Chapter 69

2.7K 63 17
                                    

Katulad noong kay papa, kabado na naman kaming tatlo habang nag hihintay sa isa sa hotel ng mga pineda. Ito rin ang hotel suite kung saan kami nag usap usap nila papa. Hindi ko alam kung anong ginawa o sinabi ni don at pumayag si mama na makausap kami. Para kasing kailan lang noong hindi sinasadyang nag tagpo kami sa isang mall at nakiusap ako sakanya pero hindi niya ako pinag bigyan.

Mamaya maya ay bumukas na ang pinto ng kwarto at inabangan namin ang pag pasok ni mama.

Nahihiya siyang ngumiti at kumikislap ang mata dahil sa mga namumuong luha. Nagulat si dansen ng bigla siyang yakapin ni mama. Hindi pa man naitutulak ni dansen palayo si mama pero humiwalay na ito at niyakap naman si sarah na bigla nang umiyak at yumakap pabalik kay mama. Saka siya tumingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin. Naramdaman kong lumapit siya at dahan dahan yumakap pero hindi ko siya niyakap pabalik.

"Hindi kami mag tatagal. May mga gusto lang kaming tanungin sayo. Huwag kang mag alala. Hindi kami mag mamakaawa na bumalik sa amin. Gusto lang naming malaman ang dahilan ng pag alis mo."

Malamig at seryosong sabi ni dansen. Dahilan para mapahiwalay sa akin ng yakap si mama at napapahiyang tumango. Umupo siya sa sofang kaharap namin. Tulad ng kay papa, siya ang nakaupo sa inuupuan ni papa dati, kami ni sarah ay mag katabi pa rin at si dansen naman ay nakaupo na sa arm rest ng couch sa tabi ko.

"Hindi daw pumayag ang asawa mong makipag kita ka sa amin. Pero dahil sinabi ni kuya don na ipu-pull out niya ang na-invest niyang pera sa kumpanya ng asawa mo ay pumayag na rin siya pero nag bigay ng palugit. Isang oras lang daw para makapag usap usap tayo. Huwag kang mag alala hindi to aabot ng isang oras. Lalo na kung uumpisahan mo na."

Hindi ko pinigilan ang tabas ng dila ni dansen. Hinayaan ko siyang mag salita dahil wala din akong masabi. Nasabi ko na halos lahat sakanya noong nag kita kami sa mall. At natatakot akong pag binuka ko ang bibig ko ay maulit muli yun. Nagulat din ako sa sinabi ni dansen. Sila lang kasi ni don ang nag uusap at hindi pa kami nag uusap. Kailangan ko munang makapag isip.

"Gusto kong mag sorry. Sorry mga anak kasi iniwan ko kayo. Sorry kung naging irresponsable akong ina at walang kwen-"

"Walang kwenta. Oo, alam na namin yan! Sabihin mo nalang ang dahilan kung bakit ka umalis!"

Natigilan saglit si mama at tinitigan ng kakaiba si dansen. Punong puno ng lungkot ang mata niya habang nakatingin sa kapatid ko. Huminga siya ng malalim at tumango.

"Galit na rin naman kayo sa akin. Kaya dapat hindi na ako matakot na magalit pa kayo lalo sa totoong dahilan kung bakit ako umalis. Umalis ako dahil makasarili akong tao. Umalis ako dahil mas pinili ko ang sumaya. Umalis ako dahil wala akong kwentang ina. Umalis ako dahil sa pag mamahal. Pag mamahal na matagal kong pilit ibinabaon. Nag mahal ako ng isang lalaki noong high school ako. Mahal na mahal ko siya pero hindi niya ako mahal dahil mahirap ako at siya mayaman. Pero hindi ako sumuko. Ginawa ko ang lahat mapalapit sakanya. Lahat lahat. Pero wala pa ring nangyari. Noong kolehiyo na kami. Nag kita kaming muli. Siya na ang lumapit noon at naghabol. At dahil mahal ko siya ay naging kami. Masaya kami noon. Sobra! Ramdam ko ang pag mamahal niya. Pero ayaw sa akin ng magulang. Hindi yun naging hadlang sa amin. Mahal niya ako at pinag laban niya ako. Pero bigla nalang nagbago. Hindi pa man kami tapos sa kolehiyo ay nag pakasal na siya sa iba. At doon gumuho ang mundo ko. Napabayaan ko ang sarili ko at ang pag aaral ko. Itinakwil ako ng magulang ko."

Nakatingin at nakikinig lang kami sakanya. May tumutulong luha habang nag kwekwento siya sa amin. Ngingiti din paminsan minsan. Nanatili kaming seryosong mag kakapatid.

"Miserable ang buhay ko noon at nakilala ko ang papa niyo. Tinulungan niya akong bumangon muli. Nag tratrabaho siya noon dito sa maynila at naging mag kaibigan kami. Pero may nangyari sa amin. Nabuntis ako. Inuwi niya akong Isabela at pinakilala sa pamilya niya. Nagustuhan ko ang pamilya niya dahil mababait talaga sila. Hanggang sa naipanganak kita fiona. Sabi ko noon sa sarili ko, sayo ko nalang ibubuhos yung pag mamahal na dapat ay para kay herman, siya ang asawa ko ngayon. Naging masaya lalo ang pamilya ng dumating kayo, dansen at sarah."

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon