Chapter 41

2K 54 8
                                    

"Kamusta?" Hade sat beside my bed. Nginitian ko siya at pinilit kong bumangon.

Agad siyang tumayo at lumapit sa akin para alalayan ako. May konting kirot pa din sa tiyan ko pero I feel better now. Isang linggo na mahigit ang lumipas pagkatapos ng mafia ball. At hindi ko inakalang magigising ako pagkatapos ng tatlong araw na unconscious daw ako.

"Ito, nakakatayo at nakakalakad na ako simula kahapon. Kaya lang, hindi ko pa pwedeng pwersahin. Kumikirot pa rin pag nagagalaw ko." Sagot ko sa tanong ni hade nang makaupo na ako nang maayos sa kama.

"Sigurado ka bang tutuloy ka pa rin?" Naging malungkot ang mukha ni hade dahil sa tanong niya.

"Come here. Dito sa tabi ko." I tapped the space beside me. Tumayo siya at umupo sa tabi ko. Pareho kaming makasandal sa headboard ng kama. Kumapit ako sa braso niya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Oo. Tutuloy ako. Pero hindi muna sa ngayon. Kailangan ko pang mag pagaling at kailangan kong hintayin na mahanap si laurice. Alam mo naman, ako pa din ang pinag hihinalaan ng iba kung bakit bigla biglang nawala si laurice. I need to stay here para ma-prove ko sakanilang wala akong kinalaman sa pagkawala niya."

"Nahanap na namin si clark. He is now looking for laurice. Alam din niyang wala kang kinalaman sa pag kawala ni laurice kaya wag mo masyadong iniisip na pinag hihinalaan ka. And by the way, thank you for telling us who's maxi is."

Tumango ako at tumahimik. Madami akong gustong tanungin sakanya. Kamusta na siya? Kung anong nararamdaman niya ngayon? Kung ano nang nangyayari sa empire nila ngayong namatay na ang ibang pineda? Kamusta na si jade at faye? Si stuart? Si don? Namatayan sila ng pamilya. Kaya alam kong hindi pa din sila okay.

Si monette at sir lang ang kadalasan dumalaw sa akin. Si clark naman ay kinidnap ni maxi. Pero gaya nga ng sabi ni hade kanina. Nahanap na nila siya. Kaya nakahinga na din ako ng maluwag. Hindi ko pa nakikita si faye pero sabi sa akin ni monette ay pumupunta daw si faye at stuart dito habang natutulog ako. Hindi ko alam kung pati ba si don ay dumadalaw din. Kamusta na kaya siya? Namatay ang asawa niya nung mafia ball. Okay lang ba siya? Nasaktan kaya siya? Ang dami kong katanungan pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan itanong. Ayoko naman itanong kay hade ang tungkol kay don dahil napaka-insensitive ko naman. Namatay ang mama at papa nila hade kaya dapat kailangan ko siya i-comfort.

"Paano na kaya ako kung wala ka? Sino na kaya ang makakausap ko pag may problema ako? Sino ang magagalit sa akin pag late ako gumising? Sino nang mag papaalala sa akin pag nakakaligtaan ko ang mga dapat gawin? Sino na ang magpapatawa at mag papangiti sa akin? Sino na ang magiging best friend ko? Parang di ko kaya na umalis ka, mot mot. Wala na akong makikitang laging nakasimangot. Wala na akong kukurutin ang ilong at wala na akong ihahatid sundo."

Sumisikip ang dibdib ko habang sinasabi yan ni hade. Yun din ang iniisip ko. Paano na ako kung wala din siya? Simula nung una hanggang ngayon. Siya pa din ang andito sa tabi ko at nasasandalan ko sa ano mang mangyari. Maliban kay don, siya ang pinaka-mamimiss ko sa lahat.

"Kaya mo yan. Alam mo bang sayo ako humuhugot ng lakas? Nagtataka nga ako kung bakit parang hindi ka nauubusan ng lakas eh. I'm sorry kung pati ikaw iiwan ko. Kailangan kong lumayo para makapag isip. Para magpalamig. Para ayusin ang buhay namin ng mga kapatid ko. Sana maintindihan mo, hade. Sana magiging matatag ka pa rin habang wala ako." Napaalis ako sa pag kakasandal sa balikat niya ng yumugyog bahagya iyon.

Tinignan ko siya at nakayuko lang siya habang umiiyak. Hindi ko na din napigilan ang luha ko habang pinapanood ko ang isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay kong umiiyak. Ang sakit makitang umiiyak at nasasaktan siya. I've never seen him like this. Nung nag confess siya sa akin noon at tinanggihan ko. Nakita kong nalungkot siya pero hindi ko nakitang nasaktan siya o umiyak man lang.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon