"Ate!!! Dalian mo!!"
"Sandali lang kasi." Natatawa kong sabi kay sarah.
Hila-hila niya ako papunta sa kung saan. Huminto siya sa isang kubo at itinuro ang nasa loob. Andoon si dansen na nakahawak ng balloons na 2 and 5. Sa harapan niya ay pansit, shanghai at cake na nakasindi na ang kandila.
"Happy birthday, ate!!" Tumawa ako sa palpak nilang pagsabi ng sabay.
Lalo akong natawa ng mag sisihan pa sila. Suminghot ako dahil kamuntikan na akong umiyak. Pero ngayon, iyak na ng kasiyahan ang iniiyak ko. Hindi na iyak ng kalungkutan. Hindi katulad dati.
"Tama na nga yan. Kumain nalang tayo. Teka nga, sino nagluto ng mga to? At saan kayo kumuha ng pera?" Pinaningkitan ko ang dalawa kong kapatid na biglang natahimik dahil sa tanong ko.
"Niluto namin. Nag sideline kami nung bakasyon, ate. Yung sinahod namin ni kuya. Pinangbili namin ng handa mo at ng regalo namin para sayo." Masayang kwento ni sarah tapos may inabot siya sa aking mumurahing paper bag.
"Pasensya na ate. Yan lang nakayanan namin eh. Balak pa sana ni sarah mag buko salad pero di na umabot ang pera namin. May anim na daan kasi yang regalo namin sayo eh." Nagtaka ako sa sinabi ni dansen. Anim na daan? Pero nginitian ko nalang siya at binuksan ang regalo nila.
Nakita ko ang isang napakagandang sapatos. Kulay beige siya na heels. Mga 3inches ang taas. Wala siya design at alam ng mga kapatid ko na ayoko nang masyadong madaming abubot.
"Halinga kayo. Salamat sa regalo mga kapatid ko. Nagustuhan ni ate." Sabi ko sakanila at pinapak sila ng halik sa pisngi.
Tinawanan ko si dansen dahil ayaw niyang mag pahalik samantalang si sarah ay gustong gusto. Tinuturo pa ang mga part ng mukha niya na hahalikan ko. Ginulo ko ang buhok nilang dalawa at nakipag kwentuhan habang kumakain.
Nasa harap kami ng dagat. May maliit na kubo dito na pwedeng kainan at tambayan. Pinatira kami ni tita carmela sa beach resort niyang ito. At dito na din ako nag tratrabaho ng dalawang taon. Oo, dalawang taon na simula ng umalis ako ng manila ng walang paalam. Dalawang taon na din akong namumuhay ng mapayapa kasama ang mga kapatid ko.
Walang mga taong nanglalait, walang maiingay na kapitbahay, hindi binabaha ang tirahan namin, hindi na mausok ang lugar. Walang nakakakilala sa amin dito at yun ang gusto ko. Ang alam lang ng mga tao dito, tinulungan kami ni tita carmela sa maynila. Hindi nila alam na may kaugnayan ako sa mga pineda. Akalain mong hanggang dito sa palawan ay kilala sila.
Nakapag graduate na si dansen ng senior high last two months. Ilang linggo nalang at mag kokolehiyo na siya kaya naisipan kong maghanap ng ibang trabaho. Dalawang taon na din naman kasi ako nagtratrabaho dito sa beach resort kaya kailangan ko na ng mas magandang trabaho. Highschool na din si sarah kaya mas marami na ang gastusin ng mga kapatid ko sa eskwela.
Patulog na kami ng may tumawag sa telepono ko. Lumabas ako sa kwarto namin ni sarah at umupo sa harap ng bunggalo na bahay. Hindi ko kasi tinanggap na tumira sa rest house ni tita carmela. Dahil baka may mga bisita siyang darating. Nakakahiya naman.
"Hello po, tita." Speaking of. Siya ang tumatawag.
"Fiona, I have a good news." Rinig na rinig ko ang kagalakan sa boses niya. Bago pa ako mag tanong tumili na siya at nag salita.
"I'm getting married, again. With the same man, again. Can't you believe it? After how many years, pinatawad na ako ng mag ama ko. They really accepted me again into their family. I am so happy, fiona." Masaya niyang sabi at napangiti ako sa binalita niya.
"Wow, tita! Finally! Masaya po ako para sainyo. Congrats po." Sabi ko sakanya. Her happiness is also my happiness. Malaki ang utang na loob ko sakanya dahil siya ang tumutulong sa amin ng mga kapatid ko. If it's not because of her, hindi kami makakapag simula ulit ng mga kapatid ko.
BINABASA MO ANG
If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)
Storie d'amoreStory of fiona and don (Clash of clan love story and when she met the mafia boss,cast) *Clash of clans love story* Fiona and don are together. Don is Sir's cousin *When she met the mafia boss* Fiona and don seperates. Don got married. This will gonn...