Chapter 6

1.9K 32 0
                                    

"Congrats Fi. Dean's lister ka ulit." Yun ang bungad sa akin ng mga classmate ko pag pasok ko kaninang umaga sa klase.

Halos mapatalon ako sa tuwa ng marinig ko iyon. Kahit na hindi maganda ang bungad sa akin ng umaga dahil nagalit sa akin yung landlord sa inuupahan naming apartment. Dalawang buwan na kasi akong di nakakabayad ng upa. Kinailangan ko kasing unahin ang gastos para kay dansen. Gragraduate na siya ng high school. Kailangan kasi na umattend ang lahat ng graduating students sa retreat nila kaya naman, Yung itinatabi ko na pambayad ng upa ay nagastos ko para kay dansen. Nung last month naman ay kinailangan ko ipa-check up si sarah at dumadalas ang pag kahilo niya. Napag alaman na lumalabo na pala ang mata ng kapatid ko kaya naman nung birthday niya ay mamahalin na eyeglasses ang ibinigay sakanya ni don. Mabuti nalang yun ang niregalo niya. Isa pa kasi yun sa prinoproblema ko ng ilang buwan. Hindi ko lang sinasabi kay don. Pero mukhang si dansen na naman ang nag sabi.

So balik tayo sa sinasabi ko kanina. Kahit na badtrip akong pumasok. Nawala ang lahat ng yun ng malaman kong dean's lister ulit ako. 2nd year college na ako. At dalawang beses na akong dean's lister.

Malaking tulong sa akin ang maging DL dahil free tuition fee ka pag DL ka. May allowance ka pang matatanggap per month. Kaya wala akong problema sa baon at tuition fee ko. Ang problema ko lang sa school ay kung may projects, reports at activities. Hindi din maiwasan ang mga ibang bayarin dito sa school lalo na pag may mga events. Pero okay lang. Atleast libre ang tuition fee ko nextyear at may allowance pa.

Student assistant din ako dito sa department namin. Masasabi kong malaking bagay din ang maging SA. Una, dahil nakakasundo mo ang mga prof. Pangalawa, nasasabihan nila ako kung may pa-surprise quiz ang ibang profs, nabibigyan din ng pointers to review. Pangatlo, libre snacks sakanila. Dalawang beses na snacks ang binibigay nila sa akin. Pang umaga at pang hapon. Napalapit na din ako sa mga prof na lagi kong nakakasama sa faculty office. Lagi na nga nila ako nirereserbahan ng snacks eh. Alam din kasi nila na bread winner ako. And again, hindi nila alam kung bakit wala na kaming magulang.

Ang nakakaalam lang ay si don at hade. Sila lang ang sinabihan ko at wala ng iba. Hindi ko na inopen up sa mga kaibigan ko. Ang alam lang nila ay nag hiwalay na ang magulang namin at bigla nalang iniwan yung dalawa kong kapatid sa probinsya.

"Huy!"

"Ay palaka ka!" Gulat kong sabi ng may biglang may sumundot sa tagiliran ko.

"Hindi ako palaka. Excuse me, ate fi! Ang ganda ko para maging frog. Hmp!" Natawa ako sa reaksyon ni monette dahil halatang nag tampo siya sa sinabi ko.

"Expression lang yun no." Natatawa kong sabi.

"Sabihin mo munang ang ganda ko para bati na tayo." Napailing ako habang nakangiti sa sinabi niya.

"Di mo na kailangan sabihin sa akin yan para sabihan ka ng maganda. You're beautiful monette, inside and out." Napa-aww siya sa sinabi ko and after that she cling her arms to me at sabay na namin tinahak ang cafeteria.

Si monette ang pinakamadaldal sa grupo namin. She's a spoiled brat, yes, pero may limit din naman. Kung kayang ibigay ng magulang niya ang lahat ng gusto niya. Si don naman ay lagi siyang pinagsasabihan. Halos kasi every week nag sho-shopping si monette ng mga damit, bags, shoes and accessories niya. At hindi biro ang mga presyo ng mga pinamimili ni monette. Kaya hindi ko masisi si don kung papangaralan niya si monette.

Dalawa lang silang mag kapatid. And monette is the youngest. Sobrang bait nga nilang mag kapatid eh. Napaka-down to earth. Kahit na mayaman sila. Hindi sila yung tipo ng mayayaman na hindi kayang makipag friends sa mga katulad kong commoner. Hindi sila hirap makipag kaibigan sa iba dahil likas na silang friendly.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon