Chapter 15

1.7K 50 1
                                    

Fiona's pov

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa bahay. Nagising nalang ako dahil sa masamang panaginip. Pero bakit parang totoo? Nararamdaman ko pa din nag sakit sa puso ko.

Parang unti-unti napupunit, para may matulis na bagay na nakabaon at konting pag hinga ko lang at nasasaktan na ang puso ko.

Napahawak ako sa mukha ko. At ramdam ko ang hapdi nito. Totoo ba ang nangyari? Sana hindi. Sana panaganip lang! Isang bangungot na kahit kailan at ayokong mangyari.

Naramdaman ko ang mga luhang bumabagsak galing sa mga mata ko. Bakit ako umiiyak? Bakit kusa siyang tumutulo? Isang mabibigat na pag hinga ang ginawa ko para pakalmahin ang sarili ko. Pero hindi ko nagawa. Napahagulgol nalang ako ng wala sa oras.

Alam kong hindi iyon panaginip. Pero pinipilit ko lang na hindi yun totoo dahil ayoko! Hindi totoo ang lahat! Panaginip lang yun! Isang bangungot!

"Fiona!" Tumingin ako kung sino ang tumawag sa akin.

Mabilis siyang lumapit sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit. Sa yakap palang niya alam ko na. Alam ko ng totoo ang lahat! Lalo akong umiyak sa bisig ni hade.

"Iiyak mo lang yan. Pero pag katapos niyan. Ayoko ng makitang umiiyak ka. Andito lang ako. Hindi kita iiwan."

Humagulgol ako sa sinabi niya. Halos hindi na ako makahinga. Humiwalay ako sa yakap at hinarap ko siya.

"P-panaginip ko lang ba yun hade? Please.. S-sabihin mo sa akin. H-hindi yun totoo diba? D-diba?"

Kitang kita ko ang malungkot niyang mata. Pumikit siya at yumuko. Wala siyang sinabi pero alam ko na. Alam ko na ang sagot. Kaya lang, pinipilit ko lang na hindi totoo. Dahil ayokong paniwalaan ang nangyari.

Hindi to totoo! Paulit ulit kong sinasabi sa isip ko. Kung hindi sasabihin ni hade sa akin. Kay don ko mismo gustong marinig. Gusto kong mag bago ang isip niya. Gusto kong bigyan niya ako ng pag kakataon mag paliwanag.

Agad akong tumayo at naligo. Naririnig ko ang pag katok ni hade pero nag patuloy ako. Pag labas ko ay wala na si hade. Siguro nasa sala na. Mabilis akong nag bihis at nag ayos ng sarili.

Biglang tumayo si hade ng makita niya ako. Wala sila dansen at sarah. Na saan ang mga kapatid ko?

"Mot, kumain ka muna." Pumunta siya sa kusina kaya sinundan ko.

"Asan si dansen at sarah?"

"Pumasok na sa school." Sabi niya at kumuha ng pinggan.

"Saturday nung party ni clark diba? Paanong monday na ngayon?" Naguguluhan kong tanong.

Humarap siya sa akin bago ipatong ang pinggan sa lamesa.

"I injected you some sleeping liquid. It's the best way para makatulog ka."

I pursed my lip ng dahil sa sinabi niya. Hindi nalang ako nag reklamo dahil nangyari na ang nangyari.

"Aalis na ako. Hindi pa ako gutom." Sabi ko nalang sakanya at lumabas na ng bahay.

"Fiona, wait!" Nah mamadaling kinandado ni hade ang apartment.

"I'll go with you." Umiling ako sa sinabi niya.

"Wag na. Kaya ko na ang sarili ko. Ayokong abalahin ka pa. May pasok ka diba? Sige na. Papasok din ako mamayang hapon." Tatalikod na sana ako pero hinila niya ang kamay ko.

"I'll go with you, period!"

Galit niyang sabi kaya hindi na ako nag salita. Hidni maganda pag nagalit si hade. Halos lahat naman silang mah pipinsan. Pero hindi ko gusto kasi na nakikitang galit si hade sa akin. Ilang beses na kaming nag away at ilang beses na siyang nagalit sa akin. Hindi niya ako pinansin ng halos ilang buwan. My wouldn't be the same without hade. Kaya hindi ko kaya na walang hade sa buhay ko.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon