Chapter 4

2.4K 47 0
                                    

"Can't you just quit your job?"

"Babe, I can lend you money kung ayaw mong tanggapin ang binibigay ko. Kahit pag ka graduate mo nalang bayaran. Okay lang."

"Babe naman. I don't want you to work. Tapos madaling araw ka na nakakauwi."

"Babe please. Atleast accept my offer. Kahit tong condo nalang natin. Dito na kayo tumira para wala na kayong problema sa babayarin niyo every month."

"Or I will be the one to pay for your rent every month? Huh? Para bawas gastusin."

Nakangiti akong umiling kay don. Bumangon ako at nag palit ng damit. We just finished making love. Katatapos ng class ko at nag punta kami dito sa condo namin. I mean, sa condo niya kung saan ang dating place naming dalawa.

"Babe naman. Please let me help you." Bumangon na din siya at nag palit ng damit niya.

I bit my lip habang pinapanood ko siyang mag suot ng pants. Don have a drooling body. Six pack abs and his masculine chest. Hindi lang mukha niya ang gwapo. Every part of his body ay good looking.

"I can't quit. Tatlong linggo palang ako dun. Tsaka ito lang ang trabahong fit sa schedule ko. Nakakapag aral ako sa umaga." Lumabas ako ng kwarto at nag punta ng kusina.

"You don't have time for me, anymore." Nakabusangot siyang sumunod sa akin. I can't help but smile at his childish side.

"Babe, I will always make time for you. Tignan mo nga, after class sumama ako sayo dito. Instead of going home para ipagluto ang mga kapatid ko." Pangongonsensya ko sakanya.

"Then you can tell dansen and Sarah to move here with you. Para magkasama tayo after your work. So we can have more time together."

Ito ang isa sa mga nagugustuhan ko kay don. Yung pinipilit niya akong mag karoon pa kami ng mas maraming oras sa isa't isa. By doing that, lalo kong nararamdaman na mahal niya ako kasi gusto niyang mag spend ng madami pang oras with me.

"We already talked about it a thousand times. Alam mo na ang rason kung bakit hindi ako papayag sa gusto mo." I sighed heavily at lumapit sakanya. Sobrang haba na ng nguso niya sa pag simangot. Cute.

"Then can I atleast drive you to work? Wait for you there and drive you home? So I will sleep in peace because I know that my love is safe at home." He gave me a smack kiss na ikinangiti ko.

"Hmm. Not everyday. Baka mapuyat ka. May pasok pa kinaumagahan."

"It's okay. I don't mind. Basta alam kong safe ka."

Humiwalay na ako sa yakap niya at nag umpisang mag luto. Masyado akong kinikilig sa mga pinag sasabi ni don.

At dahil ayokong ma-late sa trabaho. Carbonara nalang ang niluto ko.

Mahilig kasi si don sa pasta. Actually lahat ng mga Pineda. Half Italian ba naman sila. Yun nga lang hindi marunong mag luto si Don. Pero natuturuan ko naman siya. Konting practice pa.

"Hey Dan, yeah. I'm with your ate. Kumain na kayo ni Sarah? Really? That's good then. Make sure you locked all the doors okay? Yes. Ihahatid ko ulit siya mamaya. Sus. Ayaw ng ate mong matulog kasama ako. Hahaha."

Umalis si don at nagpunta sa sala. Kausap niya si dansen sa phone. Isa pa yan sa nagustuhan ko kay don. Hindi niya nakakalimutang kamustahin ang dalawa kong kapatid.

Nag tataka siguro kayo kung bakit may phone si dansen eh naghihirap na nga kami. Regalo ni don yan sakanila last Christmas.

Ilang beses naming pinag debatehan yun ng ibinigay niya sakanila. Pero ako din ang natalo. Tama naman si don. Kailangan nila ng phone para matawagan ko sila anytime.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon