Chapter 36

2.1K 50 1
                                    

Tinignan ko ang wristwatch ko at kalahating minuto na kaming nag lalakad at wala paring nahahanap. Ilang beses na din akong bumuntong hininga dahil sa inis. Buti nalang at hindi gaano kainit ang panahon ngayon. Kundi baka himatayin na ako dito. Nakakapanghina pa lalo dahil sa lalaking sumusunod sa akin at ngingiti ngiti pag nililingon ko.

Why is he even smiling? Bigla ko tuloy naisip. Is he checking me out? Nakatingin ba siya sa butt ko? Oh my god! Nakasuot pa naman ako ng black leggings and a cropped top. Hindi ko tuloy matatakpan ang butt ko. Huhuhu.

Agad akong lumingon sakanya at tama nga ang hinala ko. Nakatingin siya sa butt ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero lalo lang siyang ngumiti. Lumapit ako sakanya.

"Ikaw maunang maglakad." Talagang sinadya kong iparinig sakanya ang pagkainis ko.

Nawala ang ngiti niya pero nauna na din naman nag lakad. Ako naman ngayon ang sinusundan niya. And shit! Hindi ko siya masisisi kung nakatingin siya sa butt ko kanina. Dahil ako naman ngayon ang napapatingin sa butt niya.

Hindi siya nakasuot ng fitted. Board shorts lang pero basta. Hindi ko alam kung bakit doon ako napapatingin. Kaasar!

Nag iwas nalang ako ng tingin at tumingin sa paligid. Wala ng matataas na damo dito pero may mga nakikita pa din kaming puno ng buko sa malayo. Hindi ko tuloy maiwasan mainis kay clark. Bakit niya ba kami pinapahirapan ng ganito? Kainis yun!

Sa sobrang layo na siguro ng nilakad namin. Nakaramdam na ako ng pagod.

"S-sandali lang. Pagod na ko." Sabi ko kay don.

Pero hindi siya tumigil. Napasimangot tuloy ako. Ganyan ba ang may care pa din? Ganyan ba ang I never stop loving you niya? Tss. Ni hindi man lang ako hintayin. Napayuko nalang ako at minasahe ang paa ko. Masakit na talaga.

Nagulat ako ng biglang may kamay na humawak sa paa ko. Napatingin ako sakanya na nakaluhod na ngayon sa harapan ko. He massage my foot! At ramdam na ramdam ko ang kuryente. Binawi ko ang paa ko at agad na tumayo. Bakit ba kahit hawakan lang ako ng lalaking ito eh nag wawala na ang puso ko at ang mga alaga ko sa loob ng tiyan? Ugh!

Mahal mo eh

Sabi ng utak ko. Kainis! Napapikit ako at umiling. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Pag dilat ko ng mata ay nakatingin siya sa akin. Dahan dahan siyang lumapit kaya napaatras ako agad. May tinitignan siya sa likuran ko pero palapit siya ng palapit sa akin. Napalunok ako ng kalahating metro nalang ang layo niya.

Dahil sa pag atras ko. Napasandal na ako sa isang puno. Hindi ko maialis ang tingin ko sakanya. Napakunot ang noo niya ng tumingin sa akin. Tapos may titignan ulit sa likuran ko. Tumingin ulit siya sa akin ng nakangiti na. That freakin smile! Oh my god!

Hindi pa man niya ako nahahawakan. Pero nagwawala na ang kalooban ko! Dahil lang sa tingin at pag ngiti niya. Sheez! What to do? He is a temptation!

Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang hininga niya sa mukha ko. Ang lapit lapit na niya sa akin. Ramdam ko ang bawat pag hinga niya. Narinig ko siyang suminghap. Shit! Hahalikan ba niya ako? Oh my god! Part of me was shouting no! Pero mas malakas ang nagsasabi ng go!

"Gotcha!" Pabulong niyang sabi at naramdaman ko nalang na hindi na siya nakadikit sa akin.

Pag mulat ko ng mata ko. Ay may papel na siyang hawak. Napakunot ang noo ko at tinignan ang nasa likuran ko. May dikit dikit na tatlong coconut tree sa likuran ko. Nakita ko pa ang thumbtacks na nakatusok sa puno. Tumingin ako kay don at inabot niya sa akin ang papel.

"We got the kitchenwares." Sabi niya at lumapit sa puno.

Tinignan ko ang note at nakita kong may arrow and instruction na nakalagay. Napatingin ako kay don na hinanap sa matataas na halaman na pinapalibutan ng puno ng buko ang mga kitchenwares hanggang sa marinig ko ang mga iilang tunog ng mga metals. Nakabalot siya sa puting tela. Malaki siya kaya halatang madaming kitchenwares ang nakalagay doon. Nilapag niya ang nakabalot na puting tela sa harap ko at may kinuha uling box sa ilalim ng puno na natatakpan ng matataas na halaman. Dahil sa pagyuko niya nakita ko bumaba ng bahagya ang suot niyang short kaya nakita ko ang boxer na gamit niya. Napangiti ako ng maalala ang boxer na yun. Hindi pa din niya binabago ang hilig niya sa boxer. Batman pa din ang mga boxers niya.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon