Kanina pa ako dito sa tapat ng tinatawag nilang training ground sa compund ng mga pineda. Ito ay nasa bahaging likuran may kalayuan sa mansion. Sa sobrang luwang ng mansion na to hindi ko ma identify kung ilang hectares.
Nagpahatid ako kanina sa isa sa mga tauhan ng mga pineda. Kinailangan pa namin gumamit ng sasakyan para makapunta dito dahil masyadong malayo. Yung sasakyan na ginagamit sa golfing.
Siguro, mag iisang oras na ako dito sa labas. Mabuti nalang at mapuno dito sa paligid ng malaking gymnasium na to. Para kasi siyang gymnasium eh.
Siguro nagtataka kayo kung bakit ako andito. There's only one reason. And that's don.
Oo nasabi ko sakanya dati na hindi ko kailangan ng tulong niya. Pero hindi uubra ang iba kong plano. Pero may isa pa akong plano. At nasabi ko na din ito sa totoong magulang ni laurice at sa mommy ni clark. Napag usapan na namin ang plano. Peto hindi to alam nila stuart, monette at faye ang tungkol dito. Ayokong madamay sila sa pagtataksil na gagawin ko.
Kahit naman saang banda. Pag tataksil talaga sa mga pineda ang gagawin ko eh. Lalong lalo na kay clark. Kaya napag desisyunan kong wag ng ipaalam ito sa iba. Atleast, kakampi ko ang magulang ni laurice at ang mom ni clark.
"Fiona?" Lumingon ako sa tumawag sa akin. Si aiza. Ang isa sa mga matinik na tauhan ng pineda.
"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong niya.
"Kakausapin ko sana si don. Hinihintay ko lang." Alanganin akong ngumiti.
"Tara! Nasa loob siya." Tumango ako at sumunod sakanya.
Balak ko sanang sa labas nalang siya hintayin pero dahil gusto kong makita ang loob ng training ground ay pumayag na ako.
Pag pasok sa loob. Hindi ko aakalaing malamig. May mga kalalakihan na nakaupo sa mga couches. May mga tubig sa harapan nila. Napatingin sila sa amin at agad na tumayo. Bahagya silang nag bow sa amin ni aiza. Nahiya tuloy ako bigla.
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. May mga pintuan akong nakikita. Hindi ko alam kung ano ang laman ng bawat kwarto. Pero sa isang pintuan ay may glass wall na pagitan. Nakikita ko ang mga nasa loob. Shooting room ata ang tawag doon. May mga nakahilera doon. Mga limang booth siya. Nakasuot sila ng malalaking headphone sa ulo at may binabaril silang target. May kinakausap si aiza kaya nanuod muna ako sa ginagawa ng mga tao sa shooting room.
May isa sakanila na ang bilis mag kalas ng bala at mag palit. Sabay aim ulit niya sa target. Wow! Naaamazed tuloy ako! Gustong gusto kong matuto bumaril. Hindi ko alam pero ang astig kasi tignan. Sinasabi ko noon kay don na gusto kong matuto kaya tinuruan niya ako ng basic. Kasi mas nag focus siya sa pag tuturo ng self defense sa akin.
"Miss fiona, nasa ring si master don. Halika at ihahatid kita." Tumango ako at sumulyap ulit sa mga bumabaril. Hindi ko man lang naririnig ang pag putok ng baril sa loob.
Sumunod ako kay aiza. May dalawang boxing ring sa gitna pagitan ng mga rooms. May mga nag lalaban doon. Pero di ko kayang panoorin dahil halos dugo na ang bibig at mukha ng mga nasa loob ng ring.
Pumasok si aiza sa isang pintuan. Pag pasok ko sa loob, narinig ko ang mga naghihiyawan na tao. Tumingin ako sa paligid at hindi ko aakalain na maluwang ang bawat kwarto dito. Nakita kong mga nasa 30 na tao ang andito sa loob. May mga bleachers sa paligid. Para siyang kalahati ng basketball court. Umakyat si aiza sa mga bleachers at sumusunod pa rin ako sakanya. Hindi kasi namin nakikita ang mga nag lalaban dahil natatakpan ng mga nag tatangkaran na lalaki ang ring.
"Ayun si master don." Tinignan ko ang tinuro ni aiza at laglag ang panga kong nakatingin kay don.
Tumingin ako kay aiza at sa pwesto ni don tapos kay aiza ulit. Nanghihingi ng paliwanag kung bakit nasa loob ng ring si don? Shit!
BINABASA MO ANG
If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)
Любовные романыStory of fiona and don (Clash of clan love story and when she met the mafia boss,cast) *Clash of clans love story* Fiona and don are together. Don is Sir's cousin *When she met the mafia boss* Fiona and don seperates. Don got married. This will gonn...