Chapter 17

1.6K 44 14
                                    

Fiona's pov

Isang linggo din akong nag kulong sa bahay. Hindi lumalabas, walang kinakausap. Ni isa sa mga kaibigan ko ay hindi ako pinuntahan sa bahay. Siguro iniisip nilang kasalanan ko naman talaga ang lahat kung bakit umalis si don. Nang dahil sa akin, umalis ang kaibigan/pinsan nila.

Pati mga kapatid ko ay napapansin kong dumidistansya sa akin. Pinupuntahan lang nila ako ng pagkain na kung minsan ay hindi ko naman ginagalaw. Wala talaga akong gana kumain. Kahit anong gawin ko. Kahit anong isipin ko. Puro si don ang naaalala ko.

Isang linggo na ang lumipas simula nung umalis siya. Pero parang kahapon lang nangyari dahil sariwa pa sa akin lahat ng masasakit na sinabi niya. Pero bakit ganun? Kahit sobra akong nasaktan sa mga sinabi at ginawa niyang pag iwan sa akin. Hindi ko kayang magalit?

"Ate.. Andito si kuya hade.." Narinig kong sabi ni dansen.

Katulad ng dati hindi ako umimik. Nakatulala lang ako habang hawak ang luma kong gitara. Sinusubukang gumawa ng isang kanta para sakanya.

Naramdaman kong may tumayo sa likuran ko pero hindi ko siya nilingon. Wala akong panahon para makipag usap sakanya. Sobra sobra na ang sakit na nararamdaman ko at ang makita siya ay higit pa.

"Hindi mo man lang nagagalaw pagkain mo.." I heard him say.

Hindi ko alam kung kilala ko ba talaga si hade. Nasaktan ako sa ginawa niya. Hindi ko alam kung tama pa bang kaibiganin siya.

Kinuha ko ang kutsara at ginalaw ang pagkain na nasa tapat ko.

"Ayan! Ginalaw ko na!" Pamimilosopo ko sakanya.

Alam kong mapipikon siya dahil pinakaayaw niya sa lahat ay yung mga pilosopo.

"Stop it, fiona! Tama na ang pag mumokmok mo! You need to continue your life. Lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo!"

Padabog kong pinalo ang lamesa sa harap ko at hinarap siya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ko pinapahirapan ang sarili ko! Ikaw ang nag pahirap! Kayong dalawa ni lester ang may kasalanan ng lahat ng to!" Dinuro duro ko siya sa dibdib kaya napaatras siya sa ginawa ko.

"What the hell are you talking about?" Naguguluhan niyang tanong.

"Don't act innocent, hade! Ikaw nag nagsabi sa waiter na bigyan ako ng alak. Ikaw ang nagbilin na pumunta ako sa hotel suite ng gabing yun. If it's not because of you. Hindi ako pupunta doon at hindi ako makikita ni lester! Hindi sana mangyayari sa akin yun! Hindi sana aalis si don! Hindi sana to nangyayari sa akin! It's your fault!"

Ilang beses kong sinuntok ang dibdib niya. He didn't stop me. Kaya lalo akong nagalit. He didn't say anything. Bakit hindi niya ipag tanggol ang sarili niya? Bakit hindi siya mag deny?

Part of me is hoping na sana mag sinungaling siyang wala siyang alam sa nangyari. Na hindi niya alam ang pag bibigay ng alak sa akin. Na wala siyang alam at wala siyang kasalanan. I want him to tell me that it's not his fault. That he didn't do anything. Na hindi niya ako kayang traydurin at saktan. Gusto kong marinig yun galing sakanya kahit mag sinungaling nalang siya. Kasi hindi ko kayang tanggapin na ang isa sa pinaka-pinag kakatiwalaan kong lalaki ay niloko ako. Not hade! He's part of my life!

"Mag salita ka! Masaya ka na ba na nakikita akong ganito ngayon? Masaya ka na ba na umalis na si don? Ha? Mag salita ka! Sabihin mo sa akin lahat ng nasa isip mo!"

He shook his head at me. Pinigilan niya ang kamay ko bago ito bitawan at umatras.

"What made you think I can do that to you? Do you think I can really do that, fiona?"

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon