Kinaumagahan na nung nagising ako. Kagabi ay sinubukan akong gisingin ni hade pero nanatili akong tulog hanggang sa maramdaman ko nalang na lumabas na siya. Kinain ko nalang yung dinala niyang pagkain dahil iniwan niya yun sa mesa. Gutom na gutom na din ako kagabi.
Dali-dali akong naligo at nag palit ng damit na nakalagay na naman sa lamesa. Pag katapos ko mag ayos ay lumabas na ako ng kwarto. Nagulat ako ng akmang bubuksan na sana ni faye ang pinto.
"Come. Let's eat breakfast." Yaya niya sa akin.
"Faye, I need to go. Kailangan kong mag report sa ojt ko at pumunta sa school para makausap ang ojt instructor ko. Dalawang araw na akong wala. Sayang naman yung hours na kailangan ko para makumpleto ang ojt ko." Sabi ko sakanya habang nag lalakad na kami.
"No need. Sinabi ni lolo kay don at andrea na ibilang yung oras ng ojt mo sa pananatili mo dito sa mansion." Gulat akong pinatigil siya sa pag lalakad at hinarap siya.
"Faye, that's not fair. Ayokong grumaduate na hindi nakukumpleto ang duty ko sa ojt tsaka-"
Nag isip ako ng idudugtong ko. Hindi ko alam kung bakit wala akong maisip sa ngayon. Napapikit ako sa inis. Naramdaman kong tinapik ako ni faye sa balikat.
"Fi, just let it be okay? Nang dahil sa pamilya namin kaya ka nadamay sa gulong ito. Hindi lang ikaw dahil pati si dansen at sarah. Hayaan mong kahit yun man lang maitulong ng pamilya namin sayo, for now."
Umiling ako sakanya dahil unfair talaga. Ano nalang iisipin nila andy at ng mga kasama ko? Hindi ko nakumpleto ang oras ng ojt ko pero makakapag graduate pa din ako? Ayokong may masabi ang mga tao at pati ang pag aaral ko ay kuwestyonin pa nila.
"Look fiona, wala ka na ding magagawa dahil si lolo na ang nag sabi. Kay don at kay andrea na ang cartel kaya okay lang kahit hindi ka pumasok. Tsaka look at yourself, may mga pasa ka at sugat ka pa. Imbes na pumasok ka sa ojt mo. Sumali ka nalang kila lolo para pag usapan kung paano ililigtas ang mga kapatid mo."
Tumingin ako ng deretso sa mata niya. Napatango na din ako ng tumitig din siya pabalik sa akin. She's right. Kailangan kong malaman ang plano ng mga pineda para iligtas ang mga kapatid ko. Wala ng ibang mas importante sa akin kung hindi ang mga kapatid ko kaya kailangang sila muna ang isipin ko.
"Sige. Pero may kailangan tayong puntahan. At kailangan natin ng tinted na sasakyan." Sabi ko sakanya.
Napangiti naman siya at tumango sa akin bago ako hinila paakyat sa isa pang hagdan. Akala ko ay bababa na kami pero bakit kami aakyat ulit? Anong meron sa taas?
Pumasok kami ni faye sa isang kwarto. Nagulat ako ng sobrang daming damit ang andito. Mga tuxedo, gowns, mga sapatos, bags, accessories at wigs. Napatingin ako sakanya and she smirked at me. Napangiti din ako. At nag simula na kaming mamili ng disguise namin.
Wala namang humarang sa amin ni faye kaya madali kaming nakalabas ng mansion. At tulad nga ng sinabi ko, kailangan namin ng tinted na sasakyan. Pero naniguro pa din kaming dalawa kaya sa backseat ako pumwesto at humiga ako doon para walang makapansin na may kasama si faye paalis.
Pumasok kami sa isang mall at agad akong bumaba kahit pa nag paparking palang siya. Nag tago ako sa isa sa mga sasakyan doon at nag manman kung may sumunod ba sa amin. At tama nga ako dahil meron talaga. Pumasok na si faye sa mall at naiwan ako sa katabing sasakyan kung saan nakapark si faye. Agad na lumabas ng sasakyan ang dalawang lalaki at dali daling sinundan si faye dahil sumakay na ito sa lift. Nang mawala sila sa paningin ko ay nakayuko pa din akong nag lakad hanggang sa makaalis ako doon. Sinisiguro kong walang makakita sa akin.
Nang makalabas sa mall ay agad akong pumara ng taxi at sinabi ang address ng condo nila angel. Natawagan na kasi namin sila kanina at pumayag naman sila ni kat na sila ang mag aayos sa amin ni faye sa disguise na gagamitin namin.

BINABASA MO ANG
If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)
RomanceStory of fiona and don (Clash of clan love story and when she met the mafia boss,cast) *Clash of clans love story* Fiona and don are together. Don is Sir's cousin *When she met the mafia boss* Fiona and don seperates. Don got married. This will gonn...