Chapter 56

2.1K 49 9
                                    

La Villa

Napangiti ako ng makababa ako at tinignan ang kabuuan ng restaurant na ito. Namiss kong mag punta dito kaya naman hindi ko maiwasang titigan habang nakatayo ako sa harapan.

Maraming alaala ang pumasok sa isip ko habang nakatitig sa restaurant. Ang daming nangyari sa lugar na to. Dahil naging saksi din ito sa amin ni don noon.

"Let's go, fiona." Napakurap akong napatingin kay don ng magsalita siya. Napansin kaya niyang natulala ako? Pumapasok din kaya sa isip niya ang mga alaala namin dito? Haayyy!

Sumunod ako sakanila ni crystal. Nakaramdam na naman ako ng selos dahil nakapulupot ang kamay ni crystal sa matipunong braso ni don. Bahagya akong napasimangot. Naiinggit ako! Nakakainis!

Bakit pa kasi sinabi kong sumama siya? Ah. Oo nga pala. Pag seselosin ko nga pala siya para umiwas iwas siya ng konti kay don. Pero badtrip, mukhang ako pa ang mas nagseselos. I sighed heavily.

"Welcome to... Don? Kayo po pala yan bossing.." Nakangiting sabi ng lalaki.

"Mike.." Tango ni don sakanya.

Naglakad ang lalaki at sinundan naman namin siya hanggang sa huminto siya sa isang table na pang apatan. Napahinto naman ako sa table kung saan kami laging umuupo ni don. Tinitigan ko iyon at hinaplos ang lamesa. Tipid akong ngumiti habang pumapasok na naman sa alaala ko ang sa aming dalawa.

*Flashback*

"Kim, wala pa talaga si don?" Tanong ko sa babaeng matagal ng waitress dito.

"Wala pa, miss fiona eh." Napanguso ako sa sinabi niya.

"Bakit kaya wala pa siya? Never naman na-late yun sa date namin." Hindi na ako nahihiya kay kim at sa mga waitress, waiters, manager at kahit pa yung may ari ng restau na to. Kaya naman nakakausap ko sila na parang kaibigan ko na rin.

Simula freshman year kasi, dito na kami kumakain ni don. Medyo malapit sa campus. Ilang kanto lang ang layo. Kaya dito kami madalas tumambay o kumain. Halos sa isang linggo ay limang beses kami kung kumain dito. At hindi ganon kabigat sa bulsa ang presyo. May mga mahal at may mga affordable naman kahit papaano.

"Baka naman traffic lang. O kaya may ginawa lang. Hehe." Napakunot ang noo ko sa tawa niya.

"Siguro nga." Sabi ko nalang at kinuha ang phone ko para itext siya ulit. Pero ganun pa rin at walang reply.

"Bibigyan nalang muna kita ng favorite mong milo dinosaur para di ka mainip maghintay." Tumango ako at nginitian siya.

Hindi naman ganun katagal at bumalik din si kim na sobrang laki na ng ngiti. Animoy parang kinikiliti. Napangiti na din ako habang pinapanood siyang lumapit.

"Ganda ng ngiti ah. Nakakahawa tuloy." Nakangiti kong sabi.

"Nemen keshe. Kenekeleg eke." Natawa kami pareho sa pananalita niya.

Pagkalapag niya ng shake ko ay nagpaalam na din siyang umalis at may gagawin pa daw siya. Kaya hinayaan ko na dahil marami-rami rin ang mga customers dito. Halos hindi sila nauubusan.

Mamaya-maya pa ay may narinig akong nag strum ng gitara sa may bandang likuran ko. Pero hindi ko na pinansin. Baka yung mga schoolmate lang namin na dito din kumakain at tumatambay. May mini stage kasi dito. May mga instruments at pwede kang tumugtog. Sa tagal namin dito ni don. Halos everytime nila akong pinapakanta kaya naman naging close na din talaga namin ang manager at may ari. Tsaka isang dahilan na din na kilala talaga si don. Dahil isa siyang pineda at samaniego.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon