Chapter 8

1.6K 36 1
                                    

Simula pag dating ko ng resto bar ay nakabusangot na ako. Hindi ko na din maitago ang sama ng pakiramdam ko. Parang anytime ay babagsak nalang ako sa sahig.

Pero hinayaan kong isubsob ang sarili ko sa trabaho. Kailangan kong magtrabaho. Kailangan kong maging busy ngayong gabi para hindi ko maisip si don ang ang childhool sweetheart niya! Shit!

Pansin ng mga katrabaho ko ang pagiging busangot ko buong gabi. Halos hindi ko sila kinakausap dahil parang wala na din akong lakas na makipag usap sakanila. Literal na pagod ako! Literal na masakit lahat sa akin! At ang isipin si don na masayang nakikipag kwentuhan sa ibang babae ay lalong nakapag padagdag ng bigat ng loob ko.

"Fiona, pag katapos ni ced, ikaw na susunod." Tumango ako kay kuya jerry at nag desisyong mag ayos na para sa set ko mamaya.

Pag pasok ko sa locker ay nag umpisa na akong mag ayos. Hindi pa din mawala sa isip ko yung picture ni don at ni crystal kasama ang isang babae.

Ngayon lang! As in, ngayon lang ako nakaramdam ng selos. Mag dadalawang taon na kami in just a month pero ngayon lang ako nakaramdam ng jealousy. Insecurities, oo. Matagal ko ng nararamdaman yun dahil sa mga babaeng nakakausap ni don o nakikita namin sa bawat lugar na pinupuntahan namin.

Na-iinsecure ako dahil hindi ako mayaman. Hindi ako katulad nila na belong sa elite world. Isa lang naman akong dukha. Para bang cinderella. Isang maiden na na-inlove sakanyang prince charming. Pero madami kaming pag kakaiba ni cinderella. Unang una, may magulang siyang binusog siya sa pag mamahal. But life is cruel dahil namatay ang magulang niya. While me, iniwan kami ng magulang namin. And I would want them dead than they left us.

Pangalawa, ang nag papahirap kay cinderella ay ang step mom at step sisters niya. While me, ang nag papahirap sa akin ay ang mundo. The world seems enjoying watching me suffer para lang maitaguyod ko sa hirap ang mga kapatid ko.

Pangatlo, cinderella had a happily ever after. And that is a fairy tale. While in my case. This is the real world. Wala akong magiging happily ever after dahil hindi naman katulad nung king yung ugali ng parents ni don. The king accepted cinderella because he saw how much his son loves cinderella. Pero sa akin, alam ko ang mangyayari, hindi pa man dumadating pero alam na alam ko na.

Kahit oa lumuhod si don sakanila para mag makaawa. They will not accept me for who I am. Kitang kita ko sa mga mata palang nila. I knew that night na hindi mangyayari ang inaasam asam ko. And that fucking hurts so much!

At mas lalo akong nasasaktan dahil mukhang magkakaroon na ako ng karibal. Alam ko naman na mas gusto ng parents ni don kay crystal para sa anak nila. Wala akong panlaban sakanya. She is an epitome of perfection, I guess?

"Fiona, ikaw na. Dalian mo dyan." Sigaw ni kuya jerry sa labas ng pinto.

Bjnigyan ko pa ng isang sipat ang sarili ko sa malaking salamin bago lumabas ng kwarto. Deretso akong pumunta sa stage at huminga ng malalim. I need to act as if I am okay. Para matuwa ang mga customers namin. This is my job at sanay na sanay na akong mag lagay ng plastic na ngiti pag ganitong hindi maganda ang mood ko.

"Ehem. Ehem. Mic check." Natawa ako sa ginawa ko na sinabayan ng mga customers.

"Good evening everyone. Pasensya na kung hindi ako nakakanta ng dalawang gabi. Nag kasakit kasi ako and now that I am okay and fully recovered. I will give you a 3 extra songs."

Nag hiyawan ang mga tao sa loob. Sinimulan ko ng mag strum ng gitara ko at nag paagos sa daloy ng musika.

Pagkatapos ng set ko ay pwede na akong umuwi.  Namakagaan ng pakiramdam pag kumakanta ako kaya kahit papaano ay nakalimutan ko saglit ang pag aalala kay don at sa pictures na nakita ko.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon