Kinabukasan
Hindi ko maitago ang ngiti sa labi ko habang papasok sa lobby ng building.
"Good morning, miss fiona."
"Hello po ma'am."
"Good morning, miss."
"Magandang umaga ma'am ganda."
At lalong lumalaki ang ngiti ko sa tuwing may babati sa akin. Matamis na ngiti ang binibigay ko at bumabati rin pabalik. Tinignan ko ng reflection ko sa salamin. Kinuha ko ang lipstick sa bag ko at nag lagay para lalong kumapal ang cherry red sa labi ko. Napanguso pa ako na kunwaring hahalik. Nadala ako sa ginagawa ko kaya nakailang pose ako doon. Kagat labi, nguso pose, smile, smirked at kung anu-ano pang pose. Pero da best talaga yung nguso pose ko kaya ilang beses kong ginawa yun.
Hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator at nakanguso pa rin akong nakatingin kay don na halatang nawi-weirduhan sa ginagawa ko. Agad kong inaayos ang buhok ko at ang suot ko saka lumabas ng elevator.
"A-ano.. Nag p-prapractice lang ako k-kung ano magandang p-pose. D-diba kasi.. A-ano. M-magkikita kita tayo lahat m-mamaya. So a-ayun. Nag practice lang a-ako pang p-picture taking. Hehe." Awkward kong tawa.
Nawala na ang nagtataka niyang tingin at napalitan nang nakakaloko. Ngingisi ngisi pa siyang pumasok sa loob ng lift at nakapamulsang nakatingin sa akin.
"Akala ko kasi, you want to kiss me... Again." At saka siya tumawa hanggang sa sumara na ang pintuan ng lift.
Naiwan naman akong napatulala sa harap ng elevator at literal na napanganga. Napalunok ako at naalala ang nangyari kagabi.
Pag katapos mag hugas ay umakyat na kami ni don. Hindi ko maitanong sakanya kung saan ako matutulog. Pero nang makita kong kinuha niya ang isang unan sa higaan at kumuha ng kumot. Alam ko nang sa couch siya matutulog.
"As I said, lahat ng doors dito ay automatic which is ang nag papagana ay ang kuryente. Dahil nakasara na dati ang pintuan ng mga guest rooms. Hindi natin mabubuksan yun. So wala tayong choice kundi matulog sa isang kwarto." Paliwanag niya at tinanggal ang mga throw pillow na nakaayos sa couch.
"S-sige." Naiilang kong sabi.
"I already put the clothes in the bathroom. Don't worry that's all....new." Naiilang niyang sabi saka siya lumabas sa veranda at mukhang may tatawagan.
Agad na akong pumasok sa banyo at nag shower. Mukhang alam niyang mahilig pa rin akong magdala ng extra underwear. Dahil tanging boxer shorts at plain white shirt lang na may tag pa ang nasa sink ng banyo.
Pagkalabas ko ay agad na akong humiga sa kama dahil hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko. Mamaya maya ay narinig kong nag slide and sliding door niya sa veranda at narinig kong pumasok na rin siya sa banyo. Taimtim akong nagdasal at saka pumikit.
----
*Sigh*
*Sigh*
*Sigh*
*Sigh*
*Sigh*
Ilang beses akong napabuntong hininga saka tumihaya. Tumitig ako sa madilim na kisame pero naaaninag ko pa din dahil sa pakidlat kidlat sa labas.
Tumagilid ako ng higa at sinuksok ang mukha ko sa malambot at malaking unan ni don. Hmm. Amoy gwapo!
Pinilit kong matulog pero hindi man lang ako dalawin ng antok at hindi ko alam kung bakit. O sadyang alam ko ang dahilan kung bakit pero denial lang ako. Pasimple akong sumilip sa pwesto ni don nasa may malapit siya sa veranda. Tinapat niya doon mismo ang mahabang couch at nanatiling nakabukas ang sliding door para may pumasok na hangin sa loob.

BINABASA MO ANG
If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)
RomanceStory of fiona and don (Clash of clan love story and when she met the mafia boss,cast) *Clash of clans love story* Fiona and don are together. Don is Sir's cousin *When she met the mafia boss* Fiona and don seperates. Don got married. This will gonn...