Chapter 27

2K 42 1
                                    

Medyo naging tahimik ang ilang araw ko. Pero andoon pa din ang utos utusan ako. Pero keri lang. Kaya ko to at hindi ako magpapatalo.

Ilang araw na rin nung huli kong nakita si don. Alam ko sa loob loob ko, gusto ko pa rin siyang makita. Kahit sa malayo lang. Kahit na insultuhin niya na naman ako. Hindi ko maiwasan na gustuhin siyang makita.

Alam ko naman kasing hanggang tingin nalang ako. Dahil hindi na kami kailanman babalik sa dati. Oo, masakit. Lalo na pag nakikita ko siyang kasama si andrea. Mag kahawak ang kamay at mukhang masayang nag uusap.

Nasasaktan din ako pag naririnig kong, asawa ni don, si Mrs. Samaniego, his wife. Parang sinasampal sa akin ang katotohanan na wala na akong pag asa. Na hindi na mapapasa akin si don kahit kailan.

Alam ko, isa na akong dakilang martyr. Kahit pa na sabihin ko sa iba at kay don na ayoko na siyang makita. Kahit pa ipilit sa sarili ko na ayoko na. Gusto ko nang umabante. Pero wala eh. Kusa akong umaatras. Kusa akong bumabalik. Kusang tumitibok ang puso ko para sakanya.

Kahit na ilang beses akong masaktan. Kahit na ilang beses akong umiyak. Gusto ko pa rin siyang makita. Mahal na mahal ko pa rin siya.

"Fiona, hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ni andy sa akin.

Napatunghay ako at napatigil sa pag iisip kay don. Tumayo na ako at nag ayos ng gamit. Huminga ako ng malalim habang sinusundan sila andy papalabas ng kumpanya. Pang limang araw ko na siyang hindi nakikita. Kamusta na kaya si don? Magkasama kaya sila ni andrea? Pumikit ako ng maisip na naman siya.

"Buti pa si fiona. May tagasundo araw-araw. Kung hindi pineda, isa namang buenavista. Haay!"

Napatingin ako sa tinitignan nila via. Nakasandal si ello sa hood ng kanyang sasakyan at may hawak pa siyang bouquet of red roses. Shocks! Bakit may dala siyang bulaklak? Ito ang unang beses na mag bibigay siya sa akin ng bulaklak. Pero para sa akin nga ba ang bulaklak na dala niya? Gosh! #Assumera

"Sige na. Mukhang may date pa ata kayo ni ello." Nginitian ako nila andy ng nang aasar at nag paalam na din sila.

Lumapit ako kay ello at hindi nga ako nag kakamali. Binigay niya sa akin ang mga bulaklak. Ngumiti ako sakanya at nahihiyang tinignan siya.

"Pasensya na. Hindi na ako nag text dahil gusto kitang isurprise." Nag kamot siya sa batok niya at halatang nahihiya din siya sa akin.

Tinignan ko siya ng matagal. Halatang sobrang nahihiya na siya ngayon dahil tinititigan ko lang siya. Gwapo si ello. As in, gwapo talaga! Yung kagwapuhan niya ay pinoy na pinoy. Kayumanggi ang kutis, matangos at manipis ang ilong, itim at may kakulutan na buhok, may cleft chin si ello na isa sa mga asset niya. Matangkad din siya at maganda ang pangangatawan. Star player siya ng soccer team sa school kaya di na ako nagulat na kilala siya nila via. At isa din kasi siya sa mga habulin sa school.

Magaan na ang loob ko kay ello. Napakabait niya at napaka-maalaga. Lagi lang siyang nakikinig sa mga kwento ko at kahit kailan ay hindi niya ako hinusgahan o ininsulto. Kahit pa sinubukan kong mag paka-playgirl. Wala akong narinig na hindi maganda mula sakanya. Napalapit na din siya sa akin kaya nga naramdaman kong may gusto na talaga siya sa akin. Hindi na ako nag assumed kasi ramdam at halata ko na sakanya. Isa pa, nag bibigay na din siya ng mga signs na may gusto siya.

Ngayon, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sakanya. Tulad nga ng sabi ni hade. Hindi pa ako handa na pumasok sa isang relasyon. Unfair naman kung mang gagamit ako ng iba pang rebound lang. Alam ko ang pakiramdam na masaktan kaya ayokong makapanakit pa ng ibang tao.

Kaya lang, alam ko din naman na masasaktan si ello sa pag tanggi ko. Pero mas ayos nang masaktan ko siya ng maaga kesa naman sa paasahin ko pa siya.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon