Chapter 3

2.4K 49 7
                                    

"Dansen, Sarah, kain na tayo." Sigaw ko mula sa kusina.

Lumabas ang dalawa kong kapatid na nakapalit na ng uniform nila.

"Dalian niyo kumain at baka mahuli kayo sa klase. Ito ang baon niyo. Andito ako mag hapon at walang pasok. Kaya umuwi kayo ng tanghalian. Mag luluto nalang ako."

Nag umpisa na akong mag linis sa kusina habang kumakain ang mga kapatid ko.

"Ate, halika muna dito. Kain tayo." Hinila ako ni Sarah pero umiling ako sakanya.

"Kumain na ako kanina pa. Mag lilinis lang ako." Nginitian ko siya ng sinimagutan niya ako.

"Ate, Laging yan ang sinasabi mo. Pero di ka pa naman talaga kumakain eh." Ang lalaki kong kapatid na si dansen.

"Sige na ate. Kawawa ka naman. Ikaw ang nagtratrabaho para sa atin tapos ginugutom mo sarili mo."

Gusto kong maiyak sa sinabi ni sarah pero pinigilan ko ang sarili ko. Umupo nalang ako at kumain. Tag isa naming itlog at may limang piraso na tuyo. Binili ko lang sa kanto kanina. Sa halagang 30pesos may agahan na kami.

Nang matapos kumain ay hinatid ko sila sa sakayan. Pareho nila akong niyakap at pinanood ko silang makasakay ng tricy.

Pag balik sa maliit naming apartment ay nag linis na ako. Nilinis ko ang buong bahay dahil hindi ko nahaharap mag linis kung minsan. Dahil may trabaho ako sa gabi.

Madali akong natapos sa pag lilinis dahil mukhang nag linis na naman ang dalawa kong mahal na kapatid.

Kahit ganito ang buhay namin. Nakakaramdam pa din ako ng kasiyahan dahil hindi sakit sa ulo ang dalawang kapatid ko.

Nag aaral silang maiigi dahil alam nilang wala na kaming magulang na tutulong sa amin. Alam din nila ang hirap ko sa araw-araw.

Nag aaral sa umaga, pag dating sa gabi may trabaho. Madaling araw na ako nakakauwi kung minsan.

Naramdaman ko ang hirap ng sitwasyon ngayong wala si Don na kasama ko. Anim na buwan na din siguro nung iniwan kami ng magulang ko.

Pero sa anim na buwan na yun. Laging andyan si Don sa tabi ko. Kinaya ko pa ng tatlong buwan dahil may konti akong ipon. Tsaka mag isa ko lang noon dito sa Manila.

Pero nung kinuha ko na ang mga kapatid ko dito. Sobrang hirap. Ako na ang nag tataguyod sakanila. Dalawang beses palang kaming binibigyan ng mga groceries ni Don. Magugulat nalang ako pag uwi ko ang dami ng supot ng groceries at may isang sako ng bigas na.

Pero dahil hindi naman pwedeng dumepende ako kay don. Naghanap ako ng trabaho. Buti nalang at naswertehan ko lastweek kaya may raket na ako.

"Fiona, pwede ka na daw pumunta sa bahay." Katatapos kong maligo ng dumating si Anna. Isa sa kapitbahay namin.

Pumunta kami sa bahay nila at nag umpisa ng mag laba. Ito ang isa sa mga raket ko. Ang mag laba ng damit para sa mga kapitbahay namin. Sayang din ang 300 na ibibigay nila sa akin. Libre pa ang meryenda at pananghalian kung minsan.

Alam din kasi nila ang sitwasyon naming mag kakapatid. Kaya nag papasalamat din ako sa mga kapitbahay namin dahil mababait sila.

Pag katapos ko mag laba dito ay pupunta naman ako sa kabila. Talagang pina-move ko ang subject ko pag Friday. Para wala akong pasok ng whole day. Nilagay ko siya sa mga vacant time ko ng Monday at Wednesday. Talagang nakiusap pa ako sa admin at nag makaawa. Buti nalang at tumalab kaya pinayagan ako.

Thursday palang, tatanungin ko na mga kapitbahay namin kung may ipapalaba sila sa akin bukas. Nasanay na din sila at ilang linggo ko na ito ginagawa. Talagang nakahintay na ang ipapalaba nila sa akin pag Friday na.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon