Gabi na nang mag start ang totoong party na sinasabi nila gael. Trance music at may mga nag sasayawan na sa dance floor. Kasama na doon si ello, ella, harris, claire at ang mga ibang pineda. Tanging ako at sila clark nalang ang naiwan dito sa table.
Tumingin ako sa paligid para hanapin si hade pero kanina ko pa siya hindi nakikita. Mokong na yun! Mukhang umuwi na ata. Wala na din kasi yung babaeng dinidiskartehan niya eh. Baka inuwi na niya.
"Sinong hinahanap mo, fi?" Tanong ni laurice. Napatingin sa akin ang mga ibang kasama namin sa table. Si clark, faye, monette at ang girlfriend ni don na si crystal.
"Si hade. Nakita mo ba?" Tumingin siya sa taas ng bahay nila.
"I think, he's there. Inangkin na niya ang kwartong yun eh." Natawa ako sa sinabi niya.
"Puntahan ko lang at-"
"No!" Biglang sabat ni monette at nang girlfriend ni don. Napakunot ang noo ko sakanilang dalawa.
"He is resting. Huwag mo ng istorbohin." Tinikom ko ang bibig ko. She really is mad at me, huh? Ganyan siya makipag usap pag ayaw niya sa kausap niya.
She will be in her bitchy tone. Tumango nalang ako at kinuha ang phone ko. Sakto namang nag palit ang music nang mas slow beat na song. Sabay-sabay na nag silapitan ang mga kaibigan namin. Halatang napagod sa pag sayaw sa gitna kanina.
"Are you okay?" Si ello. Tumango ako sakanya. May binulong siya sa akin na ikinatawa ko.
"Sigurado bang hindi talaga kayo? Or it's just a front?" Nagkatinginan kami ni ello ng malamang kami ang tinatanong ni monette. What is her problem? Bakit parang trip niya ako ngayon?
Tumawa si ello at umakbay sa akin. Hindi ko yun tinanggal at lahat sila ay napailing habang may mga nang aasar na ngiti. Except monette na halatang asar na asar sa pagtawa lang ni ello.
"We are not an item."
"Really? Come on, ello. Tayo tayo lang andito. I knew you are just being secretive dahil sikat ka na. But I knew that style. I am also a celebrity, remember? Alam ko ang mga ganyang denial." Tinitigan ko si monette. She changed alot. Mag mula sa itsura, pananalita, pag galaw at pakikisama sa mga tao sa paligid niya.
"Nette, don't be such a bitch." Si clark.
"Me? Bitch? Oh no! I am not. Gusto ko lang naman malaman ang totoo. Kayo rin diba? We are curious if sila nga talaga. I mean, look at them. May mag kaibigan bang ganyang kadikit?" Hindi ko na napigilang umirap sa sinabi niya.
"Look, monette, I don't know what you're up to. But let me still say this. Hindi ko girlfriend si fiona. At kung girlfriend ko man siya, hindi ko gagawing sikreto ang relasyon namin. I will proudly tell in national television that she's my girlfriend. Pero hindi eh. Isa lang akong kaibigan/dakilang manliligaw. So, if you still don't believe it. It's not our problem anymore. Huwag kang mag alala, kung magiging kami man. Ikaw ang unang unang makakaalam."
At ang susunod na nangyari ay nag walk out si ello. Ganun siya kapikon. I sighed heavily. At tumingin kay harris. Tinaasan niya ko ng kilay. Sinenyasan ko siyang mag salita. He needs to explain. Mukhang siya ang dahilan kaya ang alam nila ay kami ni ello. Sila lang naman at ni claire ang nakakasama namin sa palawan. Lalo na si ello dahil lagi niyang kasama si harris na pumunta ng palawan, kaya alam ni harris na hindi kami ni ello.
"I apologize for my mistake. Ako lang naman talaga kasi ang nag iinsist na sila na talaga. Pero ang totoo, hindi pa sinasagot ni fiona si ello. Kaya please lang, wag niyong badtripin si ello. May upcoming concert siya. Maapektuhan ang mga rehearsals niya pag marami siyang iniisip." Tumango ako kay harris. Tumayo na siya at mukhang susundan si ello.
BINABASA MO ANG
If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)
RomanceStory of fiona and don (Clash of clan love story and when she met the mafia boss,cast) *Clash of clans love story* Fiona and don are together. Don is Sir's cousin *When she met the mafia boss* Fiona and don seperates. Don got married. This will gonn...