Napadaing ako sa sakit ng katawan at mukha ko. Sinubukan kong gumalaw pero ramdam na ramdam ko ang pananakit. Para akong binugbog ng paulit ulit.
"Putcha! Nagising na siya!" Narinig kong sabi ng isang lalaki.
"Itapon na kaya natin! Baka mamukhaan tayo eh."
"Ang kabinlin bilinan ni boss. Hintayin daw natin ang pag labas ng matandang pineda."
Hindi ko na sila narinig pa. Sinubukan kong imulat ang mga mata ko at malabo na nakikita ko. Kisame ng sasakyan ang nakikita ko. Pumikit ako at bigla kong naalala ang nangyari.
May mga lalaking pumasok sa apartment namin. May mga kumuha sa amin. Ilang beses akong sinampal ng lalaki at pinag bantaan. Naalala ko ang sinabi niya. Kailangan kong ibigay si laurice sakanya kapalit ang dalawa kong kapatid.
"Ayan na! Pasakay na sa sasakyan yung matanda!" Sabi ng isa kaya napamulat ako.
Bigla akong hinila ng isa at naramdaman kong mabilis na umandar ang sasakyan. Binuksan nila ang pinto ng isang van at agad akong itinapon sa labas. Lalo kong naramdaman ang sakit ng katawan ko dahil sa lakas ng pag kabagsak ko sa semento.
Agad din silang umalis. Inipon ko ang buong lakas ko para bumangon. May narinig akong bumusina ng malakas sa harap ko at napatingin ako doon. Bumaba ng sasakyan ang lolo ni don. Kasama niya ang daddy ni clark. Kumaripas naman ng takbo ang mga bodyguards nila palapit sa akin.
Sa likod ng sasakyan nila ay may isa pang sasakyan ang huminto. Gulat na gulat ang mukha ng magulang ni don ng makita ako. Lumapit sila sa akin. Umiiling iling pa ang mommy ni don at kitang kita ko ang awa sa mga mata niya, sa mga mata nila.
"Iha, anong nangyari sayo?" Kahit na nakayuko ako ay dinig ko ang pag aalala sa boses ng lolo nila don.
"Icheck niyo ang cctv ngayon na!" Hindi ko alam kung kaninong boses yun. Pero nang tumunghay ako ay napagtanto kong ang matandang version ni clark ang nasa harapan ko. Ang daddy niya ang nag salita kanina.
"Dad, huwag na tayo tumuloy sa pupuntahan natin. It's dangerous. They use fiona as a bait!" Yumuko ako ulit at ininda ang tagiliran ko dahil sa sakit. Alam kong ang daddy ni don ang nagsalita.
"Iha, saan ang masakit sayo?" Narinig kong tanong ng lolo ni don.
Gusto ko mang sabihin na masakit ang lahat ng katawan ko, ang utak ko, ang puso ko dahil sa nangyari. Pero hindi ako makapag salita. Hindi siya basta-bastang tao. Isa siya sa nirerespeto ng marami. Ang mga pineda ang pinaka maimpluwensyang pamilya sa bansa kaya hindi ako makatingin ng deretso sakanila.
Hindi ko alam na sa ganitong paraan pala kami mag kikita muli. Tatayo na sana ako pero napadaing ako sa sakit ng tagiliran ko. Tinulak lang ako na parang isang bagay kanina sa semento kaya hindi maganda ang pag kabagsak ko.
"Fiona, iha, don't force yourself. I'll carry you." Sabi ng dad ni clark.
Hindi na ako nakapag reklamo dahil agad na niya akong binuhat. Nakapikit lang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Call everyone at the conference room. Now!" Lalo akong napapikit ng mariin ng sumigaw ang matandang pineda. Maririnig mo sa mga boses niya ang autoridad nito.
Mamaya maya pa ay naramdaman ko ng dahan dahan akong inilapag sa isang malambot na sofa. Nakahiga ang posisyon ko pero dahan dahan din akong bumangon at inalalayan ako ng daddy ni clark.
"Fiona, you need to take a rest. Just rest a little bit." Mahinahong sabi ng dad ni clark. Hindi ko akalain na tutulungan ako ng ganito ni Mr. Clarkson Pineda II.
"N-nahihilo po ako pag nakahiga." Mahina at nahihiya kong sabi.
Naramdaman ko namang may umupo sa tabi ko. Sa peripheral vision ko ay alam kong ang mommy ni don ang nasa tabi ko.

BINABASA MO ANG
If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)
RomanceStory of fiona and don (Clash of clan love story and when she met the mafia boss,cast) *Clash of clans love story* Fiona and don are together. Don is Sir's cousin *When she met the mafia boss* Fiona and don seperates. Don got married. This will gonn...