Fiona's pov
Hindi ako makatulog. Lumabas ako sa kubo at siniguradong wala akong magigising ni isa sakanila. Well,kahit alam kong wala naman talagang magigising dahil lahat kami ay lasing kagabi. At higit sa lahat, tulog mantika talaga sila. Ako lang ata sa barkada ang may body clock.
Napayakap ako sa katawan ko ng makalabas sa kubo. Gusto ko sanang bumalik para kumuha ng kumot pero nakita kong may apoy pa naman yung bonefire. Kaya umupo ako sa buhangin. Kaharap ang bonefire at ang madilim na dagat.
Nagkalat pa ang mga can beers at bottle of whiskey sa paligid. We all got wasted last night. Sabi kasi ni gael, wala naman ibang tao dito kundi kami lang. Why not got wasted diba? Pero na control ko pa din ang pag inom ko. Siguro kaya ginusto din nila ang idea ni gael dahil alam nila na pagkatapos ng mafia ball. Maraming mangyayari. Maraming magbabago. Maraming mawawala. At hindi namin alam kung isa kami sa mga yun.
Napangiti ako ng makita ko ang mga vomit di kalayuan sa akin. Napailing ako habang iniisip ang nangyari kagabi. Lahat kami nag enjoy. Nag kwentuhan, nag tawanan. Parang bumalik kami sa dati. Parang walang problema. Naalala ko, muntik nang mahuli si gael at monette sa hidden relationship nila. Nag lalabas na kasi ng sama ng loob si gael. He said that he wanted to tell everyone kung sino ang mahal niya. Kung anong pangalan ng mahal niya. Buti nalang at napigilan pa namin ni faye.
Naglabas din ng problema si hade about sa mysterious suman girl na tingin ko ay kinahuhumalingan niya lately. Masaya ako for him but at the same time sad. Dahil kung kailan may iba ng nagugustuhan ang bestfriend ko. Saka naman nawala yung girl.
Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig ng hangin. Kahit may apoy sa harapan ko, giniginaw pa rin ako. Naka-sando at pajama lang kasi ako.
Bigla kong naramdaman ang isang kumot sa balikat ko. Kahit hindi naman ako lumingon. Alam ko na kung sino ang nag patong. Inayos niyang maiigi ang kumot para mabalutan ako. Nang tingin niya ay hindi na ako nilalamig. Saka siya lumapit sa bonfire at nag lagay pa ng iilang mga maninipis na kahoy. Hanggang sa mas lumaki na ang apoy. At ramdam ko na ang init sa mukha ko. Umupo siya sa tabi ko. Mga tatlong dangkal ang layo.
Kanina ko pa nahahalata ang mga pasimpleng pag alaga sa akin ni don dito sa isla. Actually, nung nasa byahe palang. Inaayos niya ang ulo ko para makasandal sa balikat niya. Nilalagyan niya ng unan ang isang side ko. Halos ilang beses niyang inaayos ang pwesto ko para hindi ako mangalay. Inaantok ako nung mga oras na yun. Pero nararamdaman ko ang bawat pag ayos niya sa pwesto ko.
Tapos kaninang gabihan na kumakain kami, pinagbalat niya ako ng hipon. Pinag tinik ng isda at siya pa mismo ang naglalagay ng mga yun sa plato ko. Hindi nalang ako nagreklamo para wala ng madaming salita. Sabi nga ni monette, pag bigyan ko nalang ang kuya niya. Kaya hinayaan ko nalang. Kahit alam kong sa huli, ako lang din ang mahihirapan at masaktan.
Naalala ko kanina, nung nag iinuman. Nasa tabi ko siya. Ilang beses nag kabunggo ang mga kamay at braso namin. At halos mangisay ako sa kuryente. Parang nag balik lang nung una kong maramdaman na may gusto na ko sakanya. Nung mga panahong palihim akong kinikilig pag hinahawakan niya ako. Hanggang sa natupad na ang lagi kong iniimagine. Na maging kami.
"Can I ask you something?" Nagulat ako dahil nag salita siya. Kanina pa kasi siya tahimik. Ni hindi niya na ako kinausap pagkatapos naming naghanap ng mga gamit sa loob ng gubat kanina.
"Ano yun?" Sinadya kong wag ipahalata sakanya ang kaba ko.
Bumuntong hininga siya at alam kong tumingin siya sa akin. Nag panggap lang akong nakatingin sa madilim na tubig ng dagat. Nakakatakot. Parang anytime, may lalabas na kung ano sa tubig at sasaktan ka. Parang tong lalaking katabi ko. Nakakatakot. Natatakot ako kasi alam kong hindi ko na mapipigilan pa ang nararamdaman ko para sakanya. Alam kong kahit anong gawin at sabihin niya. Siya pa din ang mamahalin ko at kahit alam kong masasaktan lang naman ako. Para bang handa na akong sumugal. Handa na akong masaktan ulit. Dahil alam ko, ang pag mamahal ko para sakanya at kaakibat ang masaktan ako.
BINABASA MO ANG
If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)
RomantiekStory of fiona and don (Clash of clan love story and when she met the mafia boss,cast) *Clash of clans love story* Fiona and don are together. Don is Sir's cousin *When she met the mafia boss* Fiona and don seperates. Don got married. This will gonn...