Chapter 54

2K 53 10
                                    

No need to say thank you. I should be the one to say it. THANK YOU,BESHIE!! My God! Di ako makaget over!!

Napangiti ako sa text ni melowin. Nauna akong hinatid ni ello at dahil mas malayo ang bahay ni melowin ay siya ang huli. Actually, ako ang namilit na ako na ang mauna. Hindi na rin tinanggihan ni ello ang suggestion ko dahil mukhang may tampo na siya sa akin.

Balak ko naman talaga ikwento sakanya ang pagbabago ko ng trabaho. Pero dahil madaldal nga si melowin. Mas nauna niya pang nasabi kay ello. Kaya gulat na gulat si ello kanina. Pero hindi niya pinahalata kay melowin na wala na siya sa mood. But I knew him to well. Alam kong hindi niya gusto sa bago kong trabaho. Dahil mas mapapalapit ako kay don.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising at gumayak para makapasok sa bago kong trabaho. Paalis na ako ng condo ng mag ring ang phone ko. Napapikit ako ng makitang si ello ang tumatawag. Sinubukan ko siyang tawagan kagabi bago matulog para makapagpaliwanag pero ilang beses niyang hindi sinagot ang tawag ko.

"Ello, good morning.." Bungad ko sakanya. Sinubukan kong maging masigla. Narinig ko ang buntong hininga niya.

"Sorry kahapon.." Tipid niyang sabi at nahihimigan kong nagtatampo siya. Bumuntong hininga din ako.

"Ako dapat ang mag sorry. Hindi ko agad nasabi sayo. Pero promise, balak ko talagang sabihin yun sayo kahapon kaya kita niyaya." Malumanay kong paliwanag.

"It's okay. Wala naman na akong magagawa diba?" Napasimangot ako sa tono ng boses niya.

"Ello, I need to do this. Si lolo uno ang nakiusap sa akin. Hindi ako maka-hindi sakanya. Malaki ang naitulong niya sa amin ng mga kapatid ko. Ito ang unang beses na humingi siya sa akin ng pabor. Wag ka na magtampo. Please?" Narinig ko na naman ang buntong hininga niya.

"Promise me then that you'll watch my concert nextweek." Napangiti ako ng marinig ko ang sinabi niya.

"Yun lang pala eh. Sure. I'll be there." Kailanman kasi at hindi pa ako nag punta sa concert ni ello. Ang dami nang concert na ginawa niya pero ni isa doon ay hindi ko pinuntahan. Kahit pa vvip ang ticket at may free pass kami ng mga kapatid ko sa dressing room niya. At kahit pa lagi niyang sinasabi na sagot niya lahat ng gastos namin. Lagi akong humihindi.

Ang rason? Madami! Una, ayokong bigyan ng malaking senyales si ello. I mean, pag pupunta ako. Alam kong iisipin niyang mas malaki na ang chance niya sa akin. Hindi ko talaga alam sa sarili ko kung bakit hindi ko siya mabigyan ng chance. Siguro dahil ang puso ko ay na kay don parin? At ang chance na gusto ni ello ang hindi ko gustong makamit kundi ang chance na maging kami ulit ni don. Ganun nga siguro. Pangalawa, noong mga panahong nasa palawan kami. Nasa moving on process ako. Oo, ilang ulit kong sinubukan mag move on. Pero isang kita ko lang ulit kay don. Wala na. Mahal ko pa rin eh. Pangatlo, hindi pa ko handang mag explore. I mean, gusto ko noong panahon na iyon nasa palawan lang ako. Pang apat, hindi ko maiwan ang trabaho ko noon. Kahit pa yun ang dinadahilan ko kay ello kadalasan at sinasabi niyang babayaran niya nalang ang araw ko makanood lang ng concert niya ay mas lalong di ako pumayag. Pera na naman. Ayokong mag isip na naman ang mga tao na kaya ako malapit sakanya ay dahil sa pera. At ang pang lima, naiinggit ako. Oo! Naiinggit ako kay ello. Hindi ko lang masabi sakanya. Bakit? Kasi sikat na sikat na siya. Pag isa kang musikera or singer. Syempre hindi mawawala na mangarap kang sumikat din. Kaya naiinggit ako kay ello. Kasi may lakas siya ng loob makipag sapalaran sa industriya ng musika at hindi siya nabigo. Ako kasi, walang lakas ng loob. Alam kong may talent ako sa pagkanta. Malakas ang kumpyansa ko sa sarili ko. Pero takot ako, takot ako sa mga sasabihin ng mga tao. Simula ng iwan kami ng mga magulang ko, kinukutsa na kami ng mga kapatid ko. Noong naging kami ni don ganoon rin. Nung nag bagong buhay kami sa palawan. Doon lang nawala ang mga pang kukutsa. Kaya naman umayos ayos ang takbo ng buhay ko simula noon.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon