Chapter 19

1.6K 30 2
                                    

Nagising ako kinahapunan. Bumangon na ako at kumuha ng damit sa dati kong cabinet. Napahinga ako ng maluwag ng makitang andoon pa naman ang mga dati kong gamit.

Pumunta ako sa labas ng kwarto at pumasok sa banyo. May banyo sa taas ng bahay. Pinag gitnaan ng kwarto namin ni dansen. Noon kasi, kami ni sarah ang mag kasama sa kwarto. Pero dahil tatlo ang kwarto sa apartment namin ay tag isa kami ng kwarto doon.

Pag katapos ko maligo ay bumaba na ako para hanapin ang mga kapatid ko. Wala kasi si dansen sa kwarto niya.

Nakita ko silang nag tatawanan sa likod ng bahay namin. May kubo kasi doon. Napansin ako ni dansen kaya tinawag niya ako.

"Ineng, mag meryenda ka muna." Tinignan ko ang toron at juice sa may lamesa bago tumingin sakanila.

"Sus! Si ate, nahihiya pa. Kumuha ka na ate. Hindi ka pa nag umagahan at tanghalian." Si sarah.

Hindi ko siya pinansin at umupo nalang sa tabi nila ni dansen. Kaharap ko ang babaeng buntis, ang mag asawang matanda, yung dalaga at yung isang bata.

"Oo nga pala. Ito nga pala ang inang feli at tatang simon ko. Tapos ito si pia, kapatid ko. Tapos ito naman si philip, anak ko. Ako nga pala si dina."

Tumango lang ako sakanila. Nag dadalawang isip kung mag papakilala ba o ano. Pero nangibabaw pa din sa akin ang respeto ko sa mas nakakatanda kesa sa inis ko.

"I'm fiona. Nice to meet you po. Gusto ko sanang pag usapan yung pag stay niyo dito sa bahay namin."

"Ate.." Tumingin ako kay dansen at umiling siya sa akin.

"Ah.. Pwede bang kahit isang linggo nalang? Mag hahanap ako ng malilipatan namin bukas. Baka kasi abutin ako ng isang linggo sa pag hahanap eh. Kung okay lang sana?"

I sighed heavily. I somewhat, felt what they feel right now. Yung feeling na hindi ka belong dito. Yung feeling na hindi ka kailangan, hindi ka pwede at yung feeling na pinapaalis ka na.

Hindi naman ako bastos na tao. Laki ako sa hirap kaya alam ko ang pakiramdam ng mag hihirap. Nung nasa manila kami ng mga kapatid ko. Nasubukan naming matulog sa isang parke dahil pinalayas kami sa tinitirhan namin. Yun ay yung bago kami lumipat sa apartment na tinitirhan namin ngayon.

"No! Ahh.. Ano po.." Pumikit ako at nag isip. Ayoko namang paalisin sila.

Siguro naman hindi masamang mag stay nalang sila dito lalo na at nag babayad naman pala sila ng upa. Atleast nalilinis ang bahay namin kesa naman maanay na lang.

"Wag na po kayo maghanap. Dito nalang po kayo hanggang kelan niyo po gusto. Pero sa isa pong kondisyon."

Nakita kong nag liwanag ang mukha nila ng marinig ang sinabi ko.

"Ano yun, ineng?" Nakangiting tanong ng buntis.

"Sa amin niyo po ibibigay ang upa ng bahay. Pag nasa manila na po kami. Kung pupwede po sana ay ipadala niyo po sa amin. Kailangan din kasi namin ng mga kapatid ko ang pera. Nangungupahan lang din po kasi kami sa maynila. Para hindi ko na po prinoproblema ang pang bayad na upa buwan-buwan."

Ngumiti si dansen at sarah sa akin. Tumango tango naman ang mag asawang matanda.

"Naku! Oo naman, ineng. Ibigay mo nalang sa akin ang account number mo at ilalagay ko doon ang bayad buwan-buwan. Pero wag ka sana magagalit kung mahuhuli ng ilang araw ha. Kasi yung asawa ko, ofw sa kuwait. Minsan kasi di siya nakakapag paalam sa boss niya para mag padala ng pera."

"Okay lang po. Tsaka, tawagin niyo nalang po akong fiona." Nakangiti kong sabi.

Kumuha na ako ng toron at nag umpisang sumali sakanila makipag kwentuhan. Mukhang mababait naman sila kaya madaling gumaan ang pakiramdam ko.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon