Chapter 24

1.8K 42 4
                                    

Sa mga sumunod na araw hindi na bumalik si don para tanungin ako about kay clark at laurice. Dapat lang! Dahil laging nag ha-hyperventilate ang puso ko pag meron siya.

Niyaya ako ni hade na pumunta sakanila. At dahil medyo malayo ang bahay nila hade. Nag pahatid ako kay stuart at gael. At dahil madaldal ang dalawa, nasabi nila sa barkada na pupunta kami kila hade.

Andoon na pala dati si kat at jade. Si faye din. Wala na masyadong pasok kaya tumatambay nalang ang ginagawa nila.

Pagkarating namin doon ay naunahan pa kami ng girls. Umalis ulit ang mga boys para bumili daw ng beers and foods namin. Kami namang mga girls ay nag prepare ng ibang foods na nasa kitchen.

Habang nagtatawanan kami ay biglang pumasok si hade sa kusina na naka-topless lang. Natahimik kaming mga babae at tinignan lang siya. Napalunok ako sa bawat pag lunok niya ng tubig. Damn that adams apple!

"Like what you're looking, mot?" Nag iwas ako ng tingin ng bigla siya ngumisi sa akin.

Narinig kong nagtawanan ang mga girls kaya binato ko sila ng pat holder. Parang ako lang ang tumingin ha? Grabe sila!

"Kapal mo! Tss." Sabi ko nalang sakanya at nag patuloy sa pag timpla ng lemonade juice.

Lumapit siya at tumabi sa gilid ko. Kumuha siya ng chuross at kinain yun.

"Sabi ko sayo puntahan mo ako. Hindi ko sinabing mag luto ka dito." Bulong niya sa akin.

Nakiliti ako sa bulong niya kaya natawa siya sa akin. Pinalo ko nga sa braso. Nananadya talaga siya.

"Ang lalandi!"

Pag paparinig ni claire sa amin. Umiling nalang ako at pinunta na ang juice sa may pool area. Swimming daw kasi ang gagawin namin habang mag iinuman.

Nakasunod si hade sa akin dahil pinag buhat din siya ni angel ng bbq at hotdog na iihawin mamaya.

Hindi na ako bumalik sa kitchen dahil konti nalang naman yung mga ipupunta. Chineck ko ang phone ko para sana itext ang mga kapatid ko na andito ako kila hade. Binasa ko ang text ni ello at napasimangot.

Can't stop thinking of you..

Hindi ko alam kung rereplayan ko o hindi. Ayoko naman kasing sa text ko lang sasabihin na itigil niya na to. Kaibigan ko na si ello and he deserved a decent explanation hindi yung sa text lang.

Let's go out after the finals? May pag uusapan tayo.

I hit the send button at nilagay na sa bag ang phone ko. Ayoko ng mag isip ng kung anu-ano ngayon. Gusto ko nalang mag enjoy.

"Fi, tara na mag palit ng swimwear!" Sigaw ni monette.

Tumayo na ako at sinundan silang mga girls. Namili sila ng swimwear na susuotin nila. At ako ay nakaupo lang sa kama ni faye. Nag unahan silang pumasok sa banyo para masuot na ang napili nila.

Nang lumabas si angel na may suot na yellow two piece ay sumunod na si kat at red two piece naman ang kanya. Si monette naman ay white two piece at si faye ay black one piece.

"Earth to fiona? Mag palit ka na kaya." Kat said.

Bumuntong hininga ako at tumayo para mamili ng swimwear. Pero wala akong gustong suotin sa mga natirang swimwear ni faye.

"Wala ka na bang one-piece dito faye? Ayoko kasi ng two-piece eh." Sabi ko at tumingin sakanya.

"Suot-suot ko na eh. Ito nalang. Bagay to sayo." May inabot siya sa akin na printed jungle design na strap bra at undies na di tali. Tinignan ko to ng nanlalaki ang mata. Pag hinila to mahuhubadan ako agad!

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon