Second semester na kaya umpisa na ng ojt ko ngayon. Sa amin kasing tourism course, pag second semester lang kami nag oojt. First semester ay practicum lang namin sa school mismo. Pero ngayong ojt na kami. Out of the school na kami.
Hindi kami ang pipili ng travel companies na papasukan namin. School ang bahala. Kaya nga kinakabahan kaming lahat ng sabihan kami ng prof namin na ipapaskil niya sa announcement bulletin ang travel agencies or company kung saan kami mag oojt.
Pag kadating ko sa school ay dumeretso na ako sa department namin para macheck kung saang company ako papasok. Sobrang excited ko dahil finally, isang semester nalang ay makakapag tapos na din ako. Kailangan ko lang tapusin ang ojt na to at makakapag focus na ako sa trabaho. Medyo makakaluwag luwag na kami ng mga kapatid ko.
"Fiona, omg! Sa Cartel tayo mag oojt! Omg!" Napangiti ako sa salubong sa akin ng classmate kong si via.
Tumingin ako sa bulletin at tama nga siya. Lima kaming naka-set na mag oojt sa cartel. Ang pinakasikat at malaking travel agency sa bansa. Kasama namin si andy, patrick, nina at kaming dalawa ni via.
"Start na ng ojt bukas. Saan tayo magkikita?" Tanong ni andy sa amin ni via ng makita niya kami.
"Sa cartel nalang. Mag hintayan nalang tayo sa entrance para sabay sabay tayo." Sagot ni via sakanya.
"Sige. Aalis na din ako. Kailangan ko pa bumili ng damit para sa isusuot ko pang ojt." Paalam sa amin ni andy.
"Oh shit! I need to buy too. Sige fi, see you tomorrow." Nag madali siyang umalis para humabol kay andy.
Bigla akong namoblema sa sinabi nila. Akala ko ba, sagot na ng company ang uniform ng mag oojt? May proproblemahin tuloy ako.
Nag lakad na ako papunta ng cafeteria. Kanina pa kasi tumatawag si angel sa akin. Madami na ang pumapansin sa akin ulit. Bumalik na din sa dati ang turing ko sa mga tao. Ngingiti, papansin at makikipag usap saglit.
"Fi, ojt ka na bukas?" Tumango ako kay kat pag dating ko sa spot namin.
"Goodluck sayo! Tara treat ka namin." Napataas ako ng kilay kay angel.
"Diba ako dapat ang mag treat?" Natatawa kong sabi.
"Oo nga pala no. Sige, tara sa condo ko. Treat mo kami." Sabi niya.
"Then let's go. I'll call nalang the boys." Napakamot ako ng ulo ng nag sitayuan na sila.
"Hindi pa ako nakakaupo, aalis na agad tayo?" Pag tataray ko sakanila.
Hinila ako ni angel at pinaupo sa upuan. Tapos hinila din niya ako patayo pagkatapos niya mag bilang ng hanggang lima.
"Oh ayan! Nakaupo ka na. Tara na." Sabay hila niya sa akin.
Natawa kaming lahat sa ginawa niya. Pambihira. Dala ni faye ang sasakyan niya kaya doon kaming lahat sumakay. Bumalik na sa dati ang closeness ko sakanila. Napahinga ako ng malalim habang pinapanood silang magtawanan. Namiss ko ang ganitong samahan namin.
Nagagawa ko ng ngumiti at tumawa ng dahil sakanila. Oo, masakit pa din. Hindi ko pa din makalimutan si don. Pero atleast hindi na ako gabi gabing umiiyak, nag mumukmok. Natutunan ko kasi na pag napag iisa lang ako mas maaalala ko lang siya. Akala ko kasi dati, pag kasama ko ang barkada. Maiisip ko lang si don. Syempre kaibigan at pinsan nila yun. Pero it turns out na, pag kasama ko ang barkada. Hindi ko siya masyado naaalala. Malaking tulong ang mga kaibigan ko sa unti-unti kong pag move on.
Yes! I finally wholeheartedly decided to move on. Hindi na talkshit! Gagawin ko na talaga. This time, totohanan na. I need to move on. Dahil wala na akong pag asa para kay don. He hates me, he loathed me, he have a wife. Walang wala nang pag asa!

BINABASA MO ANG
If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)
RomanceStory of fiona and don (Clash of clan love story and when she met the mafia boss,cast) *Clash of clans love story* Fiona and don are together. Don is Sir's cousin *When she met the mafia boss* Fiona and don seperates. Don got married. This will gonn...