Chapter 31

2.1K 45 5
                                    

Ilang beses akong nag pagulong gulong sa kama. Hinahanap ang gusto kong pwesto para lang makatulog ako pero wala. Hindi pa din ako makatulog. Padabog akong bumangon at natulala sa harapan ko. Napapikit ulit ako dahil paulit ulit pumapasok sa alaala ko ang nangyari kanina. Shit! Bakit ko hinayaan na mangyari yun? Tama kaya ang ginawa ko? Anong gagawin ko pag nakita ko siya? Paano kung ipahiya niya ako?

Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa inis. Bakit ko ba iniisip ang mga to? Tama lang naman ang ginawa ko diba? Tama lang na sabihin ko sakanya yun. Aish! Bahala na! Kailangan ko nang mag ingat simula ngayon. Hindi pwedeng may makahalata sa akin na may iba akong plano.

Kinaumagahan, maaga akong umalis ng mansyon at nag palusot na kailangan kong pumunta ng school. Ililigaw ko sana yung mga nagbabantay sa akin na inutos ni master uno pero hindi ko sila mailigaw kaya naman inasikaso ko nalang ang mga dapat kong asikasuhin sa school.

Hapon na ng may lumapit sa akin. Isang estudyante na nasa lower year. May inabot siyang papel. Tatanungin ko sana kung sino nagbigay pero agad na siyang umalis. Nakakunot noo ko tuloy binasa ang papel na binigay niya.

Go outside the campus. My man will get you. -A.D

I pursed my lip after I read it. Tinupi ko siya at nilagay sa bag ko. Nag lakad na ako palabas ng campus. Alam kong nasa paligid lang ang mga nag babantay sa akin. At alam kong nadagdagan na din nag mga ito. Dahil may mga iba akong mukha na nakita kanina. Feeling ko, si don ang nag pabantay sa akin. Tatlo lang naman ang inutusan ni master uno na magbabantay sa akin para na rin daw sa safety ko. Pero nakita kong may apat pang ibang lalaki na nakasunod at nag mamanman sa akin kaninang nasa loob palang ako ng mansion.

Hindi ko pinahalata na alam kong may nag mamanman sa akin. Mukhanh pwede na akong mabigyan ng best actress award sa galing kong um-acting. Napailing ako sa iniisip ko. Nakuha ko pa magbiro. Eh pupunta na nga ako sa bingit ng kamatayan.

Tumayo ako medyo malayo sa gate. Hindi ko alam kung paano nila ako kukunin. Alam kong delikado na mag tiwala ako sa Anthony Drazel na iyon. Pero wala akong magagawa. Hawak niya ang mga kapatid ko. Baka saktan niya ang mga ito pag hindi ko sinunod na makipagkita sakanya.

May humintong yellow hummer1 sa harapan ko at may bumabang dalawang lalaki. Hinablot ako ng isa at sinubukan kong makawala. Pero pinaamoy nila ako ng matapang na pabango gamit ang panyong hawak nila. Shit! Parang tumigil ang tibok ng puso ko bago ako nawalan ng malay.

Minulat ko ang mata ko ng may yumuyugyog sa akin. Napakurap pa ako dahil hindi ko makita ng maayos ang lalaking nasa harap ko. Bumangon ako at hinawakan ang ulo ko. Ramdam ko ang sobrang pagkahilo. Parang nanunuot parin sa ilong ko ang matapang na pabangong pinaamoy nila sa akin kanina.

"Do you want to eat, fiona?" Isang malalim at baritonong boses ang nag salita kaya napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Bumigat agad ang dibdib ko ng makita ko ang pag mumukha ng lalaking nanakit sa akin ilang linggo na ang lumipas. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan na murahin at sigawan siya. No! Kailangan kong mag panggap. Para sa dalawa kong kapatid. Para sa kaligtasan nila.

Tumayo ako at umupo sa harapan niya. Pang apatan ang square table na nasa harapan namin. Mag katapat kaming dalawa. Nagtaka ako dahil may dalawa pang pinggan sa table maliban sa pinggan namin ng demonyong to.

"Kumain ka lang. Baka hindi ka pinapakain ng mga pineda." Sabi niya at tumawa pa. I smirked at him.

Mamaya-maya ay may pumasok na babae sa kwartong ito. Hindi ko alam kung asan ako. At wala akong pakialam. Gusto ko lang makita ang kalagayan ng mga kapatid ko. Nang mag tama ang tingin namin ng babae ay huli na ang lahat para umalis siya. Namukhaan ko na siya. Parang may sumabog na apoy sa ulo ko ng makita ko ang babaeng to.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon