagay din ako ng liquid eyeliner sa taas at sa baba ng mata ko. Then nag curl ng kilay para mag lagay ng eyelashes extension. Kinurap kurap ko ang mata ko at nag pacute sa harap ng salamin. Ganda talaga pag naka-eyelashes extension. Lalong naging expressive ang mata ko. Wink!

Nang matapos akong mag pacute sa salamin ay sinunod kong ayusin ang eyebrows ko. Dito ako mas maarte maglagay. Mas natatagalan ako sa paglalagay ng eyebrows kasi sinisigurado kong maganda ang pagkakalagay at deretso. Wala naman kasing kilay na pantay. Kaya sa pamamagitan ng eyebrows mapapaganda niya ang kilay ko. Brow gel ang ginagamit ko dahil alaga ako sa kilay. Lagi ko itong inaahit o plucking para mas maging malinis ang paligid ng eyebrows ko. Pagkatapos ng eyebrows, nag lagay ako ng eyebrow foundation sa paligid ng eyebrows ko para mas luminis tignan. Nang masatisfied sa kilay goals ko ay naglagay na din ako nang liptint kong bloody red ang kulay at nag lagay ng konting blush on at highlights sa mukha. Ngumiti ako sa harap ng salamin. Perfect! Basta talaga pag ganitong make-up. GGSS ako! I giggled all by myself.

"Mag palit ka kaya." Si dansen na naman. Tinignan ko siya habang nag susuot ng close stiletto.

"Ano bang mali sa suot ko dansen?" Tumayo ako at hinarap siya nang matapos ako. Nakita ko ang pag irap niya sa akin. Aba't!

"Masyadong hapit sa katawan, kitang kita ang hubog ng katawan mo lalo na sa malaki mong balakang at pwetan. Yang dede mo ate, halatang halatang malaki din." Nakasimangot siya habang tinuturo lahat ng reklamo niya.

"Dan, mas okay na to kesa sa nakikita ang cleavage ng boobs ko." Kinuha ko ang sling bag ko at humarap ulit sa salamin.

"Hindi nga nakikita boobs mo pero mukhang masisilipan ka sa dress na yan." Napailing nalang ako. Di talaga papatalo ang isang to. Humahaba ang nguso niya habang tinitignan ako sa salamin.

"Hindi naman ako tatalon. Sisiguraduhin ko ding hindi ako masisilipan. Tsaka naka cycling naman ako sa loob kaya wag kang mag alala. Kahit bumukaka ako doon wala silang makikita. Itim na cycling lang." Lalo siyang sumimangot sa sinabi ko. Naka-cross arms pa rin. Pag ganito talagang damit ko ang usapan si dansen ang nagiging panganay.

"Hindi ka naman ganyan manamit. Bakit yan pa pinili mo, ate? Dahil ba andun si don?" Napahinga ako ng malalim. So yun ang talagang rason sa pagrereklamo niya sa damit ko? Dahil andoon si don?

"Hindi dahil sakanya. Alam mo namang mayayaman ang mga yun. Kaya paniguradong mayayaman din ang mga bisita nila. Pag sinuot ko yung mga dress na sinusuot ko. Mag mumukha akong yaya lang doon. Aba syempre, dapat hindi nila ako mapag kamalan. Nakakahiya naman. Ninang ako ng mag bibinyag at hindi yaya no!" Sinabayan ko ng tawa ang sinabi ko.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon