Chapter 49

2.1K 47 6
                                    

Halos magpigil hininga ako habang hinihintay ang sagot niya. Kinuha niya ang folder at binasa. Napakunot ang noo niya at hindi ko alam kung bakit biglang galit agad ang ekspresyon ng mukha niya.

"I don't like your idea listing manila as a tourist spot. Tanggalin mo yun."

"Pero, sir-"

"Yes, fiona?" Ngumuso ako dahil si sir ang sumabat.

"Not you, ashton. I mean, Mr. Samaniego.." Don cleared his throat loudly at umayos ng upo.

"Mr. Samaniego, the place outside the city would be an amazing spot. The safe haven, if you know what I mean." Pakiusap ko sakanya. He shook his head habang niluluwagan ang necktie niya.

"I will approved to everything in this folder. But not that place, Ms. Bermudez." Bakit don? Bakit ayaw mong gawing tourist spot ang safe haven natin noon? Dahil importante pa rin ba ito sayo? O wala ka ng pakialam kaya ayaw mo ng pakialaman pa ang lugar na yun.

That place is important to me. Karamay ko ang lugar na yun sa lahat ng bagay. In happiness, sadness lahat ng pangyayari sa buhay ko alam ng lugar na yun. Lahat ng luha ko nakita ng lugar na yun. Nasaksihan niya lahat ng sakit na pinag daanan ko. And I want to treasure that place forever.

"Is that the place at the mountain, dude?" Gael asked. Don nod his head. Alam ng mga kaibigan namin ang lugar na yun. They knew that it's mine and don's spot.

"Oh! Well, I heard someone bought that already." Parang gumuho ang mundo ko sa sinabi ni stuart. What the hell?

"Anyway, I want everything detailed on my desk tomorrow morning. I will review it again and I will tell you my answer. You can now all go."

Lahat ay nag tayuan na sa kinauupuan nila. Lumabas na din halos lahat. Nag ayos ng gamit sila gina at diane. Samantalang hinarap ako ni melowin at ric.

"Okay ka lang ba, fiona?" Napakurap ako dahil sa pagkatulala. Dahan dahan akong tumango at sumunod na sakanila paalis. Sa peripheral vision ko ay nag uusap sila don, stuart, gael, sir, hade at clark. Kasama nila ang girlfriend ni don na kumapit sa braso niya. Nakayuko nalang akong nag lakad palabas. Umaasa na tatawagin nila ako para kamustahin pero hindi nangyari yun. Hanggang sa nakarating kami sa office at nag simula ng magkwento ang mga kasama ko.

May mga ilang nag congratulate sa amin, may mga nag compliment sa akin dahil kwinento nila ang pag lalampaso ko DAW kay sir greg. Which is ang kontrabido daw ng team namin. Lagi daw kasi inaagaw ni greg ang mga projects na dapat ay sa team namin mapupunta.

Pakiramdam ko lahat ng lakas ko ay nawala kanina sa conference room. Dinukdok ko ang ulo ko sa kamay kong nakapatong sa lamesa. Pinikit ko ang mata ko at napag pasyahang umidlip muna. Ilang araw akong napuyat dahil sa pag gawa ng presentation na yan. Ako kasi ang gumawa ng designs and powerpoint.

Hindi ako makatulog dahil sa ingay ng opisina. Pero mamaya maya biglang tumahimik sa loob. Napakunot ang noo at sumilip sakanila. Ang ingay ingay lang nila kanina tapos ngayon nakatunganga nalang sila sa isang direksyon. Nilingon ko ang tinitignan nila at nakita doon sila gael at stuart. Tumitingin sila sa paligid at parang may hinahanap. Ako ba hinahanap nila? Umiling ako. Yan ka na naman fiona. Umaasa ka na naman. Kanina nga hindi ka man lang tinawag nung paalis ka na. Hahanapin ka pa kaya? Tss.

"What are you still doing there?" Nabosesan ko si sir. Nangalumbaba nalang ako sa lamesa at tinitigan nalang ang picture namin ni don sa wallpaper ng laptop ko.

"Hindi namin siya makita. Sigurado ka bang dito siya?" Si gael. Sino ba ang hinahanap nila?

"Don said she's here. Pwede magtanong dude." It's sir again.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon