Chapter 66

2.6K 48 5
                                    

"Bakit hindi ka sumama kay don?"

"Psh. Kailan pa ako gustong isama nun sa mga business meetings niya?"

"I wonder why. Siguro dahil distraction ka para sakanya."

"Whatever hade."

Inirapan ko si hade at nag patuloy sa ginagawa ko. Kanina pa siya nandito sa opisina ko at nang gugulo. Dinededma ko lang siya pero sinasagot naman pag nag tatanong.

"Malapit na matapos ang 3months mo dito. What's your plan after this?"

"Sa kumpanya mo naman." Sagot ko na hindi inaalis ang tingin ko sa papel.

"You know, you can now stop all of these shits. You and don are together now. So there's no need."

Inangat ko ang ulo ko at pinanood siyang nag titingin tingin sa mga picture frames.

"What do you mean?" Nilingon niya ako at ngumisi.

"Tapos na ang trabaho mo dito, mot. You can now rest and enjoy your day."

"Tapos na? Eh hindi ko pa nga nalalaman kung sino ang nagnakaw ng pera dito sa kum-"

"That's not your job." Umiling iling pa siya.

Pinanliitan ko siya ng mata at mukhang di naman siya nag bibiro. Tumingin siya sa wristwatch niya at inayos ang buhok.

"Anyway, I need to go. Dumating na yung ka-meeting ko. See you on weekends okay?" Hindi na ako nakapag salita ng hinalikan niya ang ulo ko at walang lingong lumabas ng opisina ko.

"Not my job? Tss. Ano bang pinag sasabi nun? Tsk. Nawala na tuloy ako. Ugh!!" Bulong ko sa sarili ko at inis na pinag patuloy ang binabasa ko.

-------

I'm sorry, babe. Can't fetch you tonight. But I already called kuya al. He'll be there in a minute. I love you! See you in a bit!

Hindi ko na nireplayan si don dahil nag tatampo ako sakanya. Hindi dahil hindi niya ako masusundo. Kundi dahil sa mga business meetings niya na ayaw niya akong sumama. Hindi naman sa sobrang clingy girlfriend ako. Pero syempre, gusto ko lang naman tumulong talaga. And then recently, nahahalata ko na na may tinatago siya sa akin. Naalala ko yung sinabi niya na sasabihin niya rin daw sa akin but not that moment.

Ang pagkakaintindi ko kasi ay pag okay na kaming dalawa. Kapag nag kabalikan na kami ay sasabihin niya na sa akin. Parang ganun kasi ang sinabi niya noon at hindi ko na matandaan ang eksaktong sinabi niya pero ganyan yung ibig sabihin.

Mamaya maya ay tumatawag na si kuya al. Sinagot ko iyon at sinabing pababa na kami nila dansen at sarah.

"Ang ganda ganda ng suot mo pero simangot yang mukha mo." Lalo akong sumimangot kay kuya al habang nasa daanan na kami.

"Eh kasi naman kuya al, ilang araw siya sa cebu tapos hindi pa ako masusundo. Inuna pa niyang samahan yung ka-business meeting niya. Tss."

"Mag kikita naman na kayo mamaya. Kaya wag ka ng malungkot, miss fiona. Panigurado ay namimiss ka na nun."

Malakas akong bumuntong hininga at hindi na sinagot si kuya al. Hindi ko maiwasang hindi mag isip ng iba. I know it's not right. Pero kasi, si don yun eh. Simula nang magbalikan kami  ay hindi na niya gustong humiwalay sa akin. Kulang nalang mag tabi kami matulog talaga. Kung hindi lang dahil kay dansen at sarah. Malamang nag over night na ako sakanya. Kaya hindi ko mapaliwanag ang kabang nararamdaman ko simula ng mag paalam siya sa akin nung monday na pupunta siya ng cebu para sa business meeting. Hinihintay kong sabihin niyang sumama ako pero umalis na siya't lahat wala talaga.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon