Chapter 5

2.3K 35 4
                                    

Nagising ako ng may naramdaman akong humahalik halik sa labi ko. Hindi pa ako dumidilat ng mata pero kilala ko na kung sino ang makulit na humahalik sa labi ko.

"Good morning sa pinakamaganda, pinakasexy at pinakamamahal kong babae sa buong mundo." Natawa ako sa pag bati ni don ng nag mulat na ako ng mata.

Hinalikan ko lang ang labi niya. Tumihaya siya ng higa at ako naman ay niyakap siya. Pinatong ko ang ulo ko sa braso ni don.

I put my hand in his chest kaya nararamdaman ko ang normal na pag pintig ng puso niya.

"Babe, do you still remember the time when we are at the mall? Nung time na may babaeng lumapit sa akin?" I nod my head at him. Inaantok pa kasi ako.

"That's crystal. Diba sabi ko sayo kababata ko siya?" Tumango ulit ako. Paano ko makakalimutan yun eh pinag selosan ko ang babaeng yun.

First time in my history na mag selos. Kuntento kasi ako kay don na ako lang ang mahal niya. That's how much I love don. Malaki ang tiwala ko sakanya. Na ako lang at wala ng iba.

"Her birthday will be the day after tomorrow. Invited ang family namin dahil business partner nila dad ang parents ni crystal." Napaangat ako ng ulo sa klase ng boses ni don. He sounds nervous.

"Mom told me that I should go. After all, crystal and I have been a friend for a long time." So that's why he sounds so nervous.

Kinakabahan siya na baka mag react ako o mag away kami dahil sa pag punta niya sa birthday ng kaibigan niya. Na technically, eh pinag seselosan ko lang naman.

Bumangon ako at kinuha ang tuwalya at ibinalot sa hubad kong katawan. Hindi ko na kailangan mag explain. May nangyari kagabi. Yun na yun. Baka lumandi pa kayo dyan pag dinetalye ko ang bed scene namin ni don.

Pumasok ako sa loob ng banyo at nag umpisang maligo. Ito ang problema kay don. Kung ako malaki ang tiwala ko sa pag mamahal niya sa akin. Siya ay hindi. Ang akala niya pag nag aaway kami, baka iwan ko siya. Pag nag selos ako ay iwanan ko na siya. Pero napakaliit na bagay lang ang mga iyon para iwan siya.

Hindi ko din naman masisisi si don dahil isang beses na akong nag tangkang hiwalayan siya noon. At dahil yun sa matinding selos. Dahil kay crystal. Kaya kinakabahan siya kanina dahil alam niyang matindi ang selos ko sa babaeng yun. At alam niyang iyung babae na iyun ang dahilan kung bakit muntik ko na siyang iwan.

Ganito kasi yan, nasa mall kami noon ni don at may date kami. Nang kumakain kami sa isang fast food ay may lumapit sa aming babae. Sobrang ganda, simple lang siya pero  sa bawat sulok ng pag katao niya. Sumisigaw ng karangyaan.

At dahil puno na ang fast food na kinainan namin. Don offered her to seat with us. So pinakilala niya ako. Nag pakilala din yung babae. Walang kaso sa akin yun dahil mabait naman talaga siya.

Pero kitang kita ko kung paano sila mag tawanan, ang saya saya nilang dalawa habang nag uusap. Parang may sarili silang mundo.

Unang beses na nakalimutan ako ni don na kasama niya. Parati kasing nakaakbay lang siya sa akin. Kahit nakikipag usap siya sa iba, maya't maya ay titingin sa akin at kakausapin ako. Kung alam at ramdam na niyang na out of place na ako. Siya na ang mag papaalam sa kausap niya at aalis na kaming dalawa. Yung kaming dalawa lang!

Pero nung kausap niya yung babae. Never niya akong tinapunan ng tingin. Never niya akong inakbayan. Nakapatong ang dalawa niyang siko sa table at tutok na tutok na nakikipag usap sa babae.

First time kong maramdaman na walang pakialam sa akin si don. Sa ilang minuto nilang pag uusap. Pakiramdam ko nawala sa akin ang doniel ko. Pakiramdam ko naetchapwera ako sa buhay niya.

If I Fall With The Billionaire (Wattys2018) ✔ (Pineda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon