Don took care of me for the past 5days. Hindi maganda ang pakiramdam ko at talagang ilang gabi na akong hindi pumasok sa trabaho. I feel dizzy and lazy all the time!
Magaling mag alaga si don kaya naman naging okay na ako ng ilang araw. Sabagay, nakikita ko lang kasi siya at nakakasama ay gumagaan ang pakiramdam ko.
Nakwento ko na din sakanya ang nangyari nung kasal. Galit na galit siya kay lester. Parang mas gusto nga ata niyang may sakit nalang ako para di pumasok pero hindi naman pwede yun. Kaya nung nakaraang gabi ay sinamahan niya ako sa trabaho. Sobrang bantay sarado siya sa akin. May lalaki lang na lumapit ay bigla nalang siyang susulpot. Ang ending, napaaway siya sa labas ng resto bar kagabi.
May pasa siya sa pisngi na ipinag sawalang bahala niya. At dahil nga hindi pa din talaga okay pakiramdam ko kagabi ay hindi ko siya natulungan makipag laban. Nalaman ko kay monette na galit na galit ang parent nila sa nangyari and I know it's my fault.
Ngayong gabi naman ay tinititigan ko lang ang sarili ko sa salamin. Parang may nag iba sa akin. Hindi ko maipaliwanag pero para akong blooming. Or dala lang to ng make up at ng dress na pinadala ni don para sa akin.
Isa siyang long gown na may slit sa hita. Black ang kulay ng gown and deep curve line and sa bandang harapan. Makintab ang long gown na suot ko at may mga sequins sa bandang slit ng gown. May kaparehong black na stiletto ang suot ko kaya naman hindi na ako nahirapan pa. All thanks to don.
"Ate, andyan na ang sundo mo." Sigaw ni sarah sa baba kaya naman nag madali kong kinuha ang purse ko at binigyan ng huling sulyap ang sarili ko sa salamin.
Nakita kong napanganga si dansen at sarah ng makita ako. Ngumiti ako sakanila.
"Wow ate! Para kang anak mayaman." Natawa ako sa sinabi ni dansen.
"Mukha kang artista ate. Papicture naman." Sabi sarah at nag selfie kaming dalawa.
"Bakit kayo lang? Dapat ako din." Singit ni dansen sa amin.
Inayos ko ang buhok niya para mas lalong makita kung gaano siya kagwapo. Hindi ko na inayos ang buhok ni sarah dahil noon pa man vain na ang kapatid kong yan.
"Sino kukuha ng picture natin?" Tanong ni sarah dahil medyo nahihirapan siyang makuha ang magandang anggulo namin.
"Ay teka.." Lumabas si dansen at maya maya pumasok siya kasunod ni manong alan. Ang driver ni don.
"Manong.." Pagbati ko sakanya. Pag lumalabas kami ni don alam kong nakasunod lang siya lagi kasama ang iba pang body guards ni don.
"Ang ganda mo po ma'am fiona." Puri niya sa akin.
"Salamat po." Nahihiya kong sabi.
Inabot ni sarah ang phone ko sakanya kaya nag simula na kaming mag pose ng mga kapatid ko. Nakailang shot din kami at natatawa sa sarili namin dahil sa mga kabaliwang pose nung huli.
"I-lock niyo ang pinto ha? Wag na mag puyat. Hindi ako dito matutulog kaya wag niyo na akong hintayin." Bilin ko sa mga kapatid ko.
"Huwag kang mag alala, ate. Akong bahala sa bahay at kay sarah." Sabi ni dansen at inakbayan ang bunso namin.
Pareho ko silang hinalikan sa pisngi at niyakap. Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda sa akin mamaya. Siguro dahil ito sa makakasama ko ang mga pineda. At andoon ang mommy ni don. Kinakabahan lang ako masyado! Kaya kailangan ko ng yakap ng mga kapatid ko.
"Enjoy ka lang ate ha? Ingat ka!" Nag wave ng hand ang dalawa kong kapatid sa akin bago ako sumakay sa sasakyan. Hindi ito ang kadalasang ginagamit ni don. Pero ilang beses na din akong sumakay dito.

BINABASA MO ANG
If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)
RomanceStory of fiona and don (Clash of clan love story and when she met the mafia boss,cast) *Clash of clans love story* Fiona and don are together. Don is Sir's cousin *When she met the mafia boss* Fiona and don seperates. Don got married. This will gonn...