Chapter 20

2K 48 6
                                    

Tama nga ang hinala ko. Dahil kinaumagahan pag gising ko nalaman ng mga kapatid ko at ng valdez family ang nangyari kagabi.

Nag punta din si anti mila at tulad ng dati. Mga mura at masasakit na salita ang sinabi niya sa akin. Sinubukan niya pa akong palayasin sa sarili naming pamamahay pero pinagtanggol ako nila inang feli.

Dalawang araw akong hindi lumabas ng bahay. Tumutulong nalang ako kay ate dina sa pag luluto niya para ibenta sa harap ng bahay. Pero sinisigurado kong hindi ako lalabas kahit sa bakuran lang. Dahil alam kong makakarinig na naman ako ng panlalait sa mga tao.

Apat na araw pa ang lumipas ng napagdesisyunan ko ng kailangan na naming bumalik ng manila. Hindi pwedeng dito nalang kami at wala kaming kinikitang pera. Buti pa doon at pwede akong mag labandera.

Hindi tumanggi ang mga kapatid ko. Gusto na din nila umalis dahil pati sila ay nadadamay sa nangyari. Nahiya pa ako kay ate dina ng nag advance siya ng tatlong buwang bayad sa upa. Nasa abroad naman kasi ang asawa niya kaya nakapagbigay siya.

Nag pasalamat ako sakanilang lahat at nangako din siya sa akin na ipapadala niya ang bayad ng upa sa akin after 3months.

Pag kadating sa manila ay nag hanap ako agad ng trabaho. Gusto din mag hanap ni dansen pero sabi ko ay wag na. Dahil kaya ko naman.

Isang linggo din bago ako nakahanap ng isang resto bar. May mga kumakanta kanta din doon. Babae ang may ari kaya wala akong problema. Mabait siya at naiintindihan niya ang sitwasyon ko.

Ang usapan namin ay Thursday, Friday at saturday ang schedule ko sakanya. Okay na din yun dahil limang daan ang bayad sa akin kada-gig. Atleast hindi ako araw-araw na puyat.

Tatlong araw bago mag pasukan. Thursday ngayon at pangalawang thursday na akong kumakanta dito. Nagustuhan ng mga tao ang boses ko kaya naman madami na ulit ang nakakakilala sa akin.

Nasa bar counter lang ako at tumutulong sa bartender ng may tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako at nakilala ko sila. Mga kaibigan din sila ni don sa campus.

"Kaya pala di ka na namin nakikita sa resto bar ni lester. Dito ka na pala nagtratrabaho." Sabi ni jom. Ang varsity player sa school.

"Oo eh. Hindi din kasi pwedeng gabigabi nalang ako puyat. Atleast dito, ThFS lang ang schedule ko."

"Kamusta ka na, fiona? Tanggap mo na yung nangyari?" Si jack, basketball player din siya sa campus.

"Hindi." Umiling ako sakanila at nag patuloy sa pag ayos ng mga baso.

"Of course she will not accept it. Who wouldn't diba? Isang buwan palang mahigit nung nag hiwalay sila tapos don is now married. If I am fiona. For sure, I'll gonna breakdown."

"Buti nakakaya mo lahat, fi. We felt relieved though. Akala namin hindi ka na magpapakita dahil sa balita. I'm glad you're back."

Hindi ko na alam kung sino ang mga nagsalita. But I know na babae ang mga ito. Biglang blanko ang utak ko. Tama ba ako ng rinig? Don is married? Seryoso ba to?

Kumabog ng mabilis ang puso ko sa takot, sa kaba, sa galit. Hindi ko alam kung nag sasabi ba sila ng totoo.

"Pa-paano niyo nalaman? Seryoso ba kayo? Tell me, joke lang to diba? Jom, mahilig kayo magbiro eh. Isa lang to sa mga biro niyo diba?"

Tumulo ang luha ko sa pagtatanong ko sakanila. Hindi ko na napigilan. Kusa ng lumalabas ang mga luha ko.

"Omg! She didn't know!"

"Oh god! We're so sorry fiona."

Umiling ako sa dalawang babae at tumingin kay jom at jack. I stared at them with my pleading eyes. Nag mamakaawa na sabihin nilang joke lang nila. Na hindi iyon totoo!

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon